[18]

157 5 0
                                    

*Dave's P.O.V.*

Nagulat ako sa sinabi sa akin ni Samantha. Malabo nga na mabuntis ko siya dahil sigurado ako walang nangyari sa amin at kahit na sabihin natin meron ano yun agad agad siya nabuntis? "Baliw ka ba? Wala nga nangyari sa atin paano ka mabubuntis?" Tumingin naman si Gian ng masama kay Samantha at nilapitan siya at hinawakan ng mahigpit sa bisig.

Hindi ko na sila pinansin dahil narinig ko si Pia na sumigaw. Kaya tumakbo ako papunta sa kaniya at nakita na nasa sahig si Riley at walang malay. Tinapik tapik ko si Riley para magising pero wala. Hindi na ako nag paligoy ligoy at binuhat siya para dalhin sa clinic ng university.

Pag dating namin doon ay chineck nila si Riley at tinanong ako kung may medical history o kung nag undergo ba siya sa operation na ang ginawa ko ay tumango. Nakita ko si Pia na lumapit sa akin.

"Ano ba nangyayari paki explain nga please?" Pag tatanong niya sa akin na sobrang nag tataka. "Huwag ngayon Pia." Maikli kong sabi sa kaniya at tumingin lang pabalik kay Riley na wala pa rin malay.

"Tumawag na po kami ng ambulance, para mas ma check po ng hospital ano nangyari sa kaniya." Kaya tumango ako at nilapitan si Riley.

Hindi nag tagal at dumating nga ang ambulance na sinabi nung nurse na nag assist kay Riley. Sinakay siya rito at sinamahan ko siya.

I am getting a deja vu all over again. Hinawakan ko ang kamay niya at nararamdaman ang pag pintig ng pulso niya.

Dumating kami sa hospital kung saan siya na confine dati. Sumalubong yung doctor niya sa amin na chineck ang vital signs ni Riley.

Pumasok sila sa emergency room at iniwan ako roon sa waiting area na hindi mapakali. Hindi katagalan may nakita akong lumapit sa akin, ang pamilya ko. At si Gian kasama si Samantha.

"Ang lakas mo rin pumunta rito ano?" Galit kong sigaw sa kaniya na parang natakot siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinatak siya palayo sa pamilya ko habang pinigilan naman ako ni Gian. "Pre chill, need natin ma check if totoo bang buntis siya o hindi." Mahinahon niyang pananalita sa akin.

Inis kong binitawan ang kamay niya at bumalik na lang sa pag kakaupo kung na saan si Pia. "Kuya, ang laking gulo ang pinasok mo. Paano kung buntis talaga yan? Ano gagawin mo?" Turo niya kay Samantha na nag fill out ng kung anong form. Sinabi ko na kasi sa kaniya habang nag aantay ng ambulance para hindi siya ma-iwanan ng balita.

"Wala akong gagawin dahil sigurado ako na wala talaga nangyari sa amin at baka masaktan ko pa siya." Galit kong pananalita na umiling at nag buntong hininga.

Nung lumabas ang doctor ni Riley ay ako agad ang lumapit. "Ano po ang nangyari sa kaniya doc?" Tanong ko na hindi na alam ang gagawin. "Don't worry Mr. Ildefonso, she was just too stressed. Sabi ko naman sa inyo bawal siya masyado ma stress sa lagay niyang yun. You can see her later when she wakes up, we moved her to a private room so you and your family can wait there." Mahaba niyang pananalita sa akin na tango lang ang binigay ko.

Pumunta na si nanay, kuya Shaun at Pia kay Riley habang ako sinundan si Gian na nag lalakad papunta sa OB-GYN department. I swear, if itong babaeng to nako.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa magiging resulta, kung buntis man siya sana hindi sa akin yun kung hindi edi masaya. Para maunawaan ako ni Riley na wala talaga nangyari sa amin ni Samantha. Hindi ko nga yun mahal bakit pa ako makikipag sex sa tao na yun baliw ba ako? Hindi naman 'di ba...

Inaantay namin yung doctor na mag ultrasound sa bruhanh babae na to habang ako naiinis dahil dapat nasa tabi ako ni Riley ngayon. "Okay sorry for keeping you waiting, so mommy gusto mo raw makasigurado if pregnant ka ba talaga?" Tanong nung doctor sa kaniya na tumango lang sa doctor.

"Did you try using pregnancy test?" Tanong ulit ng doctor at tumango ulit siya rito. "Yes doc twice po and positive po." Tumango naman yung doctor sa sinabi niya.

Nag lagay siya ng gel dun sa tiyan ni Samantha tapos nakita at naririnig namin from the monitor yung tibok ng puso. "Well, mommy yes buntis ka nga." Sabi nung doctor habang tinitignan yung monitor. Shit, my fucking life ends here buntis nga siya. "2 months pregnant actually." Pag sasalita ulit ng doctor na ikinagulat ko. Holy shit 2 months? Damn hindi pwede mangyari na sa akin yun. So wala talaga nangyari sa amin yes, oh fuck. Sabi naman eh bakit ako mag dududa sa sarili ko.

"We can check sino ang tatay sa kanila if you like." Pero umiling si Samantha at tumango lang ang doctor at iniwan kaming tatlo roon.

FORGET ME NOT, MY LOVE Where stories live. Discover now