"Ay? Ang nanay nahihiya. Yieeh." Tudyo ko.

"Isa ka pa Myrna!" Sikmat ni Nanay sa akin.

Pinalobo ko ang magkabilang pisngi ko. Hindi talaga magandang binibiro si nanay. Nagsusungit.

"Sus, Ang Nay talaga." Bulalas ni Tatay habang nangingiti. "Ayaw mo bang balikan ang magagandang ala-ala natin?" Tanong pa ni Tatay kay Nanay. Nilingon pa niya kami at kinindatan.

Kita naman naming natigilan si Nanay.

"Magandang ala-ala?" Usal pa nito. "Bakit? Ano bang magandang ala-ala sa atin maliban sa tinanan mo ako?" Napapantaskikuhang sambit ni Nanay ng tignan niya si Tatay.

Napakamot si Tatay sa batok niya. Ang mukha nito'y namumula na.

"E hindi lang naman iyon ang magandang nangyari sa atin eh." Kakamot-kamot sa ulong sabi pa ni Tatay.

Tumikwas ang isang kilay ni Nanay.

"Ah, Oo nga pala. Naalala ko. Nong malakas ang ulan naligo tayo tapos kinaumagahan sabay din tayong nagkasakit. Sinermonan ka pa nga ni Nanay Luming dahil dinamay mo pa ako sa kalokohan mo dahil Inaya mo akong maglaro sa gitna ng malakas na ulan. Tanda mo 'yon?" ani nanay kay tatay.

Tumango si Tatay kay Nanay pero panay pa din ang kamot nito sa tuktok ng ulo.

"Tapos, Naalala ko pa, binigyan mo ako ng tatlong tangkay ng santan na pinitas mo sa hardin ng teacher natin sa grade six na si Misis Guiwang tuloy na sermunan ka niya. Kesyo, manliligaw kana nga santan pa ang ibibigay mo sa nililigawan mo." Muli pang pagbabalik-tanaw ni Nanay sa nakaraan nila ni Tatay.

Napangiwi si Tatay. Kami namang magkakapatid. Nakikinig na at hindi na sumasali sa usapan ng mga magulang namin. Para kasing ang ganda ng kwento ng pag-ibig nila nanay at tatay.

"Naalala ko din na, Binaunan mo ako ng tanghalian. Pritong Isdang bunog pero sunod! Tapos iyong pulang itlog bulok! Tanda mo din 'yon?" Tanong ni Nanay kay Tatay. Tumango naman si tatay.

Pulang-pula na ang mukha nito. Mukhang hindi nito inaasahang ibubulgar ni nanay ang kapalpakan nito sa panliligaw rito.

Tumatawa naman kaming magkakapatid.

"Tay, Ang epic pala ng panliligaw mo kay Nanay, HAHAHAHA." Tatawa-tawang sambit ni Marlon.

"Anong panliligaw kuya?" Si Marina.

Tumayo sa harapan namin si Marlon at ang itsura nito ay parang sasabak sa isang Q & A.

"Makinig kang mabuti sa sasabihin ko Marina, Ah? Ipapaliwanag ko ang ibig sabihin ng panliligaw." Pahayag pa ni Marlon na para bang isa itong matanda at alam ang ibig sabihin ng panliligaw na tinutukoy nito.

Nagkatinginan naman kaming lima nila nanay at tatay at muling ibinaling ang tingin kay Marlon.

"Ang panliligaw ay isang pangkaraniwang ginagawa ng isang lalaki. Kaming lalaki ang ibig kong sabihin." Paninimula ng kapatid kong si Marlon habang nakatingin kay Marina na matamang nakikinig naman sa nakakatandang kapatid naman nito. "Ang panliligaw ay isang uri ng pagpaparamdam ng isang lalaki sa isang babae, Marina. Naiintidihan mo ba ako aking kapatid?" Tanong pa nito sa mas batang kapatid namin.

"Oo kuya! Naiintindihan ko!" Sagot naman ni Marina at iniliyad pa ang sarili.

