Inaasahan kong wala na si Ystron pag gising ko dahil nakakahiyang natulugan ko sya.

"Oh god naglinis ba sya?" ngayon ko lang napansin na kumikinang sa linis ang apartment ko. At may nakaluto ring pagkain. Napatayo ako sa gulat ng bumukas ang pinto. Nagulat ako ng tumambad ang mukha ni Jen na nakasilip. "Ate may sulat sayo daw e pinapabigay ng landlady" kinuha ko naman ito sa kanya. Wait fuck!

Ngayon ko lang napansin ang bulto ng tao na nakahiga sa couch ko. Hindi sya umuwi?

Deputa may gwapong natutulog sa sofa ko! Mga ferson ang panty pakihawakan. Nakatakip ang braso nito sa mukha nya habang deretsong natutulog. Bakit hindi sya umuwi? Napagod ba sya sa paglilinis? Sinilip ko ang pagkaing nakatakip sa mesa. Sinigang? Oh wow. Its been a while ng makakain ako nito.

Kadalasan kasi ay de lata or ulam sa kanto lang ang kinakain ko. Natatamad na kasi akong magluto pa.

"Whats this?" tiningnan ko ang papel na inabot ni Jen.

Dear Shyn,

Its me your Tita Bethany pasensya na kung napasulat na naman ako. Manghihingi lang sana ako ng kaunting tulong pampa dialysis. Kahit magkano iha tatanggapin ko. Nakikiusap ako sayo Shyn malaking tulong ito sa aming lahat. Ang nanay mo shyn binabantayan kong mabuti kaya wala kang dapat ipag alala kahit ito na lang ang kapalit. Nag mamakaawa ako sayo iha. Hindi na kami iba saiyo

Your Tita bethany,

Sino ang may sakit? Sabagay matanda na rin si Tita paniguradong mahina na ang katawan nya. Agad kong kinuha ang perang naipon ko sa sobre.

"Is 10k alright?" napabuntong hininga ako ng makitang karampot lang ito. Siguro naman ay ayos na ito? Kakapadala ko lang rin kasi kay mama kaya hindi ganon kalaki ang ipon ko. Magbabayad pa ako sa apartment. Agad akong nag text sa telepono nyang bukas ay ipapadala ko.

Bahala na.

Itinago kong muli ang sobre at pinuntahan si Lui.

"Kanina pa ba tulog si ddy?" marahan naman itong naglambing sa akin.

Aww.

Kaya gusto ko ng aso e. Bumili kaya ako ng pusa? Para may kaaway sya. Malay mo magkaroon pa sila ng trulove. Sabi kasi the more you hate the more you love. MWEHEHEHE.

"Kanina kapa gising? Pasensya na at nakatulog pala ako dito" napalingon ako kay Ystron nang marinig ko ang boses nito.

Shet ang husky.

Matulog ka na lang lagi be.

"Ah hindi naman. Naglinis ka? At nagluto pa..." pahina ng pahina kong saad. Napatingin naman ito sa mesa bago tumayo. Kinuha nya ang pagkain at inilagay sa microwave.

"Oum nakatulog ka kanina e buti na lang dahil kung ano ano ang sinabi ko" hindi ko gaanong narinig ang huli nyang sinabi ngunit ipinag sawalang bahala ko na lang ito.

"Salamat sana hindi kana nag abala at nagpahinga ka na lang sainyo" ngumiti lang ito sa akin.

Halatang wala pa sya sa wisyo dahil kagigising lang.

Nang matapos ay inilabas na nya sa microwave ang pagkain. Ako naman ay naghain na. Nilagyan ko muna ng pagkain nya si Lui bago ako umupo. Pinagmamasdan ko lang si Ystron na busy sa pagsasandok. Nilagyan nya ako ng pagkain bago ang kanya. Sweet.

Untamed MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon