Nagtungo ako sa kusina upang magpaalam kay Manang Lita. Nadatnan kong nag-uusap silang dalawa ni Manang Linda akmang papalapit na ako sa kanila nang marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.

"Iyo rin bang naulinigan ang pag-aaway nila Donya Flora at Don Alonzo kaninang hating gabi?" tanong iyon ni Manang Linda. "Akin nga iyong narinig, ngunit huwag na lamang nating pagtuunan ng pansin ang kanilang pagtatalo," tinig ni Manang Lita.

Nakaraang isang araw nang marinig ko ang kanilang pagtatalo at kaninang hatinggabi lamang ay muli na namang nagtalo sina Don Alonzo at Donya Flora?

"Narinig ko rin sa kanilang usapan na nagawang sugatan ni Binibining Miranda ang kaniyang sarili, siguro'y iyon ang kanilang dahilan kung bakit sila nagtungo sa bagumbayan," napatakip ako sa aking bibig nang marinig ko ang sinambit ni Manang Lita.

Nagawang sugatan ni Binibining Miranda ang kaniyang sarili? Sa anong dahilan kung bakit niya ito nagawa?

"Eliana ikaw ay kumain na rito, pasensiya na at nauna na kaming kumain kanina," napatingin ako kay Manang Linda nang tawagin niya ang aking pangalan.

Walang bakas ng pagkagulat sa kaniyang mata at hindi ko batid kong nahuli ba niya ako na nakikinig sa kanilang usapan. "Ikaw ba'y may lakad?" tanong niya dahil napansin niya  ang magara kong postura.


"Siya'y tutungo sa kumbento" tugon ni Manang  Lita at nginitian ako. "Linda maaari mo bang kuhanin ang mga damit sa silid ni Ginoong Lazaro sapagkat bilin ito kanina ni Donya Flora," utos niya kay Manang Linda at agad namang itong tumalima.

Sinenyasan ako ni Manang Lita na lumabas at agad ko naman itong sinunod. Pagkalabas namin ay may nakaabang ng kalesa sa labas at nagulat ako nang makita si Marcelo na nakaupo roon. Nang maanigan kami nito na papalapit na sa kaniyang kinaroroonan ay agad siyang bumaba sa kalesa.

"Kayo ay tumungo na sa mansyon ng Delos Santos," wika ni Manang Lita. Napatingin ako rito at nginitian nang matamis si Manang Lita lumapit ako rito at marahan itong hinagkan.

Wala akong kahit na anong sinambit sa kaniya nais ko lang kumuha nang lakas ng loob mula sa kaniya. Ilang sandali lang ay humiwalay na rin ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit nanunubig ang mata ko marahil ay dahil sa kaba at takot.




HABANG binabaybay na namin ang  daan patungo sa mansion nila Samuel ay hindi ko mapigilan ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Hinihiniling ko na lamang na sana ay bagalan ni Marcelo ang pagpapalakad sa kalesa sapagkat ako'y hindi pa handa.

Ngayon ko lamang naramdaman ang kabang halos kumitil na sa aking buhay. Batid kong may katigasan ang puso ni Don Roman at kahit hindi ko pa man siya muling nakikita ay alam ko nang hindi niya ako tanggap.


Bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko namamawis ang aking palad nang masilayan ko na ang magara nilang tarangkahan. Huminga ako nang malalim at napapikit nang marahan.

Iminulat ko na ang aking mata nang mapagtantong tumigil na ang kalesa hudyat na nasa loob na kami ng mansyon. Napahinga muli ako nang malalim bago pinagpagsiyahang bumaba sa kalesa. Nasilayan kong bumababa na rin si Marcelo at nginitian ako nito.

"Batid ko na ang inyong relasyon ni Senyor Samuel kaya't huwag ka nang magtaka. Ihanda mo na lamang ang iyong sarili Binibining Eliana," wika niya, napangiti ako sa kaniya.

Kahit papano ay napagaan nito ang aking loob dahil sa mga sinambit ni Marcelo.
Ngunit hindi ko pa rin maitatanggi sa aking pakiramdam ang matindi kong kaba.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon