[06]

160 6 0
                                    

We both woke up hugging each other. Natulak ko siya palayo dahil napakalapit namin sa isa't isa. "Dave, gusto ko na bumalik sa University. Mas makaka alala ako if gumagana yung braincells ko hindi yung nakatutok lang ako sa Netflix." Pag bungad ko sa umaga niya. "Let's have a family meeting about it later. Besides we still need to talk to your department counselor about it."

We ended up talking to his mom and dad about my suggestion. At first, ayaw nila dahil delikado raw sa sitwasyon ko. Pero hindi katagalan pumayag na sila at sasabay ako kay Dave pumasok. Tapos ayun kinausap namin yung counselor ng department ko, and buti naman pumayag na humabol ako sa mga klase ko.

Pag dating namin sa Hallway kinamusta ako ng mga ka-team ni Dave na sinagot ko lang ng "ayus lang, wala pa rin masyado maalala" yung ibang kaibigan niya chineer up ako at sinabi na "maalala mo rin yan" which really eased the pressure on me to remember the whole thing.

Dahil gustong gusto ko na maalala ano ang meron kami ni Dave, ayaw ko yung bits of memory lang I want the whole story about it. Pumunta na ako sa klase ng hindi kasama si Dave dahil mag kaiba kami ng department at higit sa lahat iba ang subjects ko sa kaniya. Meron ata kaming same block I think that's English Literature but not really sure, because I wasn't asking for his schedule.

Pag pasok ko ng classroom nakita ko ang mga estudyante na gulat na gulat. Lumapit yung dalawa sa akin na namumukhaan ko pero hindi ko alam ang pangalan nila. "Riley, oh my gosh we missed you."

"It's me Olivia and this is Samantha." Pag papakilala niya sa sarili niya pati na rin sa kasama. "Oh hi, I'm so sorry if I don't remember you guys at all. I'm still working on getting my memories back." Pag hingi ko ng tawad dahil mukhang disappointed si Olivia dahil hindi ko siya namukhaan.

"Silly, don't worry we understand." Mahinahon niyang pananalita sa akin sabay akbay sa balikat ko. Nag lakad kami papunta sa upuan na bakante. "So, kamusta kayo ni Dave, with all the amnesia thing going on?" Tanong nung Samantha sa akin na tinigna ko at nag handa mag salita.

"Oh come on Samantha don't mind there relationship." Pag saway ni Olivia rito at inayus ang upo dahil nakita na namin ang professor namin.

Hindi nag tagal natapos din yung uneventful na klase dahil nag discuss lang naman siya. Even though it's just a discussion feeling ko mabibiyak ulo ko sa sakit kasi wala ako naintindihan kahit isang topic.

Pumunta na lang ako sa Gonzaga Cafeteria kung saan napag kasunduan namin ni Dave mag kita. Hinahanap ko kung na saan siya dahil ang daming tao tapos nung nakita ko siya tinaas niya yung kamay niya at kumaway sa akin.

Lumapit naman ako papunta sa kinauupuan niya. Nung pagka lapit ko binigyan niya ako agad ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi. "How's your first day going so far?" Pag aalala niyang tanong sa akin na nginitian ko.

"It's actually fun, ang daldal nga lang ni Olivia tapos medyo masungit si Samantha. Pero friends ko raw sila." Pag kwento ko sa kaniya na parang bata na binigyan ng star stamp sa kamay.

He smiled at me and kissed me on my cheeks again. "Did you miss me?" Another question he threw at me. Na tango lang ang sinagot ko at abot langit na ang ngiti niya. "I missed you too, ikaw nga laman ng utak ko buong araw eh." He said while giving me the plate on his food tray.

"Hungry ka na for sure so let's eat muna before I walk you to your next class." Tumango ako at kinuha yung sisig at rice.

"By the way love, after your class. Go straight to my car, here's my keys." Kinuha niya yung keychain niya na may susi ng kotse at bahay at iba pang susi hindi ko alam para saan.

"Why? Ano meron?" Tanong ko habang kinuha yung binibigay niyang susi.

"I have practice kasi, wait for me there na lang." Tumango ako sa kaniya habang tinatapos ang pag kain ko.

Binitbit niya yung backpack ko at sarili niyang backpack. "Kaya ko naman bitbitin yan, masyado mo akong binibaby." Reklamo ko sa kaniya na inakbayan naman ako. "Para saan pa mga muscles ko if papagurin lang kita love and yes you are a baby, my baby." Hala siya mag papasikat na nga lang ng biceps may banat pa.

"Uyy, kinikilig ka I can see your blushing." Bulong niya sa akin habang nag lalakad kami. Sino ba naman hindi kikiligin sige nga? "Huy ang kapal mo naman masyado, ako kinikilig? Baka ikaw?"

Maang maangan pa Riley, halata na nga mag sisinungaling pa. "If you say so, okay this is your stop." Huminto kami sa tapat ng classroom at binigay niya sa akin yung backpack na bitbit niya.

"I don't want you to go yet." Bulong ko sa sarili ko pero halata naman na narinig niya dahil hinawakan yung kamay ko. "Someone is clingy, but I love it when you do." Sabi niya sa akin tapos hinawakan yung pisngi ko sabay binigyan niya ako ng halik sa labi mismo.

OMG KA, hindi ko magawang ilayo siya sa akin kahit na ikakahiya ko ginagawa namin. Hanggang sa may umobo sa gilid namin dun na niya binitawan yung halik. Kaya tinignan ko kung sino yun at nung nakita ko shit gusto ko na lang magpakain sa lupa sa sobrang kahihiyan.

"I'll go na love, bye po Mrs. Villacruz sorry po." Takot na pag sasalit ni Dave sa akin at sa prof. ko na kilala niya. "Wala ka pa balak pumasok sa loob ng room ko Ms. Alcantara?" Hindi na ako nag salita at dali dali na pumasok at pumunta sa bakanteng upuan sa likod.

^A/N: OMG, kinikilig ako sana all may Dave Ildefonso, sana kayo rin kinilig hindi pwedeng ako lang. HAHAHA JOKE! Ano masasabi niyo kay Mrs. Villacruz?^

FORGET ME NOT, MY LOVE Where stories live. Discover now