IV- Party Dj

6.2K 330 227
                                    

Sa cafeteria na ako dumiretso dahil alas onse na. Gaya nga ng sinabi ko kanina ay wala naman akong phone kaya hindi ko matatawagan si Enzo para sabihin kung nasan ako. Sa cafeteria lang ang pinaka sure akong madali ko siyang makikita dahil patay gutom ang isang yun. Kung hindi nangti trip, natutulog, e nakikikain yun.

Palinga linga akong naghahanap ng lalaking kapre na medyo may itsura. May mga tumatawag pa sa akin pero hindi ko na pinapansin. Ino offer lang naman nila ang table o di kaya ay bumabati lang. Hindi naman ako nakikipag usap sa mga hindi ko gusto at sa lalo na sa mga hindi ko kilala. Sa pagkakaalam ko kasi wala naman akong obligasyong pansinin ang mga to.

"Kuya homer sige na. Ako naman may ari ng school na to e. Wala ba kayong siopao diyan na hindi puro tinapay? Nakailang kagat na ako dito e wala paring laman" Alam ko na agad kung sino nagsabi nun.

Kahit pa napaka daming tao dito sa cafeteria ay pinilit kong makarating sa may counter. Andun lang naman si Enzo habang parang tangang hawak ang plato niang may 3 siopao at yung isa at may kagat na.

"Sir, hindi pwede. Saka sabi ng lolo nio ay pantay pantay bawat estudyante dito. Walang special treatment. Naibigay na sayo yan kaya ubusin mo na" natatawang sagot ng tinawag niang kuya homer. Parang tanga naman si Enzo na nagpapadyak. Kaya ng makalapit ako e hinila ko na ito sa damit.

"Ano ba? Kita mong nakikipag negotiation ako" Naiirita nitong sabi sa akin. Negotiation ampta.

"Para kang tanga dun. Pinag titinginan kana" Sagot ko dito. Tunay naman kasi ang lakas kasi ng boses nia kaya agaw pansin talaga. May iba pa ngang phone na nakatutok sa kanya.

"Paano ba naman kasi, 3 siopao ang binili ko pero isa palang nata try ko ng tinalo pa nila ang angel's burger sa barat. Mauubos ko na wala pa ako nalalasahang asado" Galit na talagang pagmamaktol nito. Hindi ko talaga mapigilan ang matawa dahil pinakita nia pa talaga sa akin yung siopao na pure white naman talaga kahit may kagat na.

"Ako nalang bibili sayo. Ano pa bang gusto mo? Parang isang linggo kang ginutom" Alok ko dito para lang tumigil na siya. Saglit naman itong tumingin sa akin at mukhang papayag na kaso napasimangot ulit. Ano nanaman problema nito?

"Wag na. Binili ko kasi to para sayo kasi diba kaninang umaga nagalit ka kasi kinain ko yung siopao mo. 3 pa naman binili ko para 'Bo Bo Mo'" Nakanguso na ito habang dinuduro duro yung mga siopao. Hindi naman ako sumagot kaya nagpatuloy ito.

"Kaso ay wag na pala. Tanginang siopao to, daig ko pa kumain ng ulap sa pag ka walang lasa" Inis nanamang sabi nia pero kinagat naman ulit yung siopao.

Ewan ko ba pero pati ata paghinga nito ay nakakatawa. Wala na kasing lumabas sa bibig nia na maayos. Para siyang mamamatay pag naging seryoso.

"Teka saan kaba nanggaling? Kanina pa ako libot ng libot sa school, e hindi kita mahanap. Siguro kumain kana sa labas at hindi mo ako sinama" Nagdududa itong nakatingin sa akin. Naisipan ko namang asarin.

"Oo, sa jollibee. Nandun nga sila hetty and Popo e" seryosong sagot ko dito na may bahid ng pagka proud. Akala ko ay sasagot lang ito pero ampota hindi ako pinansin at nilagpasan lang ako.

"Nagpagutom ako para sayo tapos iiwan mo ako. Hindi ka man lang nagsabi" Seryoso ang boses nito at saka umupo sa lamesa sa gitna ng Cafeteria. Kung saan ang pinaka ayaw kong pwesto!

"Bakit dito? Hoy dun tayo sa gilid." Hinihila ko pa ang braso nia pero wala talaga. Padabog itong kumukuha ng siopao.

"Sorry na." Mahinang sabi ko. Tangina mamamatay ata ako sa cringe. Hindi kasi ako sanay sa ganto.

"May picture ba?" Gaya kanina ay seryoso parin ito. Pero hindi pa rin ako tinitignan.

"Ang alin?" Takang tanong ko.

Mistakenly FreedWhere stories live. Discover now