Kabanata 26

21 6 0
                                    

Kabanata 26





Abala ako sa paghuhugas at pagbabalat ng gulay na magiging laman tiyan sa hapunan. Tahimik lamang sa paghihiwa si Rosa, napapansin ko rin na iniiwasan niya ang aking mga titig.

Hindi ko siya masisisi sa kaniyang pag-iwas dahil batid kong may nalalaman akong tiyak na kahahantungan niya sa kadiliman.

Ilang sandali ay napatigil kami sa paghihiwa at pagbabalat nang marinig namin ang tinig ni Ginoong Lazaro. "Inyo bang nakita kung saan naroroon ngayon si Miranda?" tanong niya napalingon ako rito at bakas sa kaniya ang pag-aalala sa kaniyang kapatid.

Napatingin din ang nagtatanong na mata sa akin ni Ginoong Lazaro. Wari'y umaasa siya masasagot ko ang kaniyang katanungan dahil nasaksihan niya  akong huling kausap ng kaniyang kapatid.

"Wala ba siya Ginoo sa kaniyang silid?" tanong ni Manang Linda. Napabaling ang tingin ni  Ginoong Lazaro kay Manang Linda at umiling. "Wala siya sa kaniyang silid at hindi rin niya nagawang magpaalam kila ama't ina kung saan ito tutungo," tugon niya, napabuntong hininga ako.

Ibinalik ko ang tuon ng aking mata sa pagbabalat. Naawa ako sa aking sarili dahil batid nilang ako ang personal na soltera ni Binibining Miranda ngunit hindi ako makapagbigay impormasyon sa kaniya.

Kahit na may bahid ng pagkayamot at panibugho akong nararamdaman kay Binibining Miranda ay hindi ko pa ring maiwasang mag-alala.

"Kailangan ay narito na siya ngayon dahil malapit nang magtakip-silim, wala ba sa inyo ang---"

"Nagpaalam po siya sa akin Ginoo na siya'y tutungo sa inyong taniman ng rosas," napabaling ang tingin namin kay Rosa nang magbigay siya ng impormasyon kung nasaan si Binibining Miranda.

Kalmado lamang si Rosa habang nagsasalita at sandaling sumulyap sa akin.Narinig ko ang pagtikhim ni Ginoong Lazaro. "Kung gayo'y maaari mo ba akong samahan doon?" tanong muli ni Ginoong Lazaro.

Napatingin si Rosa kay Ginoong Lazado at mabilisang siyang tumango. Tumayo na siya iniayos ang suot niyang baro't saya ngunit natigilan siya sa pag-aayos at takang napatingin sa akin.

Tinignan ko si Rosa na may pagtataka napabaling ako sa aking likuran at agad na nagtama ang tingin namin ni Ginoong Lazaro.

"Eliana," saad niya. Napatikhim ako at napatingin kay Rosa na ngayon ay dahan-dahan nang umupo at hindi malaman ang kaniyang gagawin dahil sa kahihiyan. Napatingin ako kay Manang Linda na abala sa pagluluto, napatingin siya sa akin at tumango.

Napabaling ako kay Ginoong Lazaro na nagsimula na sa paglalakad. Patakbo ko siyang sinundan at kasabay non ang pag-aayos ko sa aking sarili.

Huminto siya sa kalesang aming sasakyan at inilalayan ako ni Mang Tony na umakyat doon. Si Mang Tony ay ang isang kutsero sa Villaflores at malapit sa kaniya si Ginoong Lazaro.

Pagkasakay ko ay agad na pumanhik si Ginoong Lazaro at ibinababa niya ang salakot na kaniyang suot. Tahimik lamang ako habang binabaybay namin ang daan patungo sa taniman ng rosas.

"Aking napapansin na mailap kayo sa isa't isa ng aking kapatid. Kayo bay may hidwaan?" Pagbasag niya sa katahimikan. Napatingin ako sa kaniya at nakatuon lamang ang tingin niya sa harapan.

"W-wala naman ho kaming hidwaan Ginoo," tugon ko. Napakagat ako sa aking labi, sa tingin ko'y tama nga ang mga sinambit sa akin ni Binibining Miranda na madali lamang akong basahin dahil nagawang basahin sa akin ni Ginoong Lazaro ang malimit naming pag-uusap ni Binibining Miranda.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu