103

421 7 5
                                    

"Loniel! Tama na 'yan ako naman" Pilit inaabot ni Herene kay Loniel ang hawak nitong ice coffee pero lagi naman nilalayo ni Loniel.

"Keis, sigurado ka na ba na hahanapin mo talaga si Caius?" Tanong ni Loniel nakataas pa rin ang hawak nitong kape.

"Oo naman 'no, dalawang taon na rin nakalipas gusto ko lang magsorry sakanya kung may pamilya na siya ngayon. . ." Kung man siguro magiging masaya nalang ako para sakanya wala na rin naman akong magagawa kung ganon.

"Oh, ano gagawin mo?" Tanong ni Wenna

"Loniel! Ano ba hahalikan kita, sige!" Napahinto kami ng sumigaw si Herene lumawak naman ang ngiti ni Loniel at napatingin kay Herene. "Joke lang" Kanina pa' tong dalawang 'to eh.

"E di ayos nahanap na niya taong magmamahal sakanya" Mahina kong sabi.

Ayon naman talaga ang gusto kong mangyari 'di ba. I want him, to kick off our past and move forward in life with proud and confidence. I am not the woman that he can take care of.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
Message

Keisha:

Hi Elliott

Are you busy? Can we talk?

Elliot:

Hala gagi

Hi Keisha! Hindi naman ako busy

saan tayo maguusap?

Keisha:

I'm here in Manila

I'll send the location

Elliot:

Okay, then wait for me

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

"Si Caius? Walang asawa 'yon 'no" Nakakunot ang noo habang nagsasalita at panay pa rin ang subo ng pagkain sa kanyang bibig. Bakit parang gutom na gutom siya?

"So, kamusta na siya ngayon?" I asked I wonder if he's doing well.

"Ayos naman, ayon nagpapayaman. Grabe 'yon sobrang hard working niya talaga" Umiling iling pa siya at nagpatuloy pa rin sa pagkain.

"Hm, Elli gusto ko kasi siya-" Napahinto ako ng masamiran siya, agad ko inabot sakanya ang tubig pagkatapos niya uminom ay sumenyas siya na ipagpatuloy ko ang sasabihin ko.

"Gusto ko sana siya makausap saan ko siya puwede makita" Kailangan ko na siyang harapin. Pinusan muna ni Elli ang kanyang bibig bago nagsalita.

"Ah sa site, pero bawal ka doon eh... sa condo ka nalang niya pumunta, oo tama wait ito address niya" Inabot niya sakin ang kapiraso ng papel na nakalagay ang pangalan ni Caius at ang address niya.

"Thank you. Siguro ka bang wala siyang girlfriend o asawa?" He chuckled while shaking his head. I feel relieved, I have nothing to worry.

"Wala, promise! Malapit lang 'yan dito ingat ka ah, may pupuntahan pa ako eh. Salamat sa pagkain" May inuutos pa raw kasi ang head nila tumakas lang siya.

"Thank you so much, Elli"

~~~

Ito na siguro yung unit niya, sabi ni Elli na gabi na raw nakakauwi si Caius kaya kung pupunta raw ako dapat gabi nalang. Sakto naman at nanggaling pa ako sa condo ni Wenna. 8 o'clock na, sana naman nandito na siya. Magdo-doorbell na sana ako nang makarinig ako ng familiar na boses.

"Tangina naman Lance! Engineer ka ba talaga? Pang ilang beses mo na tong pumalpak tangina, sawang sawa na ako! Ayusin mo 'yan..." His jaw dropped. Ang kaninang galit niyang boses ay napalitan ng mahina at mahinahon. Ibinaba niya ang tawag at pinasok niya sa bulsa ang kanyang cellphone.

"Keisha..." Tumayo ako ng tuwid, dahan dahan naman siyang lumapit sa akin.

Nang nasa tapat ko na siya. "Hi, Caius" Bati ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap, sobrang higit na tila ba'y ayaw na akong pakawalan.

"Sorry. . . Keis, bakit ka nandito?" He plastered a smile on his face

"P'wede ba tayong magusap?" Tumango siya at binuksan ang pinto ng unit niya.

Iniwan niya muna ako sa sala, kailangan niya pa raw magbihis dahil galing siya sa site. Pagkalabas niya ng kwarto niya, nakasuot siya ng plain white t-shirt partner with his black pants.

"Ano paguusapan natin?" Tanong niya, at umupo sa tabi ko.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan lahat pero sana masabi ko lahat ng gusto kong sabihin.

"Caius. . . I'm sorry" I burst into tears while my hands are shaking, he takes my hands and gently caresses them.

"Hush, you don't have to say sorry I understand" He gave me a half-smile.

After we talk, he told me to sleep in his condo. Masyado na raw gabi kung uuwi pa ako kaya dito niya na ako pinatulog. Dalawa naman ang kwarto dito sa condo niya kaya pinagamit niya sakin ang bakante.

Lahat ng pinagusapan namin tungkol sa nakaraan, hindi ko alam kung bakit ganon nalang kabilis niya akong patawarin sa kabila ng mga nagawa kong pagpapaalis sakanya sa buhay ko.

Naramdaman kong lumulubog ang kabilang sides ng kama at biglang may nagsalita "I love you, Keisha" He kissed my forehead.

"I love you to-" Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at nakita ko ang gulat na mukha ni Caius.

"Ah! Gising ka? Sorry" Agad siya tumayo sa pagkakaupo sa kama

"It's okay," Hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari.

Maaga akong nagising dahil may kumakatok sa pinto kaya kahit ayaw ko pang tumayo ay napilitan ako. Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang nakangiting si Caius at bihis na bihis.

"Saan ka pupunta?"

"Ito damit oh, magbihis ka aalis tayo" Inabot niya sakin ang brown na paper bag, sinilip ko ang laman nito nakita ko ang ilang mga damit.

"Huh? Where are we going?" Nagtataka kong tanong.

"Somewhere in Batangas"

Somewhere in BatangasWhere stories live. Discover now