X-Mall

4.8K 289 267
                                    

Nakasunod pa rin kami kay Miss habang palambi-lambitin naman si Raven sa pagitan namin.

"Miss where are we going?" Tanong ko dahil lakad lang ito ng lakad.


"Hell." Sagot nia kaya kinuha ko na ang kamay ni Raven sa kanya at binuhat.


"Halika na Raven, uuwi na si Miss sa pinanggalingan nia." Sabi ko lang at tumalikod na.

Naglakad na kami paalis ni raven pero hindi pa man kami nakakalayo ay may tumama ng matigas na bagay sa likod ng ulo. Lumingon ako doon at kita ko pang gumulong gulong yung maliit na bato.


"Ano ba, Miss? May lahi kabang amazona?" Tanong ko dito.


"Really, Acozta? Really?" Sarkastikong tanong nito. Tsk. "Come here." Hindi ako lumapit. "I said come here!" Nanatili lang akong nakatayo.


"Gosh!" Padabog itong lumapit sa gawi ko saka ako hinila sa damit. Kung makatawag kasi ay parang siya lang anak ng diyos.

Tinanggal ko lang ang hawak nia sa damit ko atsaka nilipat sa braso ko. Kanina pa sila hila ng hila sa damit ko. Masisira na to. Lintek na yan.

Naglakad lang kami hanggang sa makarating sa hall. Dumidilim na kaya lagay ko ay pasado ala sais na. May mga naka ready ng pagkain kaya kahit wala pa sila e nauna na kami. Nasa gitna lang namin si Raven. Magkasalo pa nga yung dalawa at sinusubuan pa ni Miss. Tsk.



"Chew it well, raven. Okay?" Sinubuan pa ulit ni Miss si Raven na ikinatango tango pa nung bata.


"Why are you frowning?" Hindi ko naman siya pinansin dahil di naman ako nag po frown o kung oo man ay di ko alam kung bakit.


"Okay, then. Can you get us water?" Nakaharap na siya ulit kay Raven. Saglit itong nag angat ng tingin at sumenyas ng kamay na parang pina-aalis na ako.

Hindi ko sana siya susundin kaso may maliit na kamay na pumatong sa kamay ko. Nginitian pa ako nito ng cute na cute. Si Miss ay may kung anong ekspresyon din sa mukha kaya wala akong nagawa kundi tumayo at sundin ang gusto nila pareho. Lintek!


"Here." Nilapag ko sa harap nila yung 2 bottled water. Sa halip na kunin ay tinignan lang nila pareho kaya ako na rin ang nagbukas.


"Can you also get us hotdogs in sticks?" Hindi pa nga ako nakakaupo ng mag utos ulit ito. "Thank you" napabuga ako ng malakas at itinigilid tagilid ko pa yung ulo ko bago ngumiti sa kanilang dalawa.

Patience. Patience. Patience.


"Really, Acozta? Really?" Tinuro nia pa yung mga kinuha ko. Ano nanaman ba?


"I asked you to get us Hotdogs but I didn't tell you to get the whole thing!" Singhal ni Miss. Dinala ko na kasi lahat pati yung pinyang pinagtusukan.

Sasagot sana ako pabalik ng magsidatingan na yung mga kasama namin at nag siupo na sa table.


"Oh Sais, bakit nakasimangot ka?" Tanong ni enzo na sinagot ko lang ng tsk.



"Eat all of that." Malamig na utos ni Miss na tinuro pa yung mga nakatusok sa pinya.


"What? No way!" Sagot ko. Sino ba siya? Kanina pa to si Miss utos ng utos e.

Hindi ito sumagot at nakipagtagisan lang ng tingin sa akin. Ako na ang unang nag-iwas at tumingin nalang sa taas. Napabuga ako ng hangin na mukhang napalakas ata dahil tumingin ang iba sa gawi ko. Hindi ko sila pinansin at binasa nalang ang ibabang labi ko bago kumuha ng isang stick sa pinya. Ramdam ko pa ang pag igting ng panga ko bago ako humarap ulit kay Miss at seryosong sinubo yung marshmallow.


Mistakenly FreedWhere stories live. Discover now