Chapter 1

3.7K 56 1
                                    

**Althea's Pov**

Isang buwan na akong walang trabaho at paubos na ang perang natitira sa huling sahod ko.
Malapit na din ang bayaran ng kuryente at renta sa apartment ko, so i need to find a new Job. Kahit anong trabaho pa yan kahit janitress papatusin ko makakain lang talaga ako ng tatlong beses sa isang araw.

"Ate Helga pwede bang maki-online sa laptop mo? Mag hahanap lang ako ng trabaho." wika ko sa katabing apartment ko.

"sige walang problema." nakangiting sagot nito.

Pag ka log in ko sa fb ko nag search agad ako ng online Job na pasok sa kinuha Kong course.
Maraming lumabas so isa isa ko itong nilista.

Sa email acct nila ako nag send ng resume ko.
Sana lang talaga matangap ako sa isa sa mga to.

Kakascroll down ko may isang nakaagaw ng pansin ko.

"Baby Sitter??" wika ko.

" Ayos din yan Thea, isa pa mahilig ka naman mag alaga ng bata" wika ni ate Helga na ngayon ay buhat ang isang taong gulang nyang anak na si baby Shabee.

Nasa likod ko pala ito at nakikitingin din sa pag hahanap ko ng trabaho sa internet.

Tiningnan ko kung qualified ba ako, so binasa ko lahat ng nakapost dun.

"female, atleast 22 to 26 years old, Single hrm graduate" basa ni ate Helga.

"eh pasado kana dyan. Mag send kana girl" wika nito sakin. 

Dahil sa sinabi ni ate Helga agad agad ay nag send ako sa email Dito.

Sana lang talaga ay matangap ako.

**kinabukasan***

Bumalik ulit ako sa apartment ni ate Helga para  tingnan kung may mga sumagot dun sa pinasahan ng resume ko Online.

Pag bukas ko ng email ko, napalumbaba ako ng wala kahit isang message.

Ang malas ko talaga ngayong buwan.
Mukang mangangalakal nalang ata ako, mag bobote, lata at tanso sa kalsada.

"ano meron ba??"
Tanong ni ate Helga.

Napanguso ako.

"malay mo naman di pa nila nababasa yung sinend mo. Wag kang pang hinaan ng loob." pag cheer up nito sakin.

Napatingin ako sa kisame at napabuntong hininga.
Think positive Althea, makakahanap ka din ng trabaho..

*Pop*

Agad akong napatingin sa screen ng laptop.
And i saw a red small dot sa message.

Agad agad ay binuksan ko ito.

"Meet me at hotel Palace now, before 11am." basa ko sa message.

" Oh my gosh!" sigaw ko at napatabon ako ng bibig.

" Mag kakawork na ko!!!!"
Muling sigaw ko at nagtatalon pa sa tuwa.

Binasa ko ang name ng nag message sakin.

Xerxes Lopez, ito yung pinag pasahan ko ng resume sa baby sitter na inaplayan ko.

Oh my gosh this is it, mag kakawork na ko.

After kong mabasa Yung email sakin agad na akong nag asikaso ng sarili ko.

Napa sign of the cross pa ako after kong maligo.

"Lord, I claimed it.. para sakin tong work na to" wika ko at tumingala pa sa itaas.

Tumingin ako sa salamin at huminga ng malalim.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon