Chapter 2 // Companion

Start from the beginning
                                    

Matapos kong mag-isip ay chineck ko agad ang cabinet kung saan nakalagay ang mga armas na nakita ko noong araw na 'yon at nanguha. Baril at bala, nanguha rin ako ng isa pang katana at iba pang mga patalim.

Napatingin ako sa pinto nang may marinig akong sipol mula roon. Nakita ko si Killian na nakatayo at nakasandal sa hamba ng pinto habang nasa likod niya pa rin si Kean at nakasilip sa akin.

"I didn't know you have those," saad nito.

"Now you know," Maikling sagot ko at inayos ang mga gamit na nakuha ko. Nilampasan ko siya at bumaba muli sa sala. "Anyway, can I get some food and resources?" tanong ko sa kaniya nang makitang nakasunod siya sa akin.

"Get everything that you want and need, we'll go with you." Para akong nabingi nang marinig ko ang mga salitang 'yon mula sa kaniya.

"What?"

"We'll go with you." Pag-uulit niya kaya napa-maang na lang ako.

Hindi ko na lang ito pinansin at muling bumalik sa ginagawa ko kahit na naguguluhan at nababahala. Ang importante ngayon ay malaya akong kunin ang mga kailangan ko para mabuhay. Kinuha ko ang mga buto ng gulay sa ilalim ng lababo namin dahil alam kong may mga stocks kami. Gumawa kasi kami ng maliit na garden noon ni Mama kaya bumili sila ng mga buto ng gulay. Buti na lang may mga natira pa. Pumunta rin ako sa garage para manguka ng ilang tools gaya ng lagari, martilyo, mga pako at iba pa.

"Ako na rito." Napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Killian. Binuhat niya ang bag na pinaglagyan ko ng mga armas. May dulot din pala siya kasi ayoko ng buhatin 'yon dahil sa bigat.

Nakita ko sa tabi niya si Kean na may suot na hindi kalakihang bag. Siguro mga gamit nila ang nakalagay doon. She really looks cute. Sadly she won't be able to live a normal life dahil ganito ang nangyari.

Pagkatapos kong kunin ang mga kailangan ko ay muli akong naghanda sa paglabas ng bahay namin. Sa tingin ko ay tanghali na at wala naman sigurong mga zombies sa labas, pa-isa-isa lang naman ang nakita ko kanina. Baka umalis na sila rito dahil wala naman silang makakain at pumunta sa mismong syudad kung saan marami.

Dala ni Killian ang bag ng mga armas at tools at ako naman ay dala ang mga stock ng pagkain at mga resources na magagamit namin. Ako ang unang lumabas at sumunod si Kean at sa likod namin si Killian. Alerto at tahimik kaming naglalakad habang hawak ko ang katana at si Killian naman ay may hawak na pistol na may silencer na kinuha niya kanina.

Nang makalayo na kami at nakarating sa bukana ng gubat ay ibinalik ko na ang katana sa likod ko. Sinundan ko ang mga marka na ginawa ko hanggang sa makarating kami sa ginawa kong bahay. Malayo-layo rin ang nilakad namin kaya binuhat ni Killian ang kapatid niya kanina at nakatulog.

"Ibaba mo na lang siya sa kama," utos ko na sinunod niya naman. Naayos ko naman na iyon dahil nilagay ko ang folding bed, nanguha rin ako ng dalawa pang unan kanina sa bahay.

Binaba ko ang mga dala ko sa unang bahay na ginawa ko at nilabas ang mga iyon. Pagkain at tubig, gamit sa kusina, seeds, tools, mga damit at ilan pang personal na gamit. Gagawin ko na lang na kusina at bodega ang maliit na bahay na una kong ginawa. Inayos ko ang mga gamit ko sa kwarto habang mahimbing na natutulog si Kean sa higaan ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila pero pakiramdam ko ay ang lungkot-lungkot. Masyado pa siyang bata.

"You made this house?" Narinig ko ang boses ni Killian.

"Yeah," Maikling sagot ko at tumayo para muling bumalik sa kusina. Wala pa akong lalagyan ng mga gamit dito kaya naman gagawin ko na lang 'to ngayong hapon para bukas ay konti na lang ang gagawin.

Sinimulan kong gumawa ng lababo at cabinet kagaya sa kwarto. Madali lang naman at mabilis kong natapos dahil nasanay na rin ako sa paggawa at dahil may mga tools na rin. Saglit akong nagpahinga sa labas para makalanghap na rin nang hangin.

"Here." Napatingin ako sa hawak ni Killian na baso ng tubig kaya naman kinuha ko 'yon at ininom.

"Thank you," saad ko. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa at tanging tunog lang ng kagubatan ang maririnig.

"What happened to you?" Pagbasag niya sa katahimikan. "Why are you here? Bakit iniwan mo ang bahay niyo?" Sunod-sunod niyang tanong.

"My parents got bitten." I sighed. "I don't know if they're already dead or became one of them."

"Sorry to hear that."

"It's fine," I smiled. "Umalis ako sa lugar namin dahil masyado na silang marami. I had to go somewhere else para makaligtas at nakarating ako rito. Kayo, anong nangyari sa inyo?" Pagbabalik ko ng tanong at tumingin sa kaniya.

"Our Mom got bitten too. Hinatid ko siya sa work niya that time. Nang makababa siya sa sasakyan namin at kumakaway sa amin papasok sa building ay bigla na lang siyang inatake ng isang zombie. I don't know what to do. I was so shocked and everything stopped as I saw her turning into one. But I get back to my senses when I heard Kean scream, and the first thing that I did was to drive out of that place."

"Kuya's instinct talaga siguro 'yon, ano? To make their little sisters safe," I said and I heard him chuckle.

"I already lost the greatest woman of my life, I can't lose Kean. She's the only one that I have now," Nakangiti niyang sabi.

"How about your father?"

"He died of an illness."

"Oh... sorry."

"Okay lang," sambit niya at muli kaming nilamon nang katahimikan.

"Kuya..." Sabay kaming napalingon kay Kean na kagigising lang at nagkukusot pa ng mata.

"Why?" tanong ni Killian pero nasagot din iyon dahil narinig namin ang tunog ng tyan niya. She's hungry.

"I'll cook for you," Agad kong sabi kaya napatingin sila sa akin. "Tanghali na rin naman and we haven't had our lunch yet kaya magluluto na ako nang makakain natin." And I went into the kitchen.

Inayos ko ang mga gagamitin at nagsindi ng apoy para sa pagluluto. Hindi ko talaga alam kung anong lulutuin ko pero sa tingin ko ay adobo na lang. Nang matapos ay naghain na ako sa kwarto. Wala pa kasi kaming lamesa kaya roon na lang tutal ay meron.

"Let's eat," I called them. "Pasensya na, hindi kasi ako magaling magluto," saad ko habang tinitikman nilang magkapatid ang luto ko.

"Masarap, right Kean?" Killian asked and she nodded. Napangiti naman ako dahil doon kaya kumain na rin ako. Sa kalagitnaan nang tahimik naming pagkain ay may naalala ako.

"How did you two got in our house anyway," I asked and they looked at me.

"We got into an accident. Fortunately, hindi malala ang nangyari kaya okay lang kami. I searched for a safe place though there's danger in every corner of the city. Ilang beses na rin kaming muntik mapahamak, halata naman siguro sa itsura ko," Tiningnan niya ang sarili niya. "Hanggang sa nakarating kami sa lugar niyo kahapon. Pakiramdam ko naman ay ligtas kami roon dahil parang wala ng mga tao at zombie. Marami rin ang bahay na napasok namin bago ang sa inyo kaso mga sira na ang ibang parte at sa inyo na lang ang natitirang maayos. I checked your house and everything was fine. May sapat din na stock ng pagkain para sa aming dalawa. And then you walked inside the house."

"How about the sniper?"

"Sniper?"

"Yeah, that person saved me. I thought he was you..."

"No, I don't know how to use a gun and the gun that I pointed at you was fake." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Yeah, I just saw it somewhere." Napakamot siya sa likod ng ulo.

"So you're saying that you don't know how to use the pistol that you're holding while we're going here?" Hindi makapaniwalang tanong ko at tumango siya. "Paano na lang pala kung may umatake sa atin kanina?"

"I can fight with my bare hands," sagot niya. "And surely you are not stupid enough not to use your katana to save us."

I rolled my eyes. "Whatever. So who's the sniper if it's not you?" Tinuro ko sa kaniya ang kutsara na hawak ko.

"I saw him."

RefugeWhere stories live. Discover now