10

1K 17 0
                                    

*Kinabukasan*

Althea's Pov

Nandito na kami ngayon sa mansion at hinihintay nalang namin ang pag dating ng tito at tita ni Xerxes.

"May gusto ka bang kainin?" tanong ni Xerxes sakin. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na alam na ni Ynna ang pagiging fake mom ko.

And speaking of Ynna present din sya sa welcome party.

"Okay lang ako, wag ako ang intindihin mo kundi yang mga bisita nyo"  Nakangiting wika ko dito.

Si baby Jasmin kasi nasa tita Shaine nya nanaman. Mukang spoiled si Jasmine pag dating sa pamilya ni Xerxes. Nag iisang apo lang kasi, ang ikinakatakot ko, paano pag nalaman na nila ang totoong pag katao ni Jasmine. Matatangap kaya nila ang bata? Ituturing pa rin kaya nila itong tunay na kadugo?

" Mas gusto kitang asikasuhin kesa sa kanila."  Malambing na wika nito. Pinag titinginan na kami ng ibang family member nila. Sobrang sweet kasi nitong si Xerxes.

Naramdaman kongg nag vibrate ang phone ko kaya agad ko tong kinuha.

*ate Helga is Calling*

"Excuse lang, sasagutin ko lang tong call." Paalam ko kay Xerxes.

"Sige" Wika nito at hinalikan ang kamay ko. Jusme naman itong si Xerxes, napaka PDA. Ang sama tuloy makatingin ni Ynna.

Pumunta ako ng pool area at dun sinagot ang tawag ni ate Helga.

"Hello ate napatawag ka?" Tanong ko dito, napakunot ang noo ko ng marinig ang Serena ng bombero.

"Althea" Umiiyak na tawag nito sakin. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Ate bakit? Anong nangyare, bakit ang ingay dyan?" Pag papanic na tanong ko dito.

"N-nasusunog ang apartment, A-Althea anong gagawin ko huhuhu." Umiiyak na wika nito.

"Oh my gosh! Ok lang ba kayo ni baby Shabee?" Muling tanong ko, hindi na mapakali ang paa ko.

"Oo, p-pwede bang puntahan mo muna kami dito? Wala na kasi akong maisip na tutulong samin ngayon."

"Oo Naman ate, darating ako dyan. Hintayin mo lang ako."  Sagot ko at pinatay na yung call.

Agad kong hinanap si Xerxes para mag paalam, hindi din ako mag eenjoy sa party na to, lalo na at nasa ganoong kalagayan sila ate Helga at baby Shabee.

Nakita ko naman agad si Xerxes, napakunot pa ang noo ko dahil kausap nito si Ynna. Nalingat lang ako sandali, may linta na agad na umaligid sa kanya.

"X-Xrxes, pwede ba kitang makausap?" Tanong ko dito. Tiningnan ako ng masama ni Ynna. Wala akong panahon makipag kompotensya sa kanya.

"Bakit, ano bang nangyare at parang nag papanic ka?" Tanong nito at at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Yung apartment kasi nasusunog ngayon, kailangan ako ni ate Helga at baby Shabee. Sorry pero kailangan ko ng umalis." Naiiyak na wika ko dito.

"Sasamahan kita, hintayin mo ko at kukunin ko lang sa bag yung susi ng sasakyan" Wika ni xerxes na nag mamadali na din.

"Xerxes hindi ka pwedeng umalis. Maya maya lang ay darating na sila tita and Tito, ipahatid mo nalang sya sa driver nyo." Inis na wika ni Ynna.

"No, sasamahan ko si Althea."  Inis na sagot nito kay Ynna.

Epal kasi ng babaeng to, mashadong ma-papel. Muling humarap si Xerxes sakin.

"Hintayin mo ko." Wika nito at umalis na  para kunin ang susi ng kotse nya.

"Tshh, panira ka talaga ng araw!" Inis na wika ni Ynna at nag walk out na to.

His Baby Sitter Where stories live. Discover now