Kabanata 10.

11 2 40
                                    



Safe


TW!: sexual harassment, harrassment


(note: please don't read/skip if uncomfy)



"Hindi ka talaga sasama?" Sol asked me.


It was our break time. Break time para kumain, magliwaliw saglit, umalis, matulog, at kung ano-ano pa. Choice namin kung ano ang gagawin namin sa maiksing oras na inilaan para sa amin, at pagkatapos noon, balik na naman kami sa next sub namin.


Paulit-ulit ganoon, umay lods. Para kang hinainan ng shanghai sa loob ng limampung taon na yun lang kinakain mo mula umaga hanggang midnight snack.


Kahit masarap ang lumpia, nakakaumay din.


"Pwede bang 'wag sumama?" I asked.


Naglalakad na kasi kami papunta sa green ave nang may tumawag sa kanya, inaaya kaming pumunta sa may gate para magfishball sa may malapit sa uni. And guess what? It was the band. Parang magkakapalit-palit na nga kami ng mukha lahat dahil halos araw-araw na kaming magkakasama.


I'm still not close to some of them, but I think we're getting there.


"Omg ka ayaw mo talaga?"


"Nakakatamad lumabas." It was an excuse.


Ayokong lumabas dahil may iniiwasan talaga ako. I was now getting confused, at parang kailangan ko na ng oras para mag-isip. It's getting confusing you know? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.


It really started that time. The time when our eyes locked with each other.


"Oh edi saan ka niyan? Hindi ka kakain man lang?"


"Dito na lang muna ako sa benches sa green ave. Hihintayin nalang kitang makabalik dito." Paliwanag ko.


Mas mabuti na 'yon. At tsaka busog pa naman ako, nakailang kain kaya ako nung menudo na bigay sa amin kanina. 100% recommended luto nang kapitbahay namin.


'Yon nga yung baon ko.


"Baka naman mapaano ka rito jusko!" Naupo na ako sa isang bench na nakita namin. He continued standing in front of me.


"Luh ano ako bata?"


'Di naman siguro ako mapapaano rito. Safe kaya ang uni, ang daming mga guards. Tsaka mababait naman siguro lahat ng tao rito. Subukan lang nila lumapit, mawawalan sila ng paningin sa isang iglap. Bukod sa wala pang paningin, wala rin silang paa't kamay.


"Gago ka mag-ingat ka rito, dapat nandito ka pa rin pagkabalik ko. Bibilisan ko lang humarot tapos babalik din agad ako." Itinaas niya pa ang kamay na parang nanunumpa.

01 | Ikaw Ang Aking MusikaWhere stories live. Discover now