Kabanata 13

25 5 3
                                    

Kabanata 13





"Ginoong Lazaro" sambit ko habang dahan-dahang napatayo at yumuko sa kaniya nang bahagya. Napatingin siya sa akin at pinagmamasdan ang aking buong katawan. Napakunot ito ng noo nang makita niya ang putikan kong saya at sapin sa paa nagulo na rin nang bahagya aking buhok ko at nanunuot  ang pawis sa aking noo.

"Pasensiya na Ginoong Lazaro" sambit ko habang bahagyang pinunasan ang aking noo at inayos ang aking buhok. "Ano ang nangyari sa iyo? At bakit ikaw ay narito?" sunod-sunod na tanong niya. Habang kunot-noong nakatingin sa'kin.

Napangiti ako nang bahagya "Inutusan po  ako ni Donya Flora Ginoo na kumuha ng rosas sa inyong taniman" tugon ko habang napatingin sa mga rosas na nakalagay sa takuyan.

Napakunot muli ang kaniyang noo "Ang aking pagkakaalam ay nagpakuha na si Ina kaninang magbubukang liwayway ng rosas" wika niya.

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinambit ni Ginoong Lazaro. Kung nagpakuha na kanina si Donya Flora kanina ngunit bakit nais niya na muling kumuha ng rosas?

"Baka Ginoo hindi ho sapat ang nakuhang rosas kanina" positibo kong sambit. Napatikhim siya. " Si ina ay hindi nagpapakuha nang labis," maikling tugon niya.

Napatingin ako sakaniya ngayon ko lamang napansin na nakadamit pangheneral siya. Bakas sa kaniyang mukha at mata ang pagod ngunit nanatili pa rin na maganda ang postura niya.

"Sumabay ka na sa akin pauwi" kalmadong sambit niya at tumingin sa'kin. "Kailangan ko muna pong pulutin ang mga natitirang rosas," sambit ko at sinimulan ng pulutin ang mga rosas na nagkalat.

Napatigil muli ako sa pagpupulot nang isa-isa ring pinupulot ni Ginoong Lazaro ang mga rosas. Walang imik akong nagpatuloy sa pagpulot ng rosas at inuha ko kay Ginoong Lazaro ang mga rosas na pinulot niya at nilagay sa takuyan.

"Maraming Salamat ho" sambit ko at bahagyang yumukod. Tumango lamang siya at walang imik na naglakad patungo sa kaniyang kalesa.

Napasunod na rin ako sa kaniya at tahimik na naglakad sa kaniyang likuran. Nakahinto ang kaniyang sinasakyang kalesa sa isang malaking puno at nakaupo roon ang kutsero. Napatayo ang kutsero nang makita niya kaming dalawa na naglalakad papalapit sa kalesa. Nagbigay-galang ang kutsero at bahagyang yumuko.

Napalingon sa akin si Ginoong Lazaro. "Mauna ka ng pumasok" kalmado niyang sabi, napatango ako sa kaniya at inalalayan ako ng kutsero sa pag-akyat. Sumunod na rin si Ginoong Lazaro at umupo ito sa aking tabi.

Nakabibinging katahamikan ang mga ingay ng kalesa ang siyang bumabasag sa katahamikan. Diretsiyo lamang ang tingin ni Ginoong Lazaro sa harapan. Napatikhim ako at napatingin sa kaniya.

"Ah. Ginoong Lazaro ano ho ang dahilan kung bakit naparoon din kayo sa inyong taniman ng rosas?" Pagbasag ko ng katahamikan naming dalawa. "Napadaan ako sa bentahan ng mga alagang manok. At napagdesisyunan ko na ring magtungo rito upang kumustahin na rin ang mga rosas," tugon niya habang ang tingin ay nasa harapan.

Napatango-tango ako at itinikom muli ang aking bibig. Katahamikan muli ang namayani sa aming dalawa wari'y may bayad ang bawat letra kaya't wala ni isa sa amin ang gustong magsalita.

"Ang mga Delos Santos ba ay nasa tahanan na?" Napalingon ako kay Ginoong Lazaro nang magsalita siya. "Nasilayan ko ho kanina ang kanilang kalesa" tugon ko habang hinahawakan ang mga talutot ng rosas.

Hindi na muli nagsalita si Ginoong Lazaro hanggang sa marating namin ang mansyon. May dalawang kalesa na ang nakaparada roon at nasa loob ng dalawang kalesa ang kutsero.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now