23

1K 16 0
                                    

After 1 month

Althea's Pov

"Oh my gosh ate, you look gorgeous!" Wika ni Shaine ng pumasok ito sa silid kung saan ako inaayusan ng make-up artist ko.

Nandito kami sa hotel at ngayong araw ang engagement party namin ni Xerxes. May date na din ang kasal namin kung kelan gaganapin. Excited parehas ang mga parents namin kaya mabilis naming naasikaso ang lahat ng kailangan namin sa kasal.

  "Thank you Shaine, Ikaw din napakaganda mo dyan sa dress mo.By the way, ano ng balita sa labas?" Nakangiting tanong ko dito, actually kinakabahan talaga ako. Alam nyo naman may trauma na ako dahil sa na Colombia ako dati at si Ynna yung pinakilala ni Xerxes dati.

"Eveything was fine ate kaya wag kang kabahan, nandun na din si kuya at ikaw nalang ang hinihintay ng lahat." Excited na sagot nito.

Huminga ako ng malalim at humarap sa salamin para sa final look ko. Marami ang nag bago pero ako pa rin to. Hindi na ko Sanchez kundi isang ganap na Bergueles na.

Sinamahan ako ni Shaine papuntang venue. Lahat ng bisita ay naka black and white pero mas lamang ang black na kulay sa mga kasuotan nila. Lahat ng ito ay idea ni mom Sarina, na lahat ng dadalo ay kailangan nakasuot ng black and white para mas mag mukang elegant ang dating ng party.

Papalapit palang kami sa venue pero marami na ang nakatingin sakin.

Dahil lahat sila ay naka black, mas naging kapansin pansin ang suot kong white long gown na kumikinang sa tuwing natamaan ng liwanag. May maliliit kasi itong mga diamond and glitters.

Nakita ko naman agad si Xerxes, nakangiti ito habang titig na titig sakin. Ilang sandali pa ay sinalubong na ako nito.

"You look wonderful tonight." wika nito at hinalikan ang kanang kamay ko.

"Parang title ata yan ng isang kanta." Nakangiting wika ko dito.

"Dahil yun naman talaga ang nag lalarawan sayo ngayong gabi mahal. Tingnan mo at lahat sila ay nakatingin sayo." Bulong nito sakin kaya agad kong nilibot ang tingin ko sa loob ng venue at hindi nga nag kakamali si Xerxes.

Lahat sila ay nakangiting nakatingin samin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, yung para bang ikaw ang star sa isang event. Well kami naman talaga ni Xerxes diba?

"Let's go?" Tanong nito sakin. Tumango ako bilang sagot.

Sumenyas si Xerxes sa Event coordinator namin kaya lahat ng ilaw ay namatay sa loob ng venue. Nag simula ng mag salita ang Mc.

"Tonight, ladies and gentlemen. Let's welcome our soon to be married, Mr. Xerxes Lopez with his Beautiful fiance and soon to be wife for REAl! Ms. Althea Sanchez Berguelez!" Masiglang pakilala ng Mc saming dalawa ni Xerxes kasabay ang pag tapat ng spotlight saming dalawa.

Yes this is for real na talaga at wala ng iba. Hindi si Ynna kundi ako na bilang si Althea Berguelez.

Nag simula na kaming mag lakad ni Xerxes sa red carpet at malakas na palakpakan naman ang binigay samin ng crowd hangang sa makarating na kami sa stage.

"Gusto kong malaman mo na, mahal na mahal kita" Bulong ni Xerxes sa tenga ko kasabay ang pag bukas ng lahat ng ilaw. Mas lalong nag palakpakan ang mga bisita samin.

"Mahal na mahal din kita" Nakangiting sagot ko dito.

Muling nag speech yung mc hanggang sa parehas na kaming binigyan ng microphone. This time kami na yung mag sasalita ni Xerxes. Kinakabahan ako, naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Xerxes sa kamay ko at nag inhale and exhale pa ito bago humarap sa mga bisita namin at tinapat na nito ang mic sa bibig nya.

His Baby Sitter Where stories live. Discover now