Kabanata 2.

20 4 32
                                    



Sulyap


"Hoy teh tara na! Baka umalis na yung mga 'yon do'n!" Makakalas na yata ang braso ko sa panghihila niya.


Pakiramdam ko, uuwi akong wala nang braso. Ang lakas pa namang makahila, parang makakatanggal ng braso kahit kailan.


"May iaabot pa akong files kay Mr. Morales." Sinabi ko.


Bago pa ako makaalis kanina ng classroom, tinawag ako ng prof namin. He asked me to hand the files to Mr. Morales before I go home. Dahil masunurin ako, kinuha ko nalang kahit uwing-uwi na ko.


"Ano ba naman kasi 'yang si sir ano, pautos nang pautos." Bulong niya pa sa tabi.


Para naman siyang batang nakapout. Naupo nalang siya sa upuan sa may harapan ko at humarap sa akin. Para siyang batang iniwan ng magulang tapos hindi pa binigyan ng candy.


"Para kang tuta." Natatawa kong sabi.


"At least cute." Hinawi niya pa ang buhok.


"Pakyut."


Sinamaan niya ako ng tingin. Parang gusto niya pang magdabog sa harapan ko ngayon. Kaunti nalang.


"Ihatid nalang muna natin ng mabilis, o kaya kung gusto mo mauna ka nang tumingin do'n." Sabi ko pa.


Titingnan niya lang naman yung crush do'n. Yung Benj na bassist ng banda. 4th year Engineering din, same dept nung vocalist at nung iba nilang kabanda.


Naririnig ko lang dun sa mga babaeng fan nila sa department namin. Minsan ay nagtitilian pa sila habang may pinapakitang pictures sa phone. Kadalasan din, ang banda ng NLU ang laman ng fb at twt page ng univ namin.


"Luh 'yoko nga. Kaya nga kita iniintay e, sabay tayong pupunta ro'n. Titingnan din natin crush mo."


"Crush amputa. Wala ako no'n." 'Di ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang ginagawa.


"Tanga crush mo 'yon. Yung pogi at yummy'ng vocalist na si Lee. Titig na titig ka nga nung nakaraan, kaunti nalang matutunaw na kayo sa titig ng isa't-isa." Inakto niya pa kung paano raw kami magtitigan nung Lee.


Sa dami ba naman kasi nang titingnan, ako pa yung nakita. Hindi ko na rin alam. Nagkatitigan pa tuloy, at nahuli pa. May pang-asar na naman tuloy 'tong araw na 'to.


"Taray teh, buti 'di ka pa sinusugod nung mga delusional fans nung lalaking 'yon. Kung may plano silang sugurin ka, hahandusay muna sila sa suntok ko bago ka nila maabot." Sumuntok pa siya sa hangin.


Hanga nalang talaga ako rito sa lalaking 'to kung paano siya magkwento. May pa-actions pa at irap.


"Hindi naman siguro nila nakita." Sabi ko.


01 | Ikaw Ang Aking MusikaWhere stories live. Discover now