"haishht sana nga, grabe talaga ang nangyari sa kanya" Chris

"teka nga maiba tayo, may kaklase pala tayo na hindi gangster, assassin or mafia. Isa lamang syang ordinaryong tao.HAHAHA nakakatuwa" ang sabi Chris

"ano naman ang nakakatuwa don?" sarskito na sabi Nath ... agad namang umakbay si Chris kay Nath, magkatabi lang kasi sila

"ito naman pareng Nath, nakakatuwa kasi first time na may kaklase tayo na ganun. At saka hindi man lang nag-iisip oh kaya nagsearch about sa paaralan nato." Chris

"for short isa syang taong TANGA" pagpapatuloy ni Dennis, at saka inakbayan si Chris, at nagtawanan sila


"bakit hindi ko sya nakita?" tanong ko, bumaling naman ang tingin ni Chris sa akin

"eh kasi pareng Alex, tulog ka nung time nayon, katabi mo pa la sya sa upuan." Lumapit naman sya sa akin at inakbyan ako "pero alam mo ba na maganda sya, kaso hindi pa namin nakita ang buong angulo ng mukha nya kasi natatabunan ng malabrown nya na buhok, pero kahit ganun maganda sya HAHAHA" binatukan ko naman kaagad sya

"tumigil ka nga dyan" basta babae talaga .. -__-

"malapit ng magbell pasok na tayo" wika ni Nath, ganyan talaga si Nath sya kasi ang top 1 ako naman ang top 2... minsan lang kasi ako pumapasok ... pero ngayon papasok ako gusto kung makita ang babae na sinasabi nila...

"ok ... tara na pare" sabi ni Dennis at kinuha ang bag nya pati na din si Chris at Nath, syempre ako din noh...

Malayo pa lang rinig na rinig na namin ang mga tilian ng mga babae, kahit mga gangster, assassin or mafia sila syempre mga babae parin sila noh. Ang gangster at assassin ay magkapareho lamang ng uniform pero pagdating sa mga Mafia iba na ang uniform nila. Naka checkered skirt sila ng brown at black, white or black naman ang pang-itaas nila at mayroong necktie na ang design ay skull. Wala kang makikitang ID nila, black naman ang stockings nila pero may sarili-sarili silang design mayroong butterfly, heart at kung anu-ano pa basta ganun. Ng makarating na kami sa room si Nath na ang nagbukas ng pintuan at tuloy-tuloy lang sa paglakad. Agad na umakbay sa akin si Chris napatingin naman ako sa kanya.


"ayon sya pare oh" turo nya gamit ang nguso nya, sinundan ko naman ng tingin ang tinuro nya. Nakayuko sya at mukhang may sinusulat sa notebook nya, totoo nga ang sabi Chris, hindi mo makikita ang kabuuan ng mukha nya dahil nakahrang ang buhok nya.


"oh anong masasabi mo? Ganda diba?" wika ni Chris, sabay tapik-tapik sa balikat ko. Umaandar na naman ang pagk playboy nya.

"hindi ko pa masasabi, dahil hindi ko makita ang mukha nya .... At siguro pangit sya kasi tinatabonan ng buhok nya ang mukha nya. ...Tsk " bumusangot naman ang mukha nya. Naglakad na ako sa upuan ko, pero sabay takip ng ilong ko. Alam nyo kung bakit eh kasi naman na aamoy ko ang iba't-ibang pabango ng mga babae at masakit sa ilong noh. Habang sila Chris at Dennis ayun ngiti-ngiti sa mga babae at ang mga babae naman halos mahimatay na sa kilig samantalang si Nath dedma lang -__-



Umupo na kaagad ako at marahang sinilip ko kung ano ang sinusulat nya. Wala naman kasi akong may natatandaan na may assignment kami. Kaya ano kaya ang sinusulat nya, agad naman syang tumigil sa pagsusulat nya, naramdaman nya kaya na tinitignan ko ang ginagawa nya. Kumuha na lamang ako ng notebook para kunyari hindi ako nakatingin sa kanya.

Azumi: The Tattoos (OLD)/ Under RevisionWhere stories live. Discover now