"Hmm"

Luh beh walang ganyanan bakit may pag ungol ang ferson!

"And i dont know it makes me calm" nilingon naman ako nito kaya muntik ko na syang mabatukan.

"Tanga mababangga tayo sa harap ka tumingin" tawa tawa naman itong ibinalik ang tingin sa harapan.

"Yes maam"

Nangungulit ito hanggang sa makapag park kami sa apartment. Maliit lang ito kaya nagdadalawang isip ako kung aayain ko ba sya papasok.

Why not?

Nililigawan nya ako so dapat nyang malaman ang estado ko sa buhay. Baka mamaya umaasa pala syang magkapantay lang kami. Nasa itaas sya samantalang ako ay nasa ibaba nila ni felize. Si felize ang kapantay nya.

"Si lui? Sino ang nagbabantay sa kanya?" he asked while we're walking through the hallway.

"Ayun oh. Si jen yung kapit-apartment ko" natawa naman ito. Baliw? Tawa ng tawa? Happypill moko beh?

"Kapit-apartment? What's that." Ay inosente.

"Hindi naman kasi amin ito kaya ayoko ng kapitbahay noh"

Tumango na lang sya ngunit nanatili ang ngisi sa mukha nya. Sya ang nagbitbit ng gamit ko dahil ayaw nya itong ibigay sa akin. Nagpapalakas ata. Hindi na kailangan enebe.

"Jen? Gising kana ba?" rinig ko naman ang pagtahol ni lui sa loob. Narinig ata ako.

Aba kilala ang mmy HAHAHA.

"Oo ate sandali lang wala akong bra" nanlaki naman ang mata ko at napatingin sa katabi. I just smiled at him awkwardly. Jen may kasama ako bat ka ganyan hehe.

Pilit ko syang nginitian sya naman ay namutla at muntik pang matumba ng mapatingin kay Ystron. Ay marunong tumingin ng gwapo iba din. "A-ah hi? Hehe" oh beh walang agawan tatay yan ng anak ko.

"Ah Jen si Ystron. Doctor sa hospital" bobo Shyn ah? Ala nga naman maging Doctor sa bukid. Tsk.

Inilahad ni Ystron ang kamay nya. Nakatingin lang kami kay Jen na biglang nataranta. Sa halip na abutin ang kamay ni Ystron ay pumasok sya at kinuha si Lui. Napapigil naman ako ng tawa ng sa halip na makipag kamay ay inabot nya si Lui. Tumingin sa akin si Ystron kaya nagkibit balikat lang ako sa kanya.

"Thank you Jen! Mamayang gabi ulit? Hehe" tumango naman ito kahit tulala pa ring nakatingin sa lalaki.

Nahulugan na ata ng panty ang ferson.

"She's creepy" ang pagpipigil ko ay tuluyan ng nawakasan. Napahagalpak ako ng tawa at napahiga pa sa couch. Umupo naman ito ng may nagtatakang tingin sa akin habang hinihimas si Lui.

Oh lui?

Umayos ako at kinuha si Lui sa kanya. "Hi baby kumain kana?" hinalikan ko pa ito sa ulo bago pakainin. Tahimik lang itong kumain kay hinayaan ko na ito sa pwesto nya. Bali pang isang tao lang ang apartment ko. Sa isang kwarto na ito ay nandito na lahat. Hindi ito kagaya ng condo na may pasikot sikot pa. Sa isang kwarto ay makikita mo na lahat ng kailangan mo. Sa tabi ng couch ay kama ko na. Sa gilid naman ay nandoon ang lutuan at paliguan ko. Sa harap ng kama ay may t.v. na hindi ko naman nagagamit dahil madalas akong tulog kapag nasa bahay.

"Your house is quite pretty"

Hindi ko alam kung matutuwa ako or mahihiya sa kanya. Lumipat ako sa kama at doon sumandal. "Its small" sabi ko habang nakatingin lang sa ceiling. "Nag expect ka? Hindi ako mayaman Ystron." tumayo naman ito at lumapit sa side kung saan nakasabit ang mga polaroid pictures ko. Pati na mga frame. "I know and i don't care" hindi ko namalayang nakatulog ako dahil sa pagod.

Untamed MiseryWhere stories live. Discover now