9

1.2K 27 0
                                    

*Althea's pov*

Katatapos lang namin kumain ng lunch. Tulog nanaman si Baby Jasmine, kaya kami lang ang nakakain ni Xerxes.

"May meeting ako mamayang 1pm, okay lang ba na maiwan ko muna kayo ni baby dito?" Tanong nito habang inaayos yung damit nya. Lumapit ako dito para ayusin yung necktie nya.

"Wag mo kamng isipin ni Jasmine. Okay lang kami dito."  Nakangiting sagot ko dito.

"Salamat" Nakangiting wika nito at hinaplos ang muka ko. Titig na titig naman ito sa mga mata ko.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Nakakunot noo na tanong ko dito.

"Hindi ko lang kasi lubos maisip na makakakilala ako ng tulad mo."

Napangiti ako ng malapad sa sinabi nya. Simpling babae lang naman ako, at sa tingin ko ako dapat ang mag sabi ng ganyan sa kanya.

"Ayan ok na " Nakangiting wika ko after ayusin ang tie nya. Ngumiti din ito sakin at hinalikan ako sa noo. Sa noo nya lang talaga ako kinikiss, Ang last na kiss namin sa lips ay nung gabing umamin sya sakin.

"Mag papahatid ako ng meryenda nyo ni baby, kapag may kailangan ka tawagan mo lang yung secretary ko." Muling wikanito.

"Yes boss" At Nas salute pa ako dito. Hinalikan nya ulit ako sa noo.

Nag paalam na ito kaya hinatid ko sya hangang elevator.

Inayos ko yung pinag kainan namin ng biglang may mag doordell. Siguro ay may nakalimutan si Xerxes kaya agad ko itong pinag buksan ng pinto.

Pero laking gulat ko ng si Ynna ang makita ko.

"Kamusta naman ang pagiging fake mother ni Jasmine, Baby Sitter?" Nakangising wika nito. Napakunot ang noo ko, paano nya nalaman ang tungkol dito?

"Anong pinag sasabi mo Ynna?" Tanong ko dito at tinaasan ko sya ng isang kilay.

"Hindi mo na kailangan mag panggap sa harap ko Althea dahil alam ko na ang totoo. I'm not stupid para hindi malaman ang katotohanan!" Inis na wika nito.

"Yan lang ba ang pinunta mo dito? Kung wala ka ng sasabihin pwede ka ng umalis." Inis na wika ko dito.

"I want to warning you baby sitter, kung ano mang namamagitan sa inyo ni Xerxes itigil mo na. Hindi ka nababagay sa kanya!" Inis na wika nito at hinawakan ako nito ng mahigpit sa braso.

"Ano ba Ynna nasasaktan ako!" Inis na reklamo ko dito.

"Mas lalo kang masasaktan kapag hindi mo tinigil ang pang lalandi kay Xerxes! May balak ka pa atang pumalit sa pwesto ko? Sorry ka nalang dahil babawiin ko si Xerxes sayo!" Wika nito at patulak na binitawan ang braso ko.

" Hahha, lilinawin ko lang syo Ynna ang lahat. Baka nakakalimutan mo, ikaw mismo ang nag reject sa mag ama. Pangalawa hindi ko sila inagaw sayo, kasalanan ko bang si Xerxes mismo ang mag offer sakin na maging mommy ni Jasmine?" Nakangiting sagot ko dito. Inis na inis naman ang muka nito dahil sa sinabi ko.

"Wala ka ng babalikan Ynna, dahil ako na yung papakasalan ni Xerxes." Pang aasar na wika ko dito.

Sasampalin na sana ako nito ng biglang bumukas ang elevator.

"Ynna, anong ginagawa mo dito at  bakit mo sasaktan si Althea?"

Laking gulat ni Ynna ng makita si mam Seles. Maging ako ay hindi inaasahan ang pag dating nito.

Lumapit si Mam Seles at namagitan samin ni Ynna.

"N-nag kakamali ka ng iniisip tita, sya ang unang nanakit sakin, gaganti lang sana ako. Pumunta lang talaga ako dito para makipag kaibigan sa kanya pero ayaw nya, pinag bibintangan nya pa ko na aagawin ko si Xerxes sa kanya." Pag sisinungaling nito at tila iiyak na.

His Baby Sitter Where stories live. Discover now