I need popco— Joke lang pala.

"Okay, that's enough. Let's start and no more objections, please." Mariin na saad ni Ma'am kaya natahimik na ang lahat. Napaigik ako ng may naramdaman akong pumipisil sa braso ko. Tiningnan ko kung sino ang gumawa non at nakita na si Dione iyon na mukhang natatae na ewan. Nagtataka ko itong tiningnan.

"Anyare sa 'yo?" Inis kong tanong dahil masakit na ang hawak nito sa aking braso. Napanguso naman ito at niyugyog ako. Lalo akong nahihilo sa babaeng 'to!

"Hindi ako nakapag-review, 'te." Naiiyak na saad nito at napa sabunot sa buhok. Tinawanan ko ito at napailing. Ewan ko sa babaeng 'to.

Nagsimula na ang recitation at halos lahat sa mga nauna ay walang naisagot kaya labis na lang ang takot ng iba dahil unti-unti nang dumidilim ang mukha ng professor na nasa harap namin. Ang iba ay hindi na mapakali sa kinauupuan habang ako ay napalunok na lamang sa kaba.

"Rivero?"

Natigilan ako ng tinawag nito ang apelyido ni Kale. Ito na kaso ang huli sa listahan kaya sinabi ni Dione na wala ito ngayon. Napapikit naman si Ma'am sa frustration at binagsak ang hawak na libro sa lamesa. Bahagyang napatalon ang iba sa amin habang ang iba ay sapo ang dibdib ng dahil sa lakas ng pagkakabagsak ng libro. Ms. Aspen looked at us with frustration in her eyes.

"If anyone of you fail my subject at the exams, I swear to God, you're not going to see me next semester." Nagngangalit na saad nito at tiningnan kami ng may frustration sa mata. Napabuntong hininga ako.

Nagsimula na siyang magsimula sa babae kaya bumalik ang kapit sa akin ni Dione. Agad naman akong napangiwi. Hinayaan ko nalang ng maibsan naman ang kaba nito. Lalo naman sumakit ang aking ulo dahil sa pagyugyog nito sa akin.

"Chavez?"

Agad na tumayo si Dione na ngayon ay pinaglalaruan ang daliri. Pinaningkitan ko ito ng mata. Pag ito nasagot niya, makikita niya talaga.

After sabihin ni Ma'am ang tanong ay mas mabilis pa sa alas-kwatro nitong nasagot ang tanong na nagpanganga sa akin. Tangina, hindi ba nag-review yung lagay na 'yan?

Umupo ito ng may ngiti kaya agad ko itong kinurot sa gilid na nagpangiwi dito. Nagtagisan kami ng sama ng tingin.

"Anong problema mo?" Kunot noo nitong tanong kaya napairap ako. Ewan ko sa 'yo! Nadagdagan lang naman sakit ng ulo ko, nyeta!

"Parang ewan, ang pota." Bulong nito pero 'di ko na pinansin dahil nakirot na naman ang ulo ko. Eh kung putulin ko kaya ulo ko ngayon?! Chos.

"Ms. Tuazon. Please stand up." Marahan na bulong nito pero sapat na para marinig ng lahat kaya agad akong tumayo. Narinig ko na bumulong si Dione.

"Bakit kay Adira may Ms? May pa-please pa. Favoritism, ang pocha." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at mahinang binatukan sa ulo.

"Excuse me, Chavez?" Tanong ni Ms. Aspen kunwari hindi narinig ang sinabi nito. Napailing naman si Dione dito.

"Tamo..." Bulong nito. "Wala, Miss. Tuloy niyo lang po." Labas sa ilong na saad nito at nginitian ako ng nang-aasar. Nilakihan ko ito ng mata pero ngumisi lamang ito. Someone cleared their throat. I looked at Ms. Aspen. She shake her head at bumaling na sa hawak na questionnaire. Pumunta ito sa harap ng lamesa at umupo sa kaniyang lamesa habang hawak ng isang kamay ang questionnaire ng nakatingin sa akin. She crossed her arms before asking me questions.

"Tell me the difference between mesophytes and xerophytes." Tanong nito kaya tumango at sinimulan ng sagutin ito. Yumuko ako when I once again started to feel my head throb again.

"Uh, t-the environment that they are found in and their w-water requirements," I uttered. I heard she hummed in response. Uupo na sana ako ng may pa-follow up pa ito. Nagsimula na naman sumakit ang aking ulo.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon