Idagdag mo pa ang female lead na talagang kinarir ang "reverse harem" na genre ng nobela. Kung hindi ko nga lang nagustuhan ang mga action scenes sa libro ay baka matagal ko na 'tong tinigilan sa pagbabasa.



Napalingon na lang ako kay Vile nang wala sa oras at hindi rin maiwasang mainis sa lalaking 'to. Kakaiba rin kasing magpakita ng pagmamahal itong male lead. Sa sobrang kakaiba ay hindi maramdaman ni Lilian. 'Yan tuloy naghanap ng ibang kalandian!



"Actually, masiyadong magulo ang romance sa istoryang 'to. Malay ko nga kung bakit maraming nagbabasa nito?! Trip lang siguro nila dahil maraming gwapo sa libro kaya ganon?"



Habang nakatingin kay Vile ay nakaisip tuloy ako ng kalokohan. Tutal may pagkamalandi rin naman ang female lead, hindi naman siguro magiging problema kung uunahan ko na siya kay Vile diba?



Ang ibig ko lang sabihin ay aagawin ko sa kaniya ang mga bagay na mauuna dapat siya! Tulad na lamang ng first kiss niya, first hug, at ang unang nakakahawak sa kamay ng male lead.



Aba'y ang kapal din naman kasi talaga ng mukha ni Lilian para maghanap pa ng iba no? Hindi ko maipagkakaila na napakagagwapo rin talaga nila Lucas, pero hindi naman yata tama na magloloko ka sa karelasyon niyo, diba?



Kung ayaw niya kay Vile dapat binigay niya na lang siya kay Heavenhell! Edi sana masaya pa ang bruha at hindi siya namatay ng maaga. Pero ang problema nga lang ay mas maaga pa siyang namatay ngayon, kaya naman ang ending ay napunta ang mabait kong kaluluwa sa katawan niya.



Nadamay pa tuloy ako sa mga kabaliwan ng characters dito. Aish! Napasimangot na lang akong tumingin kay Vile at pinakita sa kaniya na ang dami-dami kong problemang iniisip kaya huwag na siyang dumagdag pa.



"Hmm?" Tanong nito nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapalunok nang makita kung gaano kagwapo ang animal na 'to.



Nakaupo kasi ako sa tabi niya at nakaharap sa kaniya na nakasandal ngayon sa puno. Kaya naman kitang-kita ko ang bawat paggalaw nitong si Vile.

 

Idagdag mo pa na medyo madilim sa pwesto namin ngayon, kaya ang nagbibigay lang sa'min ng ilaw ay ang streetlight sa hindi kalayuan at ang mga ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan at gusali sa baba. Dahil tuloy doon ay naging romantic ang vibe ng lugar namin kaya mapapalunok ka na lang talaga sa kaba.



Iniwas ko na lang ang paningin sa kaniya at huminga muna nang malalim. Sa tantsa ko ay mag-aalas dose na nang madaling araw kaya dapat ay makauwi na kami.



Alam ko rin naman kasi na pagod at inaantok na rin ang animal na 'to. Like duh? Sa itsura niya pa nga lang ay alam ko na kaagad na nagpunta siya sa bahay pagkagaling niya sa trabaho.

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossМесто, где живут истории. Откройте их для себя