Chapter 44 - Anger

Magsimula sa umpisa
                                    

"Why don't you like her? She's far more interesting than me."

"Hindi uubra ang pagtulak mo sa'kin sa ibang babae, Iris. I'll only date someone else when you totally let go of me. Pero ramdam kong hindi mo pa 'ko binibitawan kaya kumakapit pa ako."


I looked down. "I am letting you go. I told you to forget about me."

"I can wait, Iris. Kaya kong maghintay kahit ilang taon pa 'yan."

"Damian, I will not leave Dash. Masasayang lang ang oras mo kakahintay sa akin."


Hindi na naman siya umimik. I think what I said upset him. Tumingin na ako sa labas at hindi na rin nagsalita pa. I don't want to completely ruin his night. Masyado ko na siyang nasasaktan sa mga sinasabi ko.

This may be the last time I'll be alone with him. I might as well just enjoy this moment with silence.


"He's here." Nilingon ko siya nang bigla siyang magsalita. Tatanungin ko pa lang sana siya kung sino ang tinutukoy niya nang mapansin ko ang kotse ni Dashiell sa gilid. Nawala ng tuluyan ang kalasingan ko. My eyes immediately wandered around.

Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ay bumaba agad ako at hinanap si Dash. I saw him at the hood of his car. Nakaupo siya doon at nakatingin sa akin. Namumula pa ang mga pisngi niya dahil na rin siguro sa nakainom siya.


"Dash..." I can't believe it. He finally showed up. After days of not talking to me, he's here.

Tumayo siya at tiningnan ang kotseng binabaan ko. Kumunot agad ang noo niya ngunit hindi siya nagsalita.


"Bakit ka nag-drive? Lasing ka ah," worried na tanong ko.

Hindi siya sumagot kaya naman kinabahan na ako. I glanced behind me and saw Damian staring back at his brother.

I could feel the tension between them. I need to do something. I need to distract Dash.



"Have you read my message? Nagpa-party si Ms. A para sa aming mga interns kaya ngayon lang ako nakauwi."


Dash met my eyes again. Ang tagal niyang nakatingin lang bago siya nagsalita.

"Talaga bang sa dami ng mga tao doon, siya pa dapat ang maghatid sa'yo dito?"

There's accusation on his voice and I can't blame him for that.


"Hilong hilo na kasi ako kanina, hindi ko na matawagan ang driver ko. Sorry." I walked towards him and held his hand. "Ikaw, bakit naparito ka? Gabi na."

"Am I not allowed to see you now?"

"Of course not. You're always welcome here. Sana lang nag-text ka para umalis agad ako doon sa party. How long have you been waiting?"


"Kakarating ko lang din dito." Tumingin ulit siya sa likuran ko saglit. "Can we talk somewhere else? Somewhere private? Naiirita akong may nagbabantay pa sa'yo."

Bakit hindi pa umaalis si Damian? He knew his presence here would only cause him trouble.


"Doon tayo sa loob," I offered. Tumango lang siya at hinayaan na akong hilahin ang kamay niya.

Before entering my house, I caught him glaring at Damian again. Nakakalungkot na kung dati rati ay sobrang close sila, ngayon halos isumpa niya na ang Kuya niya. I hope I can still change that. Sana maibalik ko pa rin sila sa dati.


"Should we go upstairs? Or do you want to talk outside? Sa garden?" I asked when we're finally inside.

"Anywhere would do."

Torn in Two (Elite Girls 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon