Kabanata 21

17 5 0
                                    

Kabanata 21





Halos mamalikmata ako dahil sa sikat ng araw nang makababa kami sa kalesa. Tinulungan ko muna si Manang Lita na buhatin ang mga pinamili bago ako tumungo sa aking silid.

Ibinababa ko sa lamesa ang takuyang naglalaman ng prutas at tinapay na hinandog kanina sa'kin ni Samuel. Nais ko pa sanang iwanan ito sa kusina at pagsaluhan namin iyon ni Manang Lita ngunit tumanggi siya.

Nagpalit ako ng baro't saya at hinugasan ang aking mukha upang mawala ang koloreteng ipinahid ko kanina. Nang maayos ko ang aking sarili ay nagtungo ako sa hardin upang linisan ang paligid nito.

"Ano ang iyong masasabi Binibining Miranda?" napalingon ako sa tinig na pinanggalingan non. Kung hindi ako nagkakamali ay tinig iyon ni Rosa. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at hindi nga ako nagkakamali dahil masayang nag-uusap ngayon si Rosa at si Binibining Miranda.

"Eliana, bakit ikaw ay nariyan. Ikaw ay lumapit dito," utos sa'kin ni Binibining Miranda nang agad niya akong mapansin na nakatayo malapit sa kanilang kinaroroonan. Napangiti ako at lumapit sa kanila.

"Magandang tanghali," bati ko. Ngumiti bilang tugon si Binibining Miranda ngunit nanatiling hindi maipinta ang mukha ni Rosa. "Maupo ka," utos ni Binibining Miranda.

Napaupo ako nang matiwasay at napansin ko kaagad ang isang takuyan na naglalaman ng mirasol. Gumuhit ng kaunting pagtataka ang aking isipan ngunit mabilisan ko itong itinanggi dahil sa  ayokong maghinala.

"Ang mirasol na ito'y handog kanina ni Senyor Samuel, bago mag bukang liwayway" saad ni Rosa. Napatingin ako sa kaniya at siya'y nakatingin din sa'kin habang nakangiti.

"Si Senyor Samuel ay tunay na maginoo sapagkat wala siyang pinapalampas na umaga na hindi ka nahahandugan ng mga sariwang bulaklak Binibini," patuloy ni Rosa at matamis ang ngiti niyang nakatingin kay Binibining Miranda.

"Si Ginoong Samuel nga'y tunay na maginoo. Alam kong ang bagay na ito ay hindi na bago para sa kaniya" wika ni Binibining Miranda.

Palipat-lipat lamang ang tingin ko sa kanila ngumingiti na lamang ako nand tipid upang hindi mawala ang pagkadismaya sa kanilang dalawa.

Hindi ko nais na pagdudahan ang pagmamahal sa akin ni Samuel dahil batid ko sa sarili ko na ako ang tinitibok ng kaniyang puso.

Nagawa nang ipaliwanag sa akin ni Samuel ang lahat, nilinaw niya ang mga bagay na dapat linawin at sing linaw rin ng tubig ang kaniyang sinambit tungkol sa namamagitan sa kanila ni Binibining Miranda.

"Ako'y tutungo mamaya sa mansyon Delos Santos, nais mo bang sumama Eliana?" napabalik ako sa wisyo nang bigla akong tanungin ni Binibining Miranda.

"Ako'y nakatanggap ng imbitasyon mula sa kaniyang Ina" wika muli niya.

Napahinga ako nang malalim at ngumiti sa kaniya. "M-maaari Binibini," sambit ko, napangiti siya nang matamis sa'kin.

"Maaari rin ba akong sumama Binibini?" singit ni Rosa. Napabaling sa kaniya ang tingin ni Binibining Miranda, may bahid ng pag-asa sa mukha ni Rosa na umaasang makaririnig siya ng positibong tugon.

"Pasensiya na Rosa, ngunit kami na lamang dalawa ni Eliana," nakita ko ang unti-unting paglukot at lungkot ng mukha ni Rosa dahil sa tinuran ni Binibining Miranda. Kahit ako'y nagulat sa mga pangyayari hindi ko lubos aakalain na ganito ang kaniyang isasambit.

"A-ayos lamang binibini" wika ni Rosa, kahit pinilit niyang ngumiti ay bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagkadismaya.







Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now