~SEPTEMBER~

4 2 0
                                    

-

-^-

"Okay gather up everyone!" pagsigaw ni ate Gaia

Napaupo na ang ilan sa amin, tinabihan pa ako ni ate Jean at ni Aydise, syaka sila chumika.

"ano na ganap sa Marcui?" tanong ni Aydise na sinusundot-sundot pa ang kanan kong balikat

"China-chat ka na ba niya?" tanong ni ate Jean na taka ko na lang inilingan syaka pilit na ngumiti

Bago pa nila ako makulit eh sumingit na si Sean sa usapan namin

"Ano ba- lagi niyo na lang siyang tinatanong tungkol kay Marc- Ba't boyfriend niya ba si Marc ha?" inis nitong sininghal kaya nagpigil ako ng tawa

"Oh ba't ganyan ka maka-react ha? Duon ka sa jowa mo at pipilitin pa naming jumowa 'tong ayaw magjowa." tanong din ni Aydise at tinaboy pa si Sean

Napasinghal din naman na lumapit si Seuss sa amin.

"Aba-aba- hayaan niyo ang tadhana wag yung tanong kayo ng tanong tungkol kay Marc- parang pinupush niyo naman siya di naman sya magkagusto sa kahit sino- kung ganon kayo ka-curios kay Marc, eh di sa kanya kayo magtanong-" mahabang sambit pa ni Seuss

Taka lang naman siyang tinignan ng lahat- syaka lang biglang umingay ng biglang batukan ni Hera si Seuss kaya natawa ang lahat.

"Ano 'yan nagseselos- tsk..." singhal niya at nagbangayan na silang dalawa

Natawa lang naman akong pinanood sila.

"Pero kung manliligaw ba sa'yo si Marc, Maqui... Sasagutin mo ba?" biglang tanong ni ate Jean kaya napatingin agad ako sa kanya

Natigilan ako sa ngiti niya at seryosong titig. To be honest, di ko pa naiisip 'yan. Masyado kasi akong tutok kay kuya-

"Hera, Seuss, please sit down- wag kayong pumiD-A dito- magmi-meeting pa tayo." biglang ani kuya Nate na kaloloob lang sa office

Nagtama pa ang paningin namin pero agad din siyang nag-iwas. Parang nadismaya ako- dahil ba hindi man lang niya ako nginitian o binati? The Audacity Maqui! Bakit niya pa kaylangan gawin 'yun? Ahhh I hate myself...

Binaling ko na lang ang tingin ko kay Seuss at Hera na di na makatingin sa isa't isa at umupo sa mga upuan nilang magkalayo sa isa't isa- may something talaga sa dalawa na'to... hehehe

"Ok- September na- congrats sa inyo na nakatagal ng 3 months dito sa office- let's welcome September with warm hearts." panimula ni kuya Nate na ikinatango ng iba

"Welcome September." sabay-sabay pa na sabi naming lahat na may ngiti sa labi

"And as you all know- september is-"

"Camping time!!!" masayang sigaw ni Aydise kaya natawa ang lahat

Nginitian lang naman kami ni kuya Nate, "Alam nyo na pala- so let's adjourn our meeting?"

Sinagot na lang namin siya ng tawa, "Anyways- Since it's September and we have an upcoming event I appreciate everyone's participation, lalong-lalo na sa mga decorations at-"

patuloy lang namang inexplain sa amin ang mga gagawin pati na yung registration namin para sa Camping. Nang matapos kami ay agad din akong umalis- pero hinabol pala ako nitong si Cassi.

"Oi san padpad mo?" tanong niya at inakbayan ako

"Ahhh sa volleyball- nangako kasi ako kay Ma'am Kiss na sasali ako para sa palarong bayan sa November." sagot ko naman na agad niyang tinanguan

Maqui: First SightedWhere stories live. Discover now