Umiling lang siya sa akin at ngumiti. "Wala lang naman. Sige na, sige na ihatid mo na ang pagkain nila..."

Inayos ni Nay Lolit ang dadalhin kong pagkain at naiwan lang ako nakatayo. Hindi maintindihan ang sinabi niya. Saan naman ako magpapaapekto? Para saan ako magpapakatatag?

Imbis na isipin pa nang masyado iyon, patungo na ako sa paghahatid ng pagkain nila Alex sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok pa at dumiretso na lang sa pagpasok. Gulat akong makitang naka tuwalya lang si Jasmine at gano'n din si Alex.

Parang may bukol na umakyat sa leeg ko sa nakikita at agad kong inilihis ang aking mga mata. Inilapag sa mesa ang pagkain at yumuko.

"Nandito na po ang almusal n'yo. Kung may kailangan pa po kayo, nasa labas lang po ako ng pinto."

"Okay-"

"Stay..." sabay na nagsalita si Alex at Jasmine. Nakakunot ang noo ni Jasmine habang nakatingin siya kay Alex. Ang lalaki naman ay nakatingin sa akin.

"S-Sa labas na lang po ako."

"I said stay," ani Alex sa isang malalim na boses at kinikilabutan ako roon. Naglakad si Alex papasok sa walk-in closet niya. Naiwan si Jasmine na mukhang naiirita.

"Stay here, Honey. Baka uutusan ka niya kaya dito ka na lang sa loob," ani Jasmine na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

Tumango ako at sumunod na siya sa loob ng walk-in closet. Nahigit ko yata ang hininga ko nang makitang hinubad ni Jasmine ang tuwalyang nakatakip sa katawan niya at kitang-kita ko ang likuran niya bago pa isinara ang pinto.

Naghalong kaba at sakit ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko, hindi ako nararapat na manatili dito sa loob ng kwarto. Hindi ko maipag-kakailang may sakit na dumaab sa dibdib ko.

Eh ano naman kung hubo't hubad sila sa loob? Mag jowa naman sila 'di ba? Ikakasal pa nga. At wala akong karapatang masaktan.

"Alex stop..." dinig kong tili ni Jasmine sa loob. Hinawakan ko agad ang dibdib ko dahil sa parang pamimilipit nito. Hindi pa nakatulong ang kung ano ano'ng bagay na pumapasok sa utak ko.

Tumili pa nang bahagya si Jasmine. "Let's do it later, okay?" ani Jasmine at kakaiba ang tonog ng boses niya. Huminga ako nang malalim dahil sa namumuong bukol sa lalamunan ko.

Bakit ka gan'yan Honey? Itigil mo 'yan. Mali 'yang nararamdaman mo. Kastigo ko sa sarili nang bumukas ang pinto.

Naunang lumabas si Jasmine na masayang masaya. Habang kasunod niya si Alex na seryoso lang ang mukha. Umatras ako yumuko.
Narinig ko na lang ang kalampag ng upuan hudyat na kakain na sila.

"Serve us, Honey." Si Jasmine iyon at nagmadali ako sa paglapit sa kanilang lamesa. Napansin ko ang salubong na kilay ni Alex. Ganyang ganyan ang mukha niya noong unang araw ko pa lang dito.

Bakit mukha siyang badtrip? Dahil ba...hindi natuloy ang gagawin sana nila sa loob? Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang huling sinabi ni Jasmine.

Sinalinan ko ng juice ang baso ni Jasmine saka pa kay Alex. Kinagat ko nang bahagya ang labi ko dahil hindi ko mapigilang manginig sa kaba. Hindi ko alam kung bakit.

"Are you nervous, Honey? Am I making you uncomfortable?"

Napasigaw na lang ako sa loob ng utak ko sa inis para sa sarili. Bakit ba kasi ako kinakabahan?

"H-Hindi naman po..." sagot ko.

"I told you, babe. She should've stayed outside. Look at here oh, she's in obviously nervous of my presence," sabi Jasmine kay Alex.

Mas lalong kumunot lang ang noo ni Alex at hindi nagsalita. Gumagalaw rin ang panga niya. Galit ba siya? Kanino? Sa akin? Kabisadong kabisado ko na kapag ganito ang nakikita ko sa mukha niya.

"That's enough. Let's just eat."

Iyon lang sinabi niya at bumalik na ako sa puwesto ko. Malayong gilid ni Alex ako nakatayo, nakayuko.

"About the wedding, babe. Hindi ba masyadong mabilis? We need an engagement party first. And..." saglit na napatigil si Jasmine sa pagsasalita, "Ayoko namang parang minadali ang preparations."

Parang may kung anong dumaan sa dibdib ko sa narinig. Kinagat ko nang bahagya ang labi at napahinga ng malalim para paalisin sa loob ng dibdib ko ang nanggugulo.

"Let's talk about it later and just eat," sagot ni Alex at natahimik naman ang babae.

Ilang sandali lang ay natapos na sila sa pagkain at laking ginhawa ng kalooban ko ang makalabas sa kwarto na iyon. Para akong nasasakal na makita sila.

Hinuhugasan ko ang pinagkainan nila nang maramdaman kong parang may tao sa likuran ko. Kaya agad akong lumingon at napaigtad pa ako nang bahagya nang makitang naroon si Alex. Nakahilig sa counter island at nakahalukipkip.

"M-May kailangan po kayo...sir?" tanong ko at napakunot ang noo niya.

"Why are you calling me that again?" masungit niyang tanong at hindi ko alam kung talaga bang hindi niya alam ang dahilan.

Ako lang sa lahat ng mga katulong dito ang tumatawag sa pangalan niya maliban kay Nay Lolit. Lalo na at nandito na si Jasmine, ayokong kung ano pa ang isipin niya.

"Iyon naman po kasi ang tamang itawag ko sa inyo..." mataman kong sagot. Hindi pa rin nagbabago ang kunot sa noo niya. At dahil doon, kinakabahan na ako.

"Hmm...so calling me by my name is wrong? Is that it?" he said, sounded so offended or annoyed.

Hindi ko alam saan patungo ang pag-uusap na ito. At sobrang liit lang ng dahilan na pinag-uusapan namin.

"May kailangan po ba kayo, sir?" ulit kong tanong.

"Damn it!" galit niyang sabi at hinampas niya ang counter top at ikinagulat ko iyon. Kung kanina nakakunot lang ang noo niya, ngayon namumula na ang teynga niya. Bakit mulha siyang galit? Mali ba ako?

"Stop this, Honey. You don't want me mad."

Secret ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon