13

949 24 0
                                    

*Ronald's pov*

"Nahanap nyo na ba ang anak ko?" tanong ko sa private investigator na kinuha ko.

"We got a new information about her, nasa italy ito." sagot nito kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Kung ganun pumunta ka ng italy, ako ang bahala sa lahat ng gastusin mo, mahanap mo lang sya." wika ko dito.

"yes Sir"

Hindi na ko makapag hintay na makita ang anak kong si Maxine. 10 years old palang ito ng iwan ko.
Namatay kasi ang asawa ko sa sakit sa puso and then iniwan ko si Maxine sa kapatid ng asawa ko para makapag work ako sa  Us.

Naging maayos naman ang lahat, hindi pumapalya ang padala ko sa kanya until napagbintangan ako sa kasalanang hindi ko ginawa.

Nakulong ako for 5 years, hindi alam ni Maxine ang tungkol sa nangyare sakin. Buong akala nila pinabayaan ko na sya. Hanggang sa nakalaya ako.
Hirap na hirap akong makabangon, until i meet Sarina.

She gave me a new life, tinulungan nya ko na makaahon ulit at hindi ko namamalayan na nahulog na pala ang loob ko sa kanya. Nag pakasal kami after 5 years.

Naging masaya ang pag sasama namin, pero may kulang. Gusto na namin mag ka baby, pero walang nabubuo.. Nag pa check kami parehas at nakita na may problema sa matres ni Sarina. Hindi sya pwedeng ma-buntis.

Dun ko na sinabi sa kanya ang katotohanan na may naiwan akong anak sa pilipinas. Akala ko magagalit sya sakin pero ang totoo natuwa sya lalo na at babae ang anak ko. Agad ay umuwi kami dito sa pilipinas to find my only daughter.

"Hon, punta tayo kela Xerxex, gusto ko makita ang anak nyang si Jasmine." Paglalambing na wika nito.
Talagang sabik ang asawa ko sa anak kaya pinag bigyan ko to.

"Sige mag bihis kana." nakangiting wika ko dito.

-Althea's Pov-

"Baby Jasmine, come to mommy." Wika ko dito.

Nasa walker ito dahil sinasanay ko na sya sa pag lalakad. At nakakatuwa dahil nakakalakad na to ng ilang hakbang..

Nag search ako sa internet. Ang 1years old dapat nakakapag lakad na.Kaya more on training ako kay baby Jasmine.

"Good morning" Bati ni Tito Ronald

Napatayo ako sa sahig na kinauupuan ko ng makita ito at may kasama syang babae na kamukang kamuka ni Tita Seles. Mukang ito ang kaptid nitong si Tita Sarina.

"Good morning din po" nahihiyang bati ko. Lumapit si Jasmine sakin kaya binuhat ko to.

"Baby Jasmine, come to lola" wika ni tita Sarina. Agad namang lumapit si Jasmine dito habang nasa walker nya.

"Pasok po kayo" nakangiting pag anyaya ko sa mag Asawa.

"Pasensya na po at wala si Xerxes, nasa hotel po kasi sya ngayon" wika ko sa mag asawa.

"Naku Iha ang totoo nyan kayo talaga ni jasmine ang binisita namin. Hindi ka pa kasi na meet sa personal nito asawa ko." wika ni Tito Ronald.

"Ganun po ba, pasensya na  tita kung umalis kami sa welcome party nyo. Nag karoon kasi ng emergency yung kaibigan ko." nahihiyang wika ko dito.

"Walang problema iha, giliw na giliw kasi kami kay Jasmine nung welcome party namin. Napaka bibo ng anak nyo ni Xerxex." Nakangiting wika nito at hinalik halikan ni tita Sarina si Jasmine sa pisnge.

"Pwede ba kayo today? Gusto ko ipag shopping itong apo ko" wika muli ni tita Sarina.

"Pwede naman po, tatawagan ko lang po si Xerxes para makapag paalam kami." Nakangiting sagot ko dito.

His Baby Sitter Where stories live. Discover now