97

285 6 2
                                    

Email

From: keishamberlopez@gmail.com
To: warrenacaciuskinston@gmail.com

Hi babe! I hope you're good. Hindi ko alam kung kaya ko 'tong sabihin sayo ng personal, pero kasi hindi ko na kaya alam kong pagod ka nang alagaan ako. Pagod ka na lagi sa schoolwork niyo tapos heto ako dumadagdag pa sa isipin mo. Alam mo tama siguro yung sinabi sakin nung babaeng nagchat sakin na pabigat lang ako sayo. Nasasaktan ako lalo kapag nakikita kitang nahihirapan lalo na ako yung dahilan, pauli-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ganito ako? Bakit hindi ko pa rin matanggap? Sobrang sariwa pa rin kasi sakin yung sakit eh.

Alam ko na magdadalawang buwan palang tayong magkasama sayang hindi umabot ng 1 year. Pinipilit kong ilaban itong relasyon natin kaso parang ang labo na, mas lalo lang nagiging kumplekado dahil sakin parang wala na nga akong ambag sa relasyon natin eh.

Tandaan mo ang goal mo ngayon. Hindi ba? Ang sabi mo sa akin nung nasa isla verde tayo gusto mo kapag tapos ng pagaaral at makahanap ng magandang trabaho at bumuo ng pamilya? Sana pagkatapos mo kapag nakagraduate ka na tapos naging engineer ka na mahanap mo yung taong magmamahal sayo, yung taong hindi ka pahihirapan ng ganito kagaya ko. T'saka pagnahanap mo na yung taong yun aalagaan mo siya ah kagaya ng pagaalaga mo sakin ngayon. Sana iparamdam niya sayo yung totoong pagmamahal na kailangan mo. I didn't deserve the love that you gave to me. Sorry ah, mukhang yung pangako ko na babalik tayo ng isla verde ng magkasama ulit mukhang hindi na 'ata natin magagawa. Magagawa mo siguro kaso ikaw nalang mag-isa or maybe, you're with someone else, hindi na ako.

Hindi ko talaga kayang makipag-break sayo ng harapan kaya ko ito ginagawa pero pipilitin ko pipilitin pa rin kitang harapin kahit na ang hirap. Marami pa akong gustong sabihin sayo pero hindi ko na kaya, ang un, mahal na mahal na mahal kita. Ingatan mo sarili mo, 'wag mo pababayaan sarili mo ah. I'm sorry.

We have a bright future ahead of us just not with each other. Let's be brave so that we can move on to better things. I wish you receive what you deserve. Thank you for all the memories, Kayus.

Goodbye,
Keisha

Somewhere in BatangasWhere stories live. Discover now