♛ Chapter 61: Thiara

109K 2.5K 577
                                    

Chapter 61: Thiara


"I came from the future, Mama."-Batang babae.

Both of my shoulders dropped. What?Mama? Huh?

She smiled then hugged me. Oh my. What's going on?

"We-wait!"

Kumawala ako sa pagyakap niya sa baba ko para mapaluhod at mas matitigan siya ng maayos. Ang cute niyang bata! Napahaplos ako sa mga pisngi niya. Oh my! It's so soft! Well, masasabi kong anak mayaman siya! Pero paano ko naman to magiging anak? Tska galing future pa?

"Mama, Hanggang kailan niyo po ba ako tititigan ng ganyan?"-Batang babae.

Ngayon ko lang napansin na ang cute pala ng boses niya! Pero the way naman siya magsalita, parang ang tanda na niya. pfft.

"Hangga't sa maniwala akong anak kita." Napa bit lip ako tapos napa chinita look. Hindi talaga ako makapaniwala eh. Baka niloloko ako ng batang 'to.

"Hehe. Funny ka pala when you are young, mama."

Napatakip bibig siya tska napagiggle.

"Weh? Sino naman ang papa mo?" Tanong ko na may kaunting tawa.

Napa aham ang batang ito tapos napa pout. Ang sarap i-kiss ng batang 'to.

"O-u! No. no. Hindi ko pwedeng sabihin ang ibang bagay na tungkol sa future mo, mama. Kasi, pagsasabihin ko, makukunan ang time ko dito."-Batang babae.

Ano naman kaya ang pakay niya kung bakit nandito siya sa present? I mean sa past? Ay ewan! Ang gulo-gulo!

"Bakit-" Hindi na ako nakapagpatuloy sa pagsasalita dahil tinawag ako ni Mama Elay para tulungan siyang kunin ang mga takip sa mga mata at tali sa mga kamay ng mga bata.

"Baby, Tutulungan muna ni mama..." Okay. Kinonfirm ko na talaga sa sarili ko na mama niya ako.

"I mean... Tutulungan ko muna sila, okay? So stay here. Huwag kang aalis."

Tumayo na ako para pumunta na sa kinaroroonan ng mga bata pero nang napahakbang ako ng ilang beses papunta doon, Nakita ko kung paano sabay-sabay na natanggal ang mga takip at tali na nasa mga bata!

Napanganga ako! Like... Hey! Hindi ako may gawa nun! Imposible namang magloko 'tong powers ko! I can control it now...I think so... Oh! Don't tell me!

Napalingon ako sa likuran ko wherein nandoon ang cute na bubwet na yun.

She just giggled na may patakip pa sa bibig.

Base sa expression niya, Siya talaga ang may gawa 'non. Pilyang bata. Hays. Paano kung may nakakita na siya ang may gawa niyon? Patay tayo diyan!

Napasapo ako sa noo. Hays.

Napalingon ako sa mga batang hindi na nagtaka sa sabay-sabay na pag-alis ng mga bagay na yun sa kanila dahil sa trauma sa pangyayaring yun. Hays. Poor children. It will take them time para makalimutan ito but we will do our best na i-comfort sila! We will bring their happiness back.

After around 30 minutes, tsaka na dumating ang mga pulis at inaresto ang mga kriminal. Ang intention pala ng mga masasamang taong yun ay kunin ang mga bata para ibenta ang mga lamang loob nila. tsk. tsk! Ang sama talaga! Talagang dito pa sila dahil alam nilang mahihirapan kaming papuntahin ng mabilis ang mga pulis dito.

Hays. Hindi man lang sila naawa sa mga inosenteng bata! Sus! kung mauulit ang pangyayaring ito, baka tuluyan na talagang maging abo yang mga katawan nila. Matitikman nila ang bangis ko. Huh!

The Immortal Royalties | Tafiana  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon