~MARCH II~

1 1 0
                                    

Chapter 11: WONDERS OF MARCH [Continuation]

~

"Good mornin'" masayang ani ko na binuksan ang gate

Nagtaka naman ako ng walang bumati pabalik sa akin. Nang binukas ko ang mga mata ko ay wala doon si Cassi, wala din dun si Hera, maging si ate Jean- or Aydise in that matter.

"Asan mga yun?" I wondered, "prinaprank ba ako ng mga yun?"

Hmmmppp sabi pa man din nila magkita kaming lahat dito sa gate 1 ng school, 10 am at casual attire.

Pero wala pa din sila- baka filipino time lang talaga mga yun. Hmppp....

"Hey... uhmmm Maqui."

Nagulat naman ako sa biglang nagtawag sa akin kaya napatingin ako duon.

Nanlaki ang mga mata ko- naka-casual attire din siya, ang gwapo niyang tignan at amoy na amoy ko ang pabango niya kahit na ilang metro ang layo ko sa kanya. Sheyt anong meron ngayon?

"Kuya Nate." pagbati ko

Actually dapat di tayo nag-uusap matapos ng nangyari sa pagitan na'ting dalawa? After you ditch me? De charr lang. Alam ko naman na marupok ako sa taong 'to.

Ano naman kayang ginagawa niya dito? Naghihintay din kaya siya- pero kung nandito na siya dapat nandito na din si Cassi. Itatanong ko sana kung nasaan siya pero naunahan niya ako.

"Do you want to explore the booths with me?" tanong niya kaya gulat akong napatingin sa kanya

Explore the booths? Paulit -ulit yung tumatak sa utak ko..

Teka- with him?

Di ko na naiwasan ang pag-init ng pisngi ko.

"Maqui? Will you?" tanong niya muli

His eyes we're genuine, kumikinang ang mga ito at halatang nage-expect ng magandang sagot. Napalunok naman ako at nagbaba ng tingin- parang last month lang. But he ditch me-

I stared back at him, handa ng sumagot- kaso ay nagulat ako ng hinila niya ako at nagtago kami sa mga puno.

Nagtaka ako pero pinatahimik niya lang ako at lumapit sa akin. Nagulat ako nang lumapit siya kaya napapikit ako.

"Gosh- nasaan na si Maqui?" narinig kong ani ate Gaia

"Told you he is going to do anything just to-" sagot naman ni kuya Herbert kaya napamulat ako ng mga mata

Napatingin ako kay kuya Nate na taimtim na nakatingin at nakikinig sa kanila. Namula ako sa lapit ng mukha niya sa akin kaya imbes na makinig ako ay ang napapakinggan ko lang ay ang tibok ng puso ko.

"You know that he will do that- bat pumayag ka?"

"Tsk. Herbert- crush mo din ba si Maqui- ba't galit na galit ka? Hahahha."

"You don't know the whole story Gaia- don't assume. Syaka concern lang ako-"

"Concern? Wow diba ikaw yung unang pumayag na-"

"Oo tas ikaw yung nagpapayag sa akin-"

"Herbert!"

"Gaia!"

At narining ko na lang ang pagbabangayan nila na humihina na humihina.

"They're gone." narinig kong ani Nate na unti-unting napatingin sa akin

Maqui: First SightedWhere stories live. Discover now