Kabanata 12.

13 2 57
                                    



Ako



Neon lights, uncountable people, bartenders, alcoholic drinks, smoke, and loud noises.


The club was raging fire. The crowd was loud, tipong mas malakas pa sa speakers na nandito. Everyone was dancing and partying on the dance floor. Kaniya-kaniya ring table ang mga tao.


Ang daming tao sa paligid. Most of them are college students like us, probably partying to save themselves from stress and burnout. Panay lang ang tingin ko habang mahigpit na nakakapit sa braso nitong si Sol na nangunguna sa daan.


It was my first time partying. Unang beses na magpaparty ako at sasama sa mga kaklase ko. I've heard a lot about clubs and bars here, hindi nga lang ako pumupunta at sumasama.


"Hindi ba tayo maiipit dito?" Tanong ko kay Sol habang sumusunod pa rin sa kanya.


"Gaga hindi 'yan, basta sumunod ka lang sa'kin." Sinabi niya.


Napabuntong hininga nalang ako tsaka tahimik na kumapit sa braso niya. Mahirap nang mawala rito. Nauna na rin kasi yung mga kaklase namin rito, hahanapin na lang namin kung may pagkakataon. Ang kaso nga, mukhang imposible.


"Hey Sol, Jade!" Dinig naming tawag sa amin.


Sabay kaming lumingon sa likuran namin. It was Day, may hawak siyang cocktail sa isang kamay niya. She's wearing a party dress that really suits her.


"Uy hello! Saan table niyo?" Sol politely said.


Ramdam kong nangangati na rin siyang magparty.


"Doon lang! We're actually waiting for the both of you! Grabe buti sumama ka Jade!" She smiled at me. Nginitian ko naman siya pabalik.


Jusko kinakabahan nga ako. Pinagpapawisan ako ng malamig. First time ko rito at hindi ko pa alam ang gagawin.


"So ano, tara na? Mayroon na ring drinks sa table then party party nalang tayo mamaya. Plus nandiyan din Sinagtala, they're going to play a song later." Sabi niya pa sa'min.


Tumingin sa'kin saglit Sol. Kinunutan ko lang siya ng noo dahil parang sinasabi ng mga mata niya na nandito yung crush ko. Pasimple ko nalang siyang inirapan.


"Tara na Day. Baka naghihintay na rin sila."


Maingat kaming sumunod sa kanya sa dami ng tao. Papunta kami sa maraming tables sa may tabi na parang iniwanan din. Narinig pa namin ang ingay sa may pinakasulok na table na sigurado akong sa mga kaklase namin nanggagaling.


"Oh shot na! Shot shot!"


"Where's the lemon? Ibigay niyo!"

01 | Ikaw Ang Aking MusikaWhere stories live. Discover now