IX-Charity

5.1K 271 275
                                    

Pagmulat ko ng mata ay kulay asul na kisame ang bumungad sa akin. Kumurap kurap pa ako at tumingin sa magkabilang gilid para masiguradong nasa sariling kwarto ko ako.

Mga ilang segundo rin at nagsimula ng bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina. Napahawak ako sa sarili kong dibdib at kinapa kapa ito. Normal lang. Wala na ulit. Gaya na ulit ng dati.



"You're awake. Akala ko kailangan pa kitang pahalikan sa palaka para magising." Ani ni enzo ng makapasok ito sa kwarto ko habang nagpupunas ng basang buhok.

Hindi ko ito sinagot at lumakad nalang papasok sa banyo. Ilang minuto pa akong tumitig sa salamin bago naisipang magtanggal na ng saplot sa katawan. Ang plano kong pag to toothbrush ay nauwi sa paliligo na sa palagay ko ay inabot ng Isang oras dahil nagkatulog pa ata ako habang nasa bathtub. Paglabas ko ay nakabihis na si Enzo ng pantulog at may nakapatong ng mga pagkain ng Jollibee sa ibabaw ng kama ko.

Katahimikan lang ang namutawi sa aming dalawa dahil mukhang wala siyang balak magsalita at ako man din ay walang maisipang sabihin. Hindi normal to. Never pa tumahimik tong kupal na to.


"Huwag mo pakialaman yang mga toys. Sa akin yan." Seryosong saad nito na pinulot pa isa isa yung mga laruan galing jollibee.

"Wala namang may gusto nian." Sagot ko nalang saka nilagay sa ilalim ng unan si hetty.

Ang masiste ay hindi na ulit nagsalita. Hanggang matapos kaming kumain ay hindi ito umimik. Lumabas lang sa kwarto dala dala yung pinagkainan namin. Wala pang ilang minuto ay bumalik din siya na may yakap yakap ng unan.

"Dito ka matutulog?"

Hindi ako nito sinagot at sumampa lang sa kama. Humiga ito at nilagay ang dalawang kamay sa ilalim ng ulo habang nakatingala sa ceiling. Palagay ko ay may ideya na ako kung bakit ganito kaya sinimulan ko ng magkwento.


"Hindi ko alam kung anong nangyare, Lorenz. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay.. I..I heard my heart beats..." Hindi ito sumagot pero nakatingin na siya sa akin ngayon. Napalunok ako bago ginawa ang pwesto nia at tumitig nalang din sa ceiling.

"Pero hindi ako sigurado. Hindi malinaw. Kanina ko lang yun naramdaman kaya hindi pamilyar. Pakiramdam ko ay may pumutok o kumawala sa loob ko hanggang sa para ako noong nasusuka, nanlabo ang paningin ko, at hindi ako makahinga." Inalala ko lahat ng naramdaman ko kanina. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko dahil hindi naman ako sigurado. "Lahat ng yun nangyari ng mapalapit ako kay M-Miss Savierro" napakagat pa ako sa labi dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Nang wala pa rin akong marinig mula sa kanya ay hinarap ko na ito. Nakatingin na ito sa ceiling habang nakakunot ang noo. Sa inis ko ay sinipa ko siya na ikinahulog nia sa kama.


"Aray. Putanginamo talaga, Sais. Para kang laging kulang sa aruga." Inis na singhal nito sa akin bago sumampa ulit sa kama. Kakamot kamot pa siya sa pwet bago nahiga ulit. Hindi ko siya sinagot kaya narinig ko itong bumuntong hininga.



"Natakot ako." Ani nito kaya napalingon ako sa kanya. "Natakot ako. Kasi pucha tumae lang ako for ilang oras, pagbalik ko nag ta transition kana sa pagiging amerikano." Naghahalo ang inis at takot sa boses nito. Kaya hindi ako nakasagot.


"Natatakot na tuloy akong tumae. Feeling ko ay sandali kalang mawala sa paningin ko ay sasama kana sa liwanag." May bahid ng pang aasar yun kaya napa tsk lang ako.



"Sorry." Sinserong sabi ko dahil yun lang ang naisip kong sabihin.


"Tsk. Come here." Utos nito sa akin pero hindi ako sumunod kaya hinila nito ang damit ko papalapit saka ipinatong ang buo niang binti sa katawan ko. Mukhang nilagay pa ang buong lakas doon. Tanginamo talaga Lorenzo.


Mistakenly FreedWhere stories live. Discover now