Pagkapasok niya ay sinuot na nito ang seatbelt bago bumaling sa akin ng nakangiti.

"Okay. Before we drive there, let me tell you something..." saad nito at humarap sa akin. Hinawakan nito ang isa kong pisngi habang ang isa ay hawak ang aking kamay.

"Once we're already there, I want you to stay by my side, okay? I can't let you get away from me now that we know you have that... kind of person." Sabi nito at huminga ng malalim. Ngumiti naman ako ng malawak dito at tumango. She shook her head and looked at me with worry.

"I'm sorry. I'm just really worried." Sabi nito kaya tumango ako dito at hinawakan ang kaniyang kamay na nasa aking pisngi. I smiled at her.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganito. Nung nalaman nga namin na may stalker nga ay halos hindi na ito umalis sa aking tabi kaya minsan ay natatawa na lamang ako dito. Grabe kasi ito mag-alala.

Sa totoo nga niyan ay natatakot din ako para sa aking sarili. That stalker, whoever she or he may be, I'm scared that they will just stab me at the back while walking on the streets pero nandito din naman sila, katulad ng aking mga kapatid, na nag a-assure na hindi nila ako pababayaan kaya napanatag din ang aking loob.

"You ready?"

Bumalik ako sa ulirat ng magsalita ang aking katabi. Tumango ako dito bago ngumiti ng malawak. She also smiled at me and leaned in to kissed my forehead.

"Okay. Let's go."









Nagising ako ng may nararamdaman akong haplos sa aking mukha. Tiningnan ko kung sino 'yon at nakita na si Miss 'yon na nakangiti sa akin. Ngumiti din ako dito.

"Sorry to interrupt your sleep but I want to ask if you want something to eat while we're on our way." Malumanay na turan nito at ngumiti ng malambot sa akin. Luminga ako sa paligid.

Nasa tapat kami ng isang convenience store sa may gas station. Binalik ko ang aking tingin kay Ma'am.

"Are we there yet?" Tanong ko. Tumango naman ito at ngumiti. Nakita ko na mapupungay na ang mata nito kaya nag-aalala na tumingin ako dito. "Are you tired?" Dagdag kong tanong.

"Nope. Just sleepy." Mahina nitong saad kaya napabuntong hininga ako. Tumingin ako sa aking relo at nakita na 6am palang. Binalik ko ang tingin kay Ma'am.

"Let's go buy something?" Tanong ko na agad niya namang tinanguan.

Bago ako makalabas ay pinigilan niya ako kaya kumunot ang aking noo dito.

"You're going outside wearing that?" Tanong nito ng nakakunot ang noo. Napabuntong hininga ako at binitawan ang hawak sa handle ng kotse.

"Ano ba kasing problema sa suot ko?" Nauubos ang pasensya na saad ko at muling tiningnan ang sarili.

Seriously, there's nothing wrong with what I'm wearing!

"You have your three buttons down, Adira..." Napapahilamos na saad nito. Lalong nagsalubong ang kilay ko.

"And?" Taka kong tanong na mukhang lalo lamang nagpainis dito.

"Damn it! People can see your... your, argh!" Naiinis na saad nito habang napasabunot sa buhok nito. Amuse ko lang itong tiningnan. Why is she so scared to say that word?

"Okay, okay. I'll button this one. Is that okay, Faby?" Natatawa kong saad at tinuro ang isa kong butones. Napatingin naman ito sa akin na may frustration sa mukha kaya natawa ako lalo. She sighs before nodding her head.

"Okay. That's enough. Let's go." Saad nito at lumabas na. Natatawa naman akong binutones ang isa bago lumabas. Naghihintay lang naman ito sa akin sa labas ng kotse kaya lumapit ako dito at ngumiti. She groaned.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon