23) Skylar

6 1 0
                                    

Chapter Twenty Three:
" Skylar "

"Hah..."

My dad told me once to never run to trouble, he only wanted the best for me, he wanted his very own daughter to stay safe.

"...Lyn Lyn!"

Hindi ko matandaan kung naexplain ba sa'kin ni dad kung paano namatay ang nanay ko. Maybe they didn't tell me after all, but then I noticed one thing.

"Alethea! Thea!"

My dad was always scared whenever I run. Hindi ko alam kung bakit, akala ko dahil lang ayaw niya 'kong madapa pero nung nakita ko yung itsura niya pagkatapos kong tumakbo galing PE...

"Shet! Thea! Lyn Lyn! Andito ako!"

...puno ng awa at takot ang buong mukha niya.

So I never run unless I have to, unless I'm late to class, unless it's PE... unless it's something really important.

Pakiramdam ko sinisigawan ako ng multo ni daddy habang hinahanap si Lyn Lyn sa loob ng campus.

At this point hindi ako sure kung nasaan siya pero ipinagdadasal ko sa panginoon na sana andito siya o baka kailangan ko pang tawagan ang pulis. Tinext naman niya school so I'm hoping that she is really here.

Pawis na pawis ang buong katawan ko at ang bilis na rin ng pintig ng puso ko.

Please... please be okay, Lyn Lyn.

I don't want to assume it.

I don't want to assume that Skylar is with her right now but she texted help so it might be him.

Tangina talaga.

Kailan ba siya titigil?

Kailan ba titigil si Skylar?

Ano bang gusto niya?

Ano bang kailangan niya?

I looked for my phone in my pocket and immediately called Mrs. Delavin when I found it. I was shaking, my phone almost slipped out of my hands because of how nervous I was getting.

'Di rin sinasagot ni Mrs. Delavin yung tawag ko kaya wala akong choice kung hindi tawagan si Estella.

Umaasa ako na sana gising pa siya kakausap o kakatext do'n sa future boyfriend niya. Please lang Estella, please accept the freaking call!

"Aida, ano—"

"Estella, makinig ka sa'kin."

I'm not just nervous anymore but I'm also panicking. Nakakainis, nakakabwisit, pakiramdam ko ako ang may kasalanan kapag may nangyari kay Alethea.

Fuck, Lyn Lyn is young. She is so freaking young and she's being pursued by an idiot. I need to save her, I need to find her first.

"Aida? May prob—"

"Makinig ka lang!" Sigaw ko.

Wala sa computer room at wala rin sa may maliit na banyo sa second floor ng high school department, tangina naman!

"Okay..."

"Gisingin mo si tita, pati na rin si tito."

"Bakit? Bigla? Anong... ano bang meron? Are you okay, Aida?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guilty BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon