92

282 6 0
                                    

"Ate! Ate! Tignan mo yung balita" Sigaw ko habang itinuturo ang tv namin. Alas otso na nang umaga naisipan kong manood ng tv pero mukhang mali ang desisyon kong panonood

"No... hindi 'yan totoo! K-Keisha... tawagan mo s-si Mama" Nakatitig lang siya sa tv na tila ba'y pinoprosesso ang nangyayari.

Agad akong tumakbo pabalik ng kwarto para kuhain ang cellphone ko, habang nanginginig ang aking mga kamay pilit kong idina-dial ang numero ni Mama.

Nakailang ring na ako pero wala pa ring sumasagot nagsisimula na akong pagpawisan ng malamig. At ang kanina ko pang pinipigilan na luha ay bumigay na, sunod-sunod ang pagdaloy nito mula sa aking pisngi.

"A-Ate... hindi nila sinasagot ang tawag k-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hampasin niya ang lamesa para gumawa ng ingay.

"Sasagutin 'yan tawagan mo lang!" Galit niyang sabi.

Pauli-ulit kong tinawagan sila Mama at Papa habang si Ate ay tinatawagan ang mga police. Nagpahinga muna ako sa pagtawag hanggang sa magring ang telephone namin.

"Hello, Ma'am! Is this Lopez residence?" Tanong nang lalaki sa kabilang linya.

"Hello, yes po"

"I'm police officer Cruz. Ma'am, I'm sorry to say na kasama po ang mga magulang niyo sa nasawi dahil sa pagsabog ng barko-" Nang marinig ni ate ang mga sinabi ng police agad niyang inagaw sa akin ang telephone.

"No! fucking no, hindi yan totoo nasaan sila... nasaan sila Mama!" Nagulat nalang ako ng bitawan na niya ang telephone.

At dali dali siyang nagpunta sa kwarto niya "Ate! Nasaan daw sila Mama"

"Keisha, dito ka lang ako na ang pupunta r'on-"

"Pero ate gusto ko rin makita sila mama"

"Hindi tawagan mo 'yong boyfriend mo papuntahin mo rito para may kasama ka"


Somewhere in BatangasWhere stories live. Discover now