"Kung ganon, ipagpapatuloy ko ang pagpapaliwanag ko." Ani Marlon at pinagpatuloy nga ang mala-lakandiwang pagsasalita niya. "Ang panliligaw ay isang paraan para makuha ang loob ng isang babaeng nagugustuhan naman ng isa lalaki. At ang halimbawa nito ay ang pagbibigay ng bulaklak, tsokolate at paghaharana." Pagsasadula pa ni Marlon. Marami pa siyang sinabi tungkol sa panliligaw. Sina nanay at tatay naman at mga kapatid ko matamang nakikinig lang kay Marlon.

Habang ako biglang kumunot ang noo.

Noon ko lang kasi napagtanto ang mga sinasabi ng kapatid kong si Marlon.

Paano siya nagkaroon ng ideya na ganon ang ibig sabihin ng panliligaw?

"Marlon." Agaw ko sa atensyon niya.

Napatingin siya sa akin maging ang mga magulang at iba ko pang kapatid naagaw ko ang atensyon nila.

"Bakit Ate?" Nagtatakang tanong ni Marlon sa akin.

Pinagmasdan ko siya ng mabuti.

Bata pa ang kapatid kong ito pero marami ng alam at isa na roon ang pagbibigay niya ng ideya sa panliligaw sa kapatid kong si Marina. At gusto ko siyang tanungin at siguruhin kung tama ba ang nasa isip ko.

"May nililigawan ka ba?" Tanong ko kay Marlon at seryoso ko siyang tinignan.

"Ha? Ano ate? Ako may nililigawan?" Gulat na gulat na sambit niya.

"Oo." Walang ka ngiti-ngiting sabi ko.

"Luh. Si Ate, imahinasyon mo ang lawak ah," parang matandang sabi pa niya sa akin.

Nalukot ang mukha ko.

"Sagutin mo ang tanong ko!" Sikmat ko sa kaniya. Bahagyang napaatras si Marlon.

"Nay, Tay, Si Ate Oh, nasigaw." Anito at lumapit sa tabi ng mga magulang namin.

"Myrna, bakit ba bigla-bigla kang nagagalit diyan ah," si Nanay. Nasa mukha nito ang pagtataka.

"Oo nga anak, anong problema?" Tanong naman ni Tatay.

"Si Marlon kasi Nay, Tay, hindi sinasagot ang tanong ko kung may nililigawan ba siya o wala? Kasi, bakit alam niya ang tungkol sa panliligaw." Mariing sabi ko at tinignan ng masama si Marlon. Sumiksik naman ito sa katawan ni Nanay na animo'y takot na masunggaban ng isang tigre.

"Ikaw naman Myrna, Nagpapaliwanag lamang ang iyong kapatid tungkol sa panliligaw kung ano-ano ng iniisip mo." Wika ni Tatay sa akin.

"E Tay kasi naman." Ani ko at ngumuso at hindi tinapos ang gusto kong sabihin.

"Ate, wala akong nililigawan. Bata pa kaya ako." Narinig kong sambit ni Marlon. Napatingin ako sa kaniya.

"E paano mo nalaman ang ibig sabihin ng panliligaw?"

Umalis siya mula sa pagkakasiksik kay Nanay at hinarap ako ng mabuti. Tumayo pa siya sa mismong harapan ko.

"Narinig ko kasi ang usapan nila Kuya Noli at ng mga kaibigan niya." Paliwanag ni Marlon.

"O anong tungkol sa pinagusapan nila?" Tanong ko pa uli kay Marlon.

"Liligawan ka daw ni Kuya Noli."

Napasinghap ako at napamata kay Marlon. Sina Nanay at tatay naman ay gulat na napatingin sa kapatid kong lalaki.

"Anong sabi mo Marlon? Ang kuya Noli mo liligawan ang Ate Myrna mo?" Si Tatay.

"Opo Itay, Liligawan daw po ni Kuya Noli si Ate Myrna. Ayan nga siya oh, may dalang gumamela." Ani Marlon at may inginuso sa bandang likuran ko.

Lumingon naman ako sa likuran ko.

"Magandang hapon po Mang Melchor at Aling Marie, Pwede po bang umakyat ng ligaw kay Myrna?"

NASSEHWP

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now