~APRIL~

2 1 0
                                    

Chapter 12: GOODBYES OF APRIL

~

"Maqui." pagkuha ni Cassi ng pansin ko

Ngnitian ko siya. Agad ko namang nilipat ang tingin ko sa mga gamit ko at inayos ito. Naramdaman ko ang paglapit ni Cassi. Bumuntong hininga siya kaya nang maisukbit ko na ang bag ko ay napatingin ako sa kanya.

"Maqui..." panimula niya

"Hm?" I asked, still inaayos ang bag ko sa balikat ko

"Alam ko busy tayo this month but- I just want to ask something and make a favor na din." aniya kaya napataas ako ng kilay

"Tungkol saan ba?" tanong ko

"Kay kuya-"

Bago pa niya maituloy ang sinasabi niya ay naunahan na siya ni Marc na kakapasok lang sa room.

"Sunshine!" pagsigaw niya na lumapit sa amin

Nagkatinginan sila ni Cassi. Ang kaninang sinserong mga mata ni Cassi ay napalitan ng pagkadismaya- ganon din naman si Marc.

"Oh Cassi." pinilit niyang batiin ito.

"Marc alam mong-" pagsita ni Cassi dito pero hindi pinakinggan ni Marc ang sinasabi nito

"Ah Sunshine tara na- I promise to take you sa fiesta sa town square diba?" masayang aniya na nakatingin na sa akin

"Marc I-" rarason sana ako na nakatingin pa din kay Cassi pero pinigilan ako ni Marc

"Tara na para makaabot tayo-" pagngiti niya na kinuha na ang mga kamay ko

"Marc di mo siya pwedeng pilitin!" sa wakas ay nasabi ni Cassi

Pero parang di nagpatinag si Marc at hinila ako paalis ng classroom.

"I'm sorry Cassi." tanging nasambit ko...

Wala akong nagawa kundi sumunod kay Marc. Hindi kasi ako makatanggi sa kanya. Laging ganito ang eksena naming dalawa simula nung matapos ang Vaion fair. Noong una ay pumayag ako dahil gusto ko siyang suportahan- I know how lonely it felt to not be given back the love kaya gusto kong ibigay sa kanya yun hanggang sa kaya ko. Nuong una ay mga simpleng hiling lang yun- tulad ng panonood sa kanya noon sa basketball at simpleng pagkain ng lunch. Pero habang tumatagal ay ni sa lahat ng kakilala ko ay di ko na sila mabigyan ng time- he wanted my attention to himself. Gusto kong sabihin sa kanya na tama na pero di ko magawa- ipinupunta ko na lang ang sarili ko sa sitwasyon niya.

What if kung ako siya- would I do the same? For love?

But to be honest, I really miss everyone... Mga tropa ko, sila Cassi, the SAO- even kuya Nate....

Di ko pa sya nakakausap simula nung araw na yun- I want to tell him also how I feel...

How I love him...

But I am stuck on this loophole of loving him... and then I started to think kung ganoon din ba ang nararamdaman ni Marc sa akin- an unendless loop of heartbreak...

And because of that... I want to ease his heart even if its just for a little bit...

Kahit mapawi ko lang ng konti ang kalungkutan na nasa puso niya...

"Sunshine!" masayang ani Marc na inilibot ako sa paligid ng town square

The colorful street lights, the dimming sunset by the seaside, at ang lamig ng hangin na mula sa dagat so warm....

Maqui: First SightedWhere stories live. Discover now