~AUGUST~

6 2 0
                                    


-

-^-

-

"At dapat kada isa sa inyo ay merong club na sasalihan- kung hindi minus points kayo sa MAPEH."

"Pero ma'am..."

"Di naman major subject eh~"

"Gawa nalang kami extra curricular activities ma'am!"

"Lah si ma'am ang panget kabonding... hmmp."

angal naman ng mga classmate ko

Napailing na lang ako- I really want to join arts club... Pero tumigil na ako kakadrawing... Argshhh... This is literally shit...

"Ano art's club? Tara?" tanong ni Jake na tumayo na at lumapit sa akin

Sumunod naman sa kanya si Cassi at nakabuntot sa kanya si Sean- sumama na din ang iba.

Di ko pa din matignan si Cassi- ilang araw na kaming ganto simula nung bday ko. I- I just can't look at her... nahihiya kasi ako. And in my delusions, baka nasabi na din nya sa kuya niya ang sinabi ko... Kaya ilang araw na akong hindi pumupunta sa office- pinapabigay ko na lang kay ate Jean o kay Hera yung report ko- tas hindi na din sa TM, I'm afraid na makikita ko siya dun...

Damn I'm nervous...

"Maqui?"

Nagulat ako sa biglang pagtawag nila sa akin

"Tara na?" they asked

"Actually..." pagngiwi ko, "Hindi ako jo-join this year... I think I'll stick to another club for enjoyment."

"aaw sayang naman." malungkot na sambit nila

"Bakit? Give up ka na ba sa pagdradrawing?" tanong nila na pinilit ko lang silang ngitian

Tinaboy ko na lang sila at nahagilap ko na lang ang tingin ni Cassi sa akin. It was cold and yet dismayed- sorry Cassi... But I need to. Galit na galit ako sa sarili ko- why would I assume to fall inlove to your brother? Sa tingin ko nga, nangyayari na...

"Ano Maqui?"

Napangiti naman akong bumaling kay Claize na kasama na din sila Shein at Shace ngayon.

May hawak si Claize na volleyball na ibinabato-bato sa ere at sinasalo gamit ang isang kamay niya.

"Volleyball?" ngisi na tanong niya sabay tumataas-taas pa ang kilay

Natawa naman ako- bigla niyang ibinato sa akin ang bola kaso ibinalik ko agad ito sa kanya at nasalo niya ito.

"Oh diba, balik ka na? Arat na." masayang aniya na inilingan ko lang

"Hard pass." pagtawa ko

Ngumuso naman si Shein, " Maduya ka- matagal ka na naming pinagbibigyan sa pag-a-art's club mo, pagbigyan mo naman kami uyy."

"Oo nga panget mo naman kabonding..." pagnguso pa ni Shace

"Ah basta-"

Bago pa ako makaangal eh bigla naman na akong hinarang ng boys-

"Basketball?"

"Huh?" taka kong tanong

"Basketball Maqui- alam naman namin na magaling ka sa kahit na anong sports- so basketball na?" pagpilit na tanong ni Viko na tinawanan at inilingan ko lang

Maqui: First SightedWhere stories live. Discover now