012

3 2 0
                                    

I'm just staring at him while he's busy cleaning my wound. He was serious and frowning. Napaigtad naman ako ng dumampi ang alcohol sa sugat. Tiningnan naman nya ako ng bahagya at dahan dahan na ang ginawang pagpupunas. Unlike kanina na parang gusto na lang nya ibuhos.

Eh kung isapak ko sayo yan?

"Okay na yan" tumalim naman agad ang tingin nito sa akin.

Sabi ko nga hindi. Nalingon naman ako kay Maam Keisha nang tumawa ito. Yes she's here with us. She insist on coming here. "Let him. He's too professional kaya gusto nyang maayos lahat bago ka iwan" maayos lahat bago ka iwan.. professional...

Ganon ba sya ka professional sa larangan ng pang iiwan?

"Salamat" bahagya pa akong yumuko kay Keisha at Ystron.

"What's your name?" napalingon naman ako kay keisha ng tumingin ito sa akin ng nakangiti. I dont know but i feel insecure. She's too perfect. Sa ugali. Sa mukha. Sa pamilya. Halata kasi ang pag aalala ng parents nya ng nagpaalam itong sasama sa amin.

"Shyn Avery Findesce po" napalaki naman ang mata nito at bumilog ang labi.

"Wow ang ganda ng name moo! Just like you!" ehe ano ba.

Tumungo naman ako ng mapansing nakatitig sa amin si Ystron. Im shy-n. Okay corny. He was serious the whole time. "Anyway lets go? And btw you can call me Keisha cut the Maam or Miss" tumango na lang ako bago sumunod sa kanila.

Bali nahuhuli ako at nasa likuran nila habang sila ay magkatabing nag uusap sa harap.

Tinitigan ko ang band-aid na inilagay ni Ystron. Ano na lang ang kukurutin ko ngayon? Shempre yung isa dalawa kamay mo shyn ano ba! Tama tama dalawa ang kamay ko kaya may isa pa. Napayuko ako ng mapadaan kami sa crowd ng pasyente. Mga papalabas na. Nag babayad na ang iba ng bill at ang iba naman ay nag hihintay.

Humugot ako ng malalim na hininga ng makadaan na kami sa kanila.

Ang daming tao.

Silly right? Bakit ako nag nurse kung hindi ko kayang makihalubilo sa maraming tao. Well i can. Pero asahan mong masahol pa ang mangyayari sa kamay kong ito.

Kaya ko naman siguro. Ayoko lang subukan dahil natatakot ako "Are you okay Shyn?" nabalik naman ako sa reyalidad ng huminto na pala sila at tiningnan ako. Kinuha ko ang inabot nyang tissue at ipinunas sa tumatagaktak kong pawis. "Uhh oo. Social anxiety things haha" pagak pa akong tumawa para mawala ang kaseryosohan nila.

"Omg sorry about that dapat pala ay isinabay ka namin. Halika dito sa tabi namin" hinila pa ako nito sa tabi nya kaya nag katinginan kami ni Ystron ngunit agad din akong nag iwas ng tingin.

Bali nasa gitna si Keisha.

"Do you know him naba? Oh silly of course who wouldn't know the great Doc. Xeno right?" tumawa ng bahagya si Ystron dahil sa sinabi nito. Kakatawa yon? Djoke.

"Ah yes"

Sagot ko at muli ng lumingon sa daraanan namin.

Napadaan kami sa may orasan kaya nilingon ko ito para tingnan ang oras. 5:30A.M. Malapit na rin pala akong umuwi. Hindi ako nakatulog ngayon dahil nga sa nangyari. Paniguradong bagsak ako sa kama pag uwi.

"Ah mauna na po ako. Magliligpit pa ako ng gamit mag aalas sais na rin. Keisha. Doc Xeno" yumuko ako sa tuwing tinatawag ang pangalan nila. Hindi ko na sya tinawag na Ystron dahil baka magtaka pa ang babae. At nagseselos ako. Yeah i know wala naman silang ginagawa its just that nag seselos ako kay Keisha hindi lang dahil kay Ystron kundi dahil sa lahat.

Untamed MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon