A Start Of A First Sight

13 3 0
                                    

.

.

.

-

-^-

"Ano ba Cassi..." pag-nguso ko habang hila-hila pa din niya ako papuntang gym-

"Wag ka ng umayaw- andito naman ako eh." inis na sambit niya habang hila pa din ako at hindi ako tinitignan

Nakakainis 'tong babae na'to... Walang hiyang hinila lang ako pababa nang hagdan buti na lang di kami nadapa- baka basag pa mga mukha namin ngayon. Nagmamadali kasi nakakainis.

"Ba't ka ba nagmamadali?" Inis na singhal ko

"Baka nga maabutan na'tin yung... kinaiinisan ko- nakakainis kaya." sagot niya na parang nag-isip pa nang dahilan

Nakakapagtaka naman kung anong rason nito at nagmamadali. Eh dati-dati pag-uwian eh nagpapahuli pa siyang umuwi.

Nang makarating kami sa gym ay dun ko na naintindihan ang nangyari. Napangisi ako at napatingin kay Cassi na ngayon eh nag-iwas ng tingin. Kaya naman pala- ganyan makatingin 'tong babaeng to at makahila na lang na akala mo eh nanghihila lang ng isang sako nang bulak. Ito lang pala ang dahilan niya.

"Hi Sean!" ako na ang bumati at lumapit sa kanya

Tahimik namang sumunod sa akin 'tong si Cassi na di umiimik. Nakatingin lang siya sa amin.

"Ah Maqui..." pagbati niya din

"Sasali ka din sa Election?" gulat na sambit niya na maloko kong nginitian

"Ahhh- I don't like the sound of it- pero pinilit ako nito." pagnguso ko at itinuro si Cassi na ngayon eh iniwasan ng tingin si Sean

Napatango naman si Sean at ngumiti- pero di siya nakatingin sa akin... kay Cassi siya nakatingin. Uwuuuu tong dalawang 'to may something talaga sa isa't isa eh ano? Kung gusto naman kasi nila ang isa't isa bakit di pa nila aminin tsk- nagkakahiyaan pa... Para silang others sa isa't isa...

Napangisi naman ako nang napasulyap si Cassi kay Sean na nakangiti pa din, nagbalik siya nang tingin sa akin habang namumula. Tae- ako na third wheel... baket lagi niyo akong iniipit sa gantong sitwasyon ha? Nabi-bitteran ako sa dalawang 'to na ewan....

"Ahh teka ako na kukuha ng form." sambit ni Cassi at iniwan kami

"*Ehem... kailan?" tanong ko na ikinataka naman ni Sean

Nagsalubong lang ang kilay niya na tumingin sa akin.

"Anong kaylan?" tanong niya

"Kaylan mo balak ligawan si Cassi?" tanong ko na ikinatahimik niya

"Ay aba Sean wag mo akong idadahilan jan- alam naman na'tin na di ka talaga seryoso sa akin. Akala mo di ko napapansin 'yang mga titigan mo sa kanya- tsk so obvious." sagot ko agad sa kanya in case na I-come up niya nanaman yung pagkakagusto niya sa akin

Well- di naman sa nakakainis pero ang weird lang.

"Tsk... Oo na gusto ko sya." sambit niya

"Oh e di ligawan mo na." sambit ko din na ikinanguso niya

"Sa tingin mo ba naman... sasagutin niya ako?" tanong niya na ikinasama nang tingin ko

"Kaya ka nga manliligaw di ba para malaman mo... Tsk- hina mo din. If I we're you napasagot ko na si Cassi noon pa." dagdag ko pa na ikinatawa niya

"Seriously Maqui? Ayaw mong magpaligaw pero pinapagmayabang mo na magaling ka manligaw- manligaw ka na din kaya, tutal wala naman sa'min na mga naging manliligaw mo ang type mo." sagot naman niya na ikinatahimik ko

Well he does have a point.

"Sige nga- pero wala naman akong type. And I think having a relationship is a waste of time." sagot ko naman na ikina-woah niya kaya natawa ako

"Wao lakas 'non ah. Pag-ikaw talaga na fall- sinasabi ko makakarma ka." pagsumpa naman niya na ikinasalubong ng kilay ko

"Wag ka ngang nanunumpa- tinutulungan na nga kita kay Cassi sinusumpa mo pa ako." singhal ko naman, "Baka gusto mong isumpa din kita- hah?"

Natawa naman siya at umiling sabay kumatok sa kalapit na poste...

"Oh ayan binabawi ko na... Bigyan niyo po ng swerte sa pag-ibig yung magaling mambasted." sambit niya na parang nanloloko kaya sinaaman ko siya nang tingin

Sakto naman ay dumating si Cassi.

"Ahh tawag tayo ni ate Coleen dun." turo niya sa may tapat ng office kaya tumango kami

Pagdating namin sa kinauupuan nila ate Coleen ay kinausap na niya kami. Nag-explain lang siya nang konti about sa form at kung ano ang isusulat namin- at ayun nga nagsimula na kaming magsulat sa form- mga personal info lang naman yung ilalagay- like names, age, birthdate and etc...

"I'm done!" sigaw ko pero inunahan ako ni Sean na tumayo- masama kaming nagtinginan sa isa't isa pero nauna pa din siyang magpasa.

Hahabulin ko na sana siya kaso napahinto ako nang marinig ko ang pangalan ko kay ate Coleen. Sasagot na sana ako kaso may kausap pala siyang lalake. Sakto lang ang tangkad niya, hindi siya ganon kaputi at kayumanggi ang balat niya, napatitig ako sa mukha niya at duon ako nagulat.

"Ah she's Maqui- matagal na siyang student dito. Baka nga sya ang pinakaloyal na ng Vaion eh." narinig kong paliwanag ni ate Coleen sabay tawa

Pero hindi ko siya napansin... nakatitig lang ang mga mata ko sa lalaki na 'to- ang kikinang nang mga singkit niyang mata, naka-awang ang labi at titig na titig sa akin. Ang weird nga dahil may pagkagulat sa mukha niya... Sino ba 'to at bakit.... bakit ang weird ng nararadaman ko? Ang bilis ng kabog ng puso ko at ramdam ko ang pag-iinit ng tiyan ko. I felt nervous, how satisfyingly weird...

Who is this guy?

-

To be continued....

Maqui: First SightedWhere stories live. Discover now