I think they are Adira's grandparents considering that her grandmother really looks like Soleil. Goodness.

Napakamot ako sa batok out of nervousness, "Yes, I, um, Adira's prof---"

"She's Adira's girlfriend, Pops," Nakangising putol ni Soleil sa aking sasabihin bago bumaling sa akin ng nang-aasar. Pinandilatan ko ito ng mata bago nahihiyang tumingin sa grandparents nila.

Seryoso lang naman silang nakatingin sa akin ng matiim. 'Di ko mapigilan na mapalunok dahil sa binibigay na tingin ng Lolo nito.

Goodness. I've never been so scared in my whole life!

"I thought you have a fiancé?" Sabi ng Lola ni Adira kaya nanlalaki ang mata na umiling ako at tumawa ng awkward.

"Um, No. There is a m-misunderstanding about that. I-It was a set up made by my Father," sabi ko at napayuko. They are still seriously looking at me, examining my whole body. I got so conscious that my face became red.

"Namumula ka, Miss?" Namamanghang tanong ni Dione habang may mapaglarong ngisi sa labi nito.

I hissed and glared at her, "No."

"Pft, sa grandparents lang pala titiklop si Miss bukod kay Adira," rinig kong bungisngis ni Soleil.

Narinig ko naman ang nang-aasar na hiyawan ng mga nasa likod kaya napairap ako sa kawalan. I wonder how Adira cope up with this kind of cousin.

"Are you seriously my grandchild's girlfriend?" Seryosong tanong ng Lolo nito kaya agad akong napalunok.

"Not yet. We kinda ended things a while ago before she got kidnapped," sagot ko. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Sidra sa likod kaya lumingon ako dito.

"You ended things? Or she did?"

"Uh, she's the one who decided," I uttered and started to play with my gift from Adira. Hindi ko na ito nilagay sa ankle ko dahil gusto ko laging makita iyon sa aking wrist.

"And you let her?" Marahan na tanong ng ginang sa aking harap kaya napayuko ako bilang sagot dito.

"Yeah. It's her decision and I must respect that," Malungkot kong saad at muli na naman naalala ang nangyari sa amin ni Adira kanina. Bago pa lumabas ang aking mga luha ay tumingala na ako at binigyan sila ng pilit na ngiti sa labi.

"Anyways, you guys wait for the police investigation while I'll just make a phone call," pag-iwas ko sa usapan at binahagian sila ng maliit na ngiti bago lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ay nagpakawala ako ng hangin sa bibig at tumingala to see the stars. Napangiti ako ng makita ang mga ito at wala sa sariling naisip si Adira. I miss her.

Nang may maalala ay lumayo ako at pumunta sa harap ng gate ng bahay nila para tawagan ang isa sa pinagkakatiwalaan kong tao na malayo sa akin.

Ilang beses palang itong nagri-ring pero agad din nitong sinagot na nagpangiti sa akin.

"Ciao, fratello maggiore," bati ko ng nakangiti dito. Narinig ko naman ang pagtawa nito sa kabilang linya na lalong nagpangiti sa akin.

[What does my sorella minore want?] sabi nito sa malaking boses kaya natatawa na napailing ako. Walang pinagbago, malaki pa rin ang boses.

"How are you?" Natutuwa kong saad at pinaglaruan ang mga bato sa lupa. I heard him chuckle.

[God, It's my first time hearing you asking about someone's well-being.] Natawa ako sa sinabi nito at napailing.

"I'm just checking on you, Mateo. How's Giuliano?" Tanong ko at napatingin sa paligid.

[He's fine. He's asking when are you coming back.] Wala sa sariling napabuntong hininga ko sa tanong nito at napangiti ng mapait bago sumagot.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon