[05]

166 6 0
                                    

Pagkatapos namin kumain ni Riley ay dumeretso na kami sa kwarto ko para makapag pahinga na siya dahil pupunta pa ako sa practice ko. "Aalis ka ba?" Tanong niya sa akin habang nilalagay ko yung damit niya sa cabinet ko na kinuha ko sa condo kanina. Tumango ako sa kaniya at tumingin sa orasan. "May practice kasi kami love, uuwi rin naman ako bago mag 11 pm." Sabi ko sa kaniya na tinanguan lang din ako. "Call me na lang if you need anything, naka save na diyan yung number