PROLOGUE

20 2 0
                                    

"I never felt so special in my life until I met him. With him, I felt everything. The joy that I thought I did not deserve. The love that I never thought I would experience, and the care that I have been praying for a long time."

Inilayo niya ang mikropono sa kanyang bibig at kinagat ang kanyang labi upang pigilan ang pag luha. Ngunit bigo siyang gawin ito, tuloy tuloy ito sa pag agos. Tinakpan niya ang kanyang mukha at doon na lumakas ang kanyang pag hikbi. Naiiyak na lumapit sa kanya si mommy at niyakap siya upang patahanin.

Gusto ko sila lapitang dalawa ngunit lumabas na lamang ako ng bahay dahil naluluha na rin ako. Bumuntong hininga ako para pigilan ang aking emosyon at pagkatapos ay kumuha ng sigarilyo sa aking kaha at ito ay sinindihan.

"Kevin." Lumingon ako sa likuran ng marinig ang kanyang boses.

"Tawag ka ni mommy."

Tumigil na siya sa pagluha ngunit halata paring umiyak siya dahil sa maga niyang mga mata. Sa tuwing titignan ko siya, hindi ko na makita yung dating siya sa itsura niya ngayon. Pumayat siya dahil sa hindi na siya kumakain ng maayos matapos ang nangyari. Halata na rin sa mga mata niya ang pagkapagod na dati ay puro kasiyahan lamang ang nakikita ko.

Itinapon ko ang hawak kong sigarilyo at tinapakan ito bago lumakad patungo sa pintuan. Bago pumasok ay nilingon ko si Gwen na nakatingin sa kawalan.

"Hindi ka ba babalik sa loob?" Gulat siyang napatingin sa akin nang magsalita ako.

"Susunod nalang ako." Maliit akong ngumiti sa kanya bago pumasok sa loob.

~~~~~

Gwen's POV
"Sigurado ka bang aalis ka na Gwen?" halata ang lungkot sa mukha ni nanay habang pinapanood akong mag empake.

"Opo nanay. Ayoko na po kasing umasa sa inyo. Gusto ko na pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa." Lumapit ako kay nanay Ling at niyakap siya. "Twenty three years old na po ako nay, matanda na ako kaya wag na kayong mag alala sa akin. Kaya ko na ang sarili ko."

"Gwendolyn, hindi ka naman umaasa sa amin. Tinutulungan ka namin." Marahan niyang hinimas ang buhok ko. Kumawala naman ako sa yakap at tinitigan siya sa mga mata.

"Fifteen years niyo na po akong tinutulungan nay. Hindi pa po ba kayo nagsasawa?" Hindi ko maiwasan ang pagiging mapait ng ekspresyon ko sa tuwing naaalala kong labing limang taon na pala akong nanirahan sa bahay ampunan.

"At bakit naman kami mag sasawa? Pamilya tayo dito Gwen. Saka hindi ba dapat ay maging matulungin tayo sa kapwa?"

"Nay mahirap rin sa aking umalis dito sa bahay ampunan dahil alam niyo naman pong ito lang ang aking naging tahanan sa mahabang panahon. Ngunit sa tingin ko po ay ito ang dapat, upang ako ay matuto." Pilit kong nginitian si nanay Ling na itinuring ko ng ina dito sa bahay ampunan para di siya mag alala.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga iyon ang rason kung bakit aalis ako. Nahihiya lang talaga ako sa kanila dahil ang tagal ko ng pabigat dito. Kung si nanay ay ayaw akong paalisin dito, ang iba naman ay gusto na akong umalis dito. Ilang beses na nila ako sinabihang mag paampon na lamang o umalis na. Ngunit wala pa akong pera, nangako ako sa sarili kong tatapusin ko muna ang pag aaral ko at pagtapos ay saka palang ako aalis dito at susuklian ko ang pagtulong nila sa akin. Tiniis ko nalang ang kahihiyan kahit sa lahat ng mga taong nandito ay ako na ang pinakamatanda.

Nagpaampon na rin naman ako noon e, pero ang bagsak ko ay dito pa rin. Tumakas ako sa matandang babae na umampon sa akin noong labing isang taong gulang pa lamang ako dahil wala na siyang ibang ginawa kundi saktan ako. Para bang inampon niya lamang ako para maging alipin at may malabasan ng sama ng loob.

Captured By WavesWhere stories live. Discover now