XIV- Care

5K 283 314
                                    

Nagising ako dahil sa mumunting tubig na pumapatak sa balat ko. Dahan dahan akong nagmulat at tumingin sa paligid. Napangiti ako sa isiping gumising ako na silang dalawa ang kasama.

Hindi alintana ang papalakas na ulan at naupo lang sa harap nila. Dahan dahan kong inilapat ang palad ko sa lapidang nakaukit ang pangalan nila. I miss them so much to the point that I can't voice it out. Dahil pakiramdam ko hindi ko magagawang matapos kahit pa ang isang phrase na yun.

Ilang minuto kong dinamdam ang presensya nila bago ko naisipang tumayo na. Masyado ng malakas ang ulan na nakikisabay pa ata sa nararamdaman ko. Hindi ko na naisilong si Sixto kaya kailangan ko na talagang umalis. Magkasakit na ako't lahat, 'wag lang masira yun.


Nang marating ko si Sixto ay sumakay na agad ako. Hindi na ako nag abalang mag suot pa ng helmet at nagmaneho na ng mabilis paalis.

Mabilis ko namang narating ang bahay ko. Maayos kong pinark si Sixto sa garahe at dumiretso na sa loob. Ngunit hindi ko pa man nahahawakan ang seradura ay kusa ng nagbukas ang pinto.



"Sais?" Mukha ng gulat na si Enzo ang bumungad sa akin. Tinignan nito ang kabuoan ko at hindi na ako binigyan ng pagkakataon na makasagot dahil hinila na agad ako papasok at inabutan ng twalya.


Bakit siya nandito? Diba galit siya?


"Kanina para kang girl on fire sa pula tapos ngayon girl in the rain nanaman?" Sarkastikong sabi nito. Gaya kanina ay hindi nia ako hinintay makasagot at tinulak lang ako papasok sa kwarto ko at pabalyang sinara ang pinto.

Napabuntong hininga nalang ako at hinubad ang buong saplot ko. Hindi na ako nag abalang pumasok pa sa banyo at doon maghubad. Humiga nalang ako sa kama at binalot ng comforter ang buong katawan. Gusto kong matulog. Masyadong mabigat ang buong maghapon ko, at walang ligo o salita ang makakapagbago nun.




"Hoy! Huwag kang matulog!" Kinalampag pa nito ang pintuan ko. Hindi ko na sana papansinin kaso ay hindi siya tumitigil.


Mierda.


Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Biglaan ko yung binuksan kaya padapang napasalampak ang tangang si Enzo sa sahig. Balak nia atang suntukin ulit yung pinto. Dumadaing man ay hindi ko siya pinansin. Tinungtungan ko siya sa likod at dire diretsong naglakad papasok ng Cr. May mga sinabi pa ito pero hindi ko na inintindi. Paharang harang.


Tinanggal ko ang robe ko at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Sabi ng iba ay ang itsura ko ang ang isa sa maipagmamalaki ko. Pero bakit.... Ganun ba ako ka hindi ka gusto gusto?


"...We'll never be one. In fact I don't care about you."

"I don't know her father. She's not mine."

"I can't bear with the pain anymore, honey. I want your dad."




Binuksan ko ang shower at pikit matang dinamdam ang tubig na dumaloy sa kabuoan ko. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang itinagal ko sa banyo, basta naabutan ko nalang si Enzo at ilang bote ng beer na walang laman. Naupo ako sa tabi nito. Walang sali salitang inabot nito sa akin ang isang bote na kinuha ko naman. Binuksan ko yun gamit ang daliri ko at nilaklak iyon.


"Huwag kang magmadali. Marami pa yan." Tinuro pa nito ang 3 case sa gilid. Nasamid pa ako ng unti na ikinatawa nito. Natawa na rin ako kaya para kaming tangang tumatawa pareho.


"Sorry." Sabi ko. Uminom muna ito sa bote nia bago humarap sa akin.


Yay. Heart to heart talk ba to?


Mistakenly FreedOnde histórias criam vida. Descubra agora