"I can go home if it's a problem" sabat naman nito na para bang wala lang.

Saglit syang tinitigan ni Ma'am bago muling nagsalita. "Hay.. get inside."

"Make sure it won't happen again, Mr. Seinfeld." pagchorus ni Ma'am at Valen habang naglalakad ito papaunta sa kanyang upuan.

Agad din itong napatingin sa side namin nung tuluyan na itong makaupo kaya naman ay muli nalang akong nagfocus sa pakikinig sa teacher namin dahil nagle-lecture na rin naman ito.


Lia's POV

Bigla akong napabalikwas at napabangon.

Jusko! Nakatulog ako!!

Mabilis kong kinusot ang mga mata ko. At nung makapag-adjust na ang mga ito ay agad kong inilibot ang aking paningin.

Bakit wala ng tao sa classroom?

As in wala tala---

"Yuto?" wala sa sarili kong nasambit ang kanyang pangalan.

Narinig din naman nya ata ang sinabi ko kaya napabangon din ito saka mejo nag-unat.

Hinarap nya ako at saglit na tinitigan kasama ang pagkilatis sa akin.

"Nasaan na sila?" agad na tanong ko.

"They already went home."

ANO!?

"The class is over an hour ago." hindi pa man magsink in sa utak ko ang sinabi nya ng marinig ko ang tunog ng malaking orasan mula sa malapit na tower, sinyales na alas singko na ng hapon.

"Pero.. teka.. yung exam sa History.."

"Kanina pang umaga natapos yun." muling sagot nya saka humikab. Mayamaya pa ay tumayo na ito.

"Saan ka pupunta?" tanong ko

"Uuwi na." sagot nito bago naligpit ng bag nya.

Nakakainis naman! hindi ako nakakuha ng exam sa History! yun lang naman sana ang dahilan kung bakit ako pumasok ngayon. Tapos hindi ko pa nakuha!

Natigil ako saglit ng may pumasok sa isip ko kaya humarap ako sa seatmate ko. "Ibig mong sabihin, mula kaninang umaga pa ako nakatulog?" ako mismo ay hindi makapaniwala sa mga isinambit ko

"Since 2nd period." pagkompirma nya na hindi manlang ako tinitingnan. Pagkatapos nyang magligpit ay isinuot na nya ang kanyang bag at aalis na sana.

"Teka sandali! hintayin mo ko!" pagkatapos ng sinabi ko ay mabilis din akong nagligpit at sumunod na sa kanya.

"Ano nga palang ginagawa mo dun? at bakit hindi ka pa umuwi?" tanong ko sa kanya habang magkasama na kaming naglalakad sa corridor.

"I always sleep when the class is over"

Ay oo nga. Pero kahit naman sa kalagitnaan ng klase minsan natutulog ka eh.

"Buti nalang at naabutan pa kita, may kasama tuloy ako."

"Correction, you woke me up"

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now