8

1.1K 23 0
                                    

*******

  Malinaw na ang lahat sakin kahit medyo komplikado yung sitwasyon namin ni Xerxes dahil baby sitter lang ako ni Jasmin.

Pero hangat wala akong tinatapakan na tao, ipaglalaban ko tong nararamdaman ko kay Xerxes dahil alam kung ganun din naman sya sakin.

Mas lalo kaming nagkaroon ng oras ni Xerxes sa isat-isa. Madalas kaming natutulog sa kwarto ni Jasmine. Shempre nasa gitna namin si Baby, Baka kasi isipin nyo na may nangyayare na samin.

Hindi pa talaga official yung relationship namin, ang mahalaga nag kakaunawaan kaming dalawa at parehas ang nararamdaman namin para sa isat-isa.

Tumawag ito kanina, pinapunta nya kami ni Jasmine sa hotel at doon na daw kami kakain ng lunch.

This is the third time na pupunta ako sa hotel nya, at iba na ang relasyon namin kesa sa una at pangalawang punta ko doon. Kinakabahan tuloy ako, ano nalang ang sasabihin ng mga impleyado nya sakin?

---

Buhat buhat ko sa Jasmine, nandito na kami ngayon sa entrance ng hotel. Nakita ko nanaman si manong guard na masungit. Pero this time ang lapad ng ngiti nya sakin. Mukang good mood si Manong ngayon

"Good morning mam." Nakangiting bati nito sakin. Siguro alam nya kung sino ang batang buhat buhat ko kaya ang bait ni manong sakin. Dumiretso ako sa front desk, nakita ko naman agad yung secretary nyang si Imee. Nakangiti ito ng makita ako.

"Yan na ba yung anak ni si Xerxes?" Tanong nito, tumango ako bilang sagot.

"Ang cute naman nya, wag kang magalit sa sasabihin ko huh. Alam mo para kayong mag Ina. Baka naman Ikaw talaga ang mommy nyan huh, baka pinapalabas nyo lang ni sir Xerxes na baby Sitter ka." Wika ni Imee na ikinagulat ko.

"Sira, anong pinag sasabi mo dyan. Ang layo kaya ng muka namin ni Jasmine. Isa pa, baby sitter lang talaga ako nito." Natatawang sagot ko dito.

"HAHAHA, binibiro lang kita." Wika nito at pinisil ng mahina ang pisnge ni Jasmine.

"Hey, kanina pa ba kayo?" Parang nag slow motion yung paligid nung napalingon ako dito. Nakangiti itong lumapit samin. Nagulat ako sa ginawa nito, hinalikan nya ako sa noo at kinuha sakin si Jasmine.  Napatulala nalang ako dahil sa ginawa nya. Siguradong kitang kita ito ng mga impleyado nya, lalo na si Imee na nasa harapan lang namin.

"Tara na, kanina pa kong nagugutom" Wika ni Xerxes at kinuha yung kamay ko. Nag lakad kami papuntang elevator na magkahawak kamay.  Napayuko nalang ako dahil pinag titinginan na kami ng mga tao. Siguro ay gulat na gulat silang makita yung boss nila na may kasamang baata, tapos hawak kamay pa kami. Naku pag chichismisan si Xerxes ng mga ito.

  "Are you okay?" Tanong ni Xerxes ng makasakay na kami ng elevator.

"Ahmm, pinag titinginan kasi tayo kanina." Sagot ko dito at tiningnan ang reaksyon nya.

" Ganun talaga, masasanay din sila satin. Ganun naman talaga sa simula, lalo na at isang Xerxes Lopez ang boyfriend mo" Proud na wika nito habang nakangiti ng malapad sakin.

  "Anong sabi mo, boyfriend na ba kamo kita?  Jasmine, may natatandaan ka ba na nangligaw Ang daddy mo sakin?" Tanong ko kay Jasmine na ngayon ay nakatitig sa muka ng daddy nya.

Nag pout naman si Jasmine sa harap ni Xerxes sabay kunot ng noo nya.

"Hahaha, alam mo ba ang gustong sabihin ni Jasmine? Ang sabi nya i-kiss daw kita." Wika ni Xerxes habang tawa to ng tawa. Napailing nalang ako sa kakulitan nya.

"Ang ibig sabihin talaga ni Jasmine, huwag mo daw ako i-kiss. Ligawan mo daw muna ako." Nakangising wika ko dito. Sumeryoso naman yung muka ni Xerxes habang nakatingin sakin.

"Kailangan pa ba nun? Parehas naman nating mahal ang isat-isa ah." Nakakunot noo na tanong nito.

"Abay shempre, hindi porke pumayag na kong maging mommy ni Jasmine eh hindi na ko liligawan ng daddy nito" Pabirong wika ko.

"HAHAHA sige kung yan ang gusto mo gagawin ko para sayo." Natatawang sagot nito. Pumalakpak naman si Jasmine na nakikigaya sa tawa ng daddy nya. Super cute talaga ng mag ama ko.

Ayieee, kinikilig ako pag naiisip kong Isa kaming tunay na pamilya. Hindi sumasangi sa isip ko na hindi ko kadugo si Jasmine. Simula ng sabihin ni Xerxes sakin na ako muna ang pansamantalang Ina ni Jasmine. Pinangatawan ko na talaga to.

  *Ynna's Pov*

I saw Xerxes and her Loving Wife sa lobby ng Hotel. Sobrang laki ng pag sisisi ko na tinangihan ko ang kasal na gusto nila. Ok naman na sana eh, kaso nalaman kong may anak na sya.

Ayuko naman mag alaga ng anak lalo na at hindi ito sakin. Pero kung maibabalik lang sana ang lahat pumayag na sana ako.

Perfect si Xerxes para sakin, wala na kong hahanapin pa sa kanya dahil alam kong maibibigay sakin nito ang lahat ng gusto ko. Kaso its too late.

"Diba sya yung nag apply na baby sitter last month?" Dinig kong usapan nung dalawang stuff sa frontdesk. Agad akong lumapit sa nga ito.

"Good day mam Ynna" Bati ng secretary ni Xerxes.
They know me dahil ako ang dating fiance ng boss nila.

"Anong pinag uusapan nyo?" nakangiting tanong ko dito.

"Ah eh, wala naman po" Sagot nito sakin.

"Ito namang si Imee, parang iba naman ako sa inyo. Sino yung sinasabi nyong baby Sitter?" tanong ko dito.

" Ah eh, yung kasama po ni Sir. Xerxes, si Ms. Althea po" Sagot nung ni Hanna.

"What? Paano mo naman nasabi na baby Sitter ni baby Jasmine si Althea? Hindi ba sya ang mommy nito?" Pag lilinaw ko dito.

"Naku hindi po mam, last month pumunta po dito si Althea para sa Job interview bilang baby Sitter sa anak ni sir" Muling wika ni Hanna. Sinaway naman ito ni Imee dahil sa pag amin nito.

"Ganun ba, akala ko kasi sya ang mommy nito. Salamat sa information" Nakangiting wika ko.

Ibig sabihin nag sisinungaling sila sakin? Bakit kailangan pa nilang pag pangapin si Althea na true mother ni Jasmine sa harap ko?

Hindi kaya gumaganti sakin si Xerxes? Pinag seselos nya kaya ako? I have a bright idea, may pag asa pa akong maging isang tunay na Mrs.Lopez.

And i can do all things para makuha ulit ang tiwala ni Xerxes.

His Baby Sitter Where stories live. Discover now