~DECEMBER~

2 1 0
                                    


-

-^-

It was the very first day of December. Hindi ko alam pero lumalamig na ang panahon- kaylangan na ng kayakap- charrt...

And syempre may pasok kami...

Mula kasi nung ginive up ko yung pag pasok sa Nationals eh tumutok na ako para sa year end project namin. At syempre busy din kaming mga SAO kasi kami ang tagagawa ng lahat ng decorations sa school.

Remind me not to run next year...

"I heard mej umiiwas ang manok ko- bakit?" tanong ni Aydise na ngayon eh kinukumpuni ang ilaw ng Christmas tree

Napabuntong hininga lang ako at inayos ang mga leaves na gawa sa plastic wrappers.

"Manok?" I confusely asked

"Hahaha- si Marc I mean." pagtawa niya

Napatahimik naman ako at nag-isip

"Di ko din alam- last naming pag-uusap is nung Sports Fest- nung nag..." napahinto ako

Alalang-alala ko pa'rin talaga yung halik- scratch that- mga halik.

Damn that dream and damn that accident! Why did they happen in that same day? Aggghhh!

"Nag- ano Maqui?" tanong niya

Napahinto ako at umiwas ng tingin... Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko habang kinukulit niya ako...

"Hindi naman siguro umabot 'yan sa kissing scene ano?" she asked

Nagulat ako at nahulog ko ang hawak kong gunting.

"Naku--- parang nakakahalata na ako." pagngisi niya

Sinamahan ko na lang siya ng tingin at kinuha na ang gunting.

"Hindi ah!" defensive kong sambit at iniwasan na siya.

"Please remain silent- ang iingay nyo. Tsk..."

Nagulat pa ako nang biglang lumabas mula sa likod ko si kuya Nate. Halatang galit siya sa tono ng pagsasalita niya, kinabahan tuloy ako. Napatingin ako sa kanya na saktong napatingin siya sa akin. Agad din siyang nag-alis ng tingin, at iniwan kami ni Aydise para tingnan ang iba na gumagawa din.

"Galit ata si Papa Nate ngayon ah- nakainin nun?" tanong ni Aydise na nagtataka

Nagulat pa ako ng lumapit sya sa akin at binulungan ako.

"So nag-kiss ba talaga kayo ni Mar-"

"Aydise Maqui! Kung magdadaldalan lang kayo lumayas muna kayo-tsk..." pagsigaw ni kuya Nate na ikinagulat ko

Nakakapagtaka... ganon na ba kami kaingay ni Aydise? Kahiya naman... kanina pa namin pinag-uusapan si Marc.

Parang di naman natinag 'tong baklang 'to at tumawa na lang. As in like something has dawned on him.

"Oh my oh my- someone's really jealous." sambit ni Aydise na may pangisi ngisi pa at pinagpatuloy uli ang pagtratrabaho.

Pinagpatuloy ko na lang din at tumahimik na-

Ayaw ko kayang nagagalit sa akin si kuya Nate...

Lalo na at yung nangyari-

"To think of it di ka pa'rin pinapansin ni Papa Nate ano?" tanong niya na ikinagulat ko

Maqui: First SightedWhere stories live. Discover now