Lumapit ako kay Evor na nasa malapit na scene of the crime. I was also shocked when I saw the blood. I immediately hold the hands of Evor too late to let go of it.




"Sorry..."  agad kong binitawan kamay niya.




"Where's your landlady?" si Evor sa akin.





"Ah... Landlord... ahh... nasa area lang din ng boarding house, mga apat na minuto siguro kung lalakarin." ako habang nanginginig din sa nalamang may pinatay at itinapon dito.




"Leave this boarding house. Matutulog ka sa condo ko ngayon. Kumuha ka nalang muna ng damit na gagamitin mo. Ah... no ipapabili mo na kita ng pantulog mo. Umalis na tayo dito. It's almost midnight tapos may nangyayaring mga ganito? Be with me, Tin." hinawakan ni Evor ang kamay ko at umalis kami doon.




Tahimik lang ako at iniisip ang nangyari. Delikado nga ba talaga sa area namin? Saan ba ako pwedeng lumipat? Ang mamahal pa naman ng ibang boarding house dito. Ano na lang ang gagawin ko. Kainis naman oh.



"Don't think too much, Tin. Maag-uusap tayo pagdumating tayo sa condo ko." si Evor. Tumango ako bilang pagsang ayon. Pero ang totoo iniisip ko parin ang nangyari kanina.



Ilang minuto pa ay dumating na kami. She let me use the second room of his condo. I also heard him talking to his secretary, nagpapabili ng pambabaeng pantulog at damit na maisusuot kinaumagahan. Hindi naman kailangan sana. Malalabhan ko naman ang damit ko ngayon tapos susuotin ko ulit bukas.




Nang bumaba ako narinig ko ang doorbell kaya naman si Evor na nagluluto tumingin sa akin. "Ako na, Evor. Ako na ang magbubukas."




I look at the peephole. I saw a woman who was holding a shopping bag. Ate niya ba ito? I opened it immediately.




"Good evening, Mrs. Dyson." aniya.




"Ah... hindi-" Hindi pa man ako natapos ay agad na kinuha ni Evor ang dala ng babae.




"Thank you for these, Cresia. I really do appreciate that you still came here kahit late na. Thank you so much." si Evor na nasa tabi ko na.




"Anything for your wife, Sir. I'll be going. Goodnight Mrs. And Mr. Dyson." anito at umalis na. I immediately turn to Evor.



"I'm sorry. I just said it para wala ng maraming tanong." depensa niya.




"You could have said your friend, Evor." ako.





"It's no big deal, Tin, I just said it kasi paano ko ba sasabihin na siya na ang bahalang pumili ng damit pangbabae? Marami siyang tanong. What size and whatever hindi ko alam kung paano sasagutin yong mga tanong niya. She was asking me what color. And yeah sabi ko its for my wife kaya siya na ang bahala. I just gave her your picture. And sorry I took a picture of you kanina. Hindi ko kasi alam ang gagawin."



Na-iimagine ko kung gaano kahirap yon sa kanya kaya naman dapat magpasalamat nalang ako.


"Okay na. Sorry ako talaga itong distorbo dito atsaka salamat."



"No, Tin, hindi ka distorbo."aniya.



Sabay kaming pumasok sa loob ng condo niya. We are eating now hanggang sa nagsalita na rin siya sa sobrang tahimik.



"Tomorrow, right after my meeting sasamahan kita sa boarding house mo. You need to get out of that area. Dito ka na-"




"Evor, hindi pwede. Ano na lang iisipin ng Mommy mo?"




"It's my own condo. Pera ko ang ginamit ko dito. That's not there problem anymore." ibinaba niya ang kutsara at tumingin sa akin.





"Hindi na. Maghahanap ako ng iba. Isasama ko si Ryan. " ako at ibinaba na rin ang kutsara.



"No. Ganito nalang. Use that room of yours and pay me. Katulad ng binabayad mo sa boarding house mo. Ganun lang." pangungumbinsi niya sa akin.



"Evor, 700 a month lang iyong binabayad ko sa boarding house na iyon. Sa laki ng condo mo hindi ko iyan mababayaran." I rolled my eyes.




"Did you just roll your eyes on me?" tumayo na siya at lumapit sa akin. Tinitigan niya ang mga mata ko at bumibilis ang tambol ng puso ko.

Hindi ako makatitig ng maayos sa kanya at atras ako ng atras kahit wala namang space. Kinabahan ako at namamawis na ang mga palad ng kamay ko.

"Evor... ano ba... umalis ka nga." Ako pero tinawanan niya lang ako at mas lumapit sa akin.

Echoes of a Heartbeat (HEARTWRENCHING SERIES 1)Where stories live. Discover now