20

1K 20 0
                                    

Ynna's Pov

I heard the news na nag kabalikan na si Xerxes and Althea. Sige lang mag pakasaya lang kayo dahil wala pa ang pasabog ko. Tingnan lang natin kapag nawala na sa inyo ang pinaka mamahal nyong anak na si Jasmine.

  "Mam Ynna, nandito na po ang bisitang hinihintay mo." wika ng katulong namin.

Ilang sandali pa ay nakaharap ko na si Lucas. Hindi ko inaasahan na gwapo ito at maganda ang pangangatawan.

"Ikaw pala si Ynna, nice to meet you." Nakangiting wika nito. Makikipag kamay sana ako pero hinalikan nito ang kamay ko. Mapang-akit ito kung makatingin.

Well isa lang naman ang kailangan ko sa kanya.
Ang makuha ang anak nya Kay Xerxes.

"Hindi na ko mag papaligoy ligoy pa Lucas. Kunin mo si Jasmine at ibibigay ko sayo ang napag usapan nating 2million" wika ko dito.

"Bakit ba gusto mong kunin ang anak ko sa kanila? Mukang maayos naman ang buhay nya kay Xerxes." Tanong nito.

"Dahil gusto kong mapasakin si Xerxes at ang way lang para makuha ko sya ay ang pinaka mamahal nyang anak na si Jasmine!" Inis na sabi ko dito.

"Desperate woman." Mahinang wika nito habang nakangisi.

"What ever Lucas! Kaya kung gusto makuha ang pera sakin, kailangan mo munang mabawi ang anak mo sa kanila, and then ibibigay ko na sayo ang 2million reward mo."

" Siguraduhin mo lang Ynna na aalagaan mo si Jasmine once na nakuha ko na ito sa kanila. Ayaw ko ng obligasyon kaya hindi ko yan isasama pabalik ng Italy." Wika nito.

Ayaw nya talaga ng responsibilidad sa anak nya. Walang kwentang ama.

"Oo, sakin mapupunta si Jasmine, kaya kumilos kana." Muling wika ko dito.

"Swerte naman pala ng anak ko dahil mag kakaroon sya ng maganda at sexy na momm. What if tumayo akong ama kay Jasmine at ikaw ang maging ina nito." Wika nito sabay kagat labi sa lower lips nya.

"Tumigil ka nga sa kahibangan mo Lucas! Si Xerxes ang gusto ko at wala ng iba. Umalis kana nga bago pa uminit Ang ulo ko sayo. Kailangan this week ay nasayo na si Jasmine!" Inis na wika ko dito.

"Tss, sayang naman. Pero pag isipan mo din ang offer ko sayo Ynna, liligaya ka sakin." Nakangising wika nito kaya tumaas ang balahibo ko.

"I warning you Lucas! Pag hindi ka pa umalis tatawag na ako ng guard!" sigaw ko dito.

"Kalma lang, ito na aalis na miss Beautiful." Wika nito at tumalikod na sakin.

Hindi mga tipo ni Lucas ang gusto ko, hindi nya mabibigay ang mga pangangailangan ko. si Xerxes lang ang nararapat sakin at wala ng iba.

Tingnan ko lang kung hindi ka mapunta sakin Xerxes after this.

**Xerxes's Pov**

Habang nag kasiyahan kami sa bahay biglang may tumawag sa phone ni tito Ronald. Nag excuse muna ito parae sagutin ang call.

After ilang minuto ay bumalik din ito sa table namin.

"Ok ka lang ba honey? Sino ba yung tumawag?" Pag aalalang tanong ni tita Sarina dito dahil para na itong iiyak.

"P-patay na si Maxine ko, wala na sya."Wika nito at tuluyan na ngang tumulo ang luha nito.

"M-Maxine? Yung anak na pinapa hanap mo?" tanong ulit ni tita Sarina.

"Oo, sabi nung investigator nya, patay na daw ito last year. W-wala na ang anak kong si Maxine!" wika ni Tito habang patuloy sa pag iyak.

"Napaka walang kwenta kong ama, pinabayaan ko si Maxine kaya namatay sya ng ganun ganun nalang."

His Baby Sitter Where stories live. Discover now