Kabanata 6.

16 2 37
                                    



Hatid



"Oh nangyari sa'yo?" Bungad na tanong sa'kin ni Sol nang makaupo ako sa upuan ko rito sa classroom.


It was monday. Unang araw sa linggo na may pasok. Monday na Monday para sumakit ang ulo ko, sumakit ang katawan, at lagnatin. Halos hindi na ako makabangon kanina pero pinilit ko lang dahil may quiz ngayon.


Muntik pa akong hindi makaabot sa jeep kanina. Tapos etong guard sa may gate ayaw pa akong papasukin dahil hindi ko makalkal yung i.d ko sa bag.


Malas na nga kong nung mga nakaraang araw, may mas imamalas pa pala.


Ipinikit ko ang mga mata. Kahit nakainom na ako ng gamot, masakit pa rin ang ulo't katawan ko. Hindi pa rin umeepekto. Ito yung time na masarap tanggalin yung ulo e.


Lumapit naman si Sol sa akin. Kinapa niya ang noo ko, making him startled because of the hotness. Agad siyang lumayo na parang pinaso siya ng nagliliyab ng apoy.


"Ang init mo gago!" Hinawakan niya ulit ang noo ko sa pangalawang pagkakataon.


Nag-nap naman ako sa desk ko matapos niyang hawakan ang noo ko. Ang bigat talaga ng ulo ko. Parang pinapatungan ng barbel sa tuktok tapos kumikirot. Ang sasakit din ng mga balikat ko, parang pinihit nang biglaan tapos di na naayos.


Tanginang 'yan, umagang-umaga para akong binugbog sa bigat ng katawan ko.


"Bakit ka pa pumasok? Sobrang init mo!"


Nanatili naman akong nakadukdok sa mesa. Pinilit ko lang talaga ang sariling pumasok kahit nahihilo-hilo na ko sa jeep. Nananakit na rin ang aking lalamunan kahit panay inom pa ako ng tubig.


Sa kailangang pumasok e. Mahirap nang ma-miss lahat ng topics at quizzes ngayong araw.


"Okay lang 'yan, at least may attendance." Tumawa pa ako ng mahina na sinundan naman agad ng ubo.


Kinarma agad. Pangit naman ng araw na 'to, bastos.


"Putangina mo Jade, pwede naman kitang ipa-excuse kaysa naman pumasok kang ganyan!" Sermon niya, pero 'di naman ako makapalag.


Awit wala nga sina mama rito, eto namang lalaking 'to pumalit sa panenermon. Matinis pa naman boses, tumatagos hanggang kabilang tainga. Siya talaga yung manenermon na ayaw mong maririnig manermon nang paulit-ulit.


"Halika dadalhin kita sa clinic!" Pinatatayo niya ako.


"'Wag na Sol, mamaya nalang after this class. Promise magpapahila ako ro'n mamaya." Humarap na ako sa kanya.


Kaya pa namang tiisin. Tsaka mahirap ding hindi makasabay sa lessons ngayong araw. Baka mamaya may groupings tapos wala akong kagrupo. Ending niyan ako mag-isa o kaya baka sabihin nasa ibang department kagrupo ko. Baka mapunta ako sa Engineering dept. o kaya sa Architecture kahit Education course ko.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaWhere stories live. Discover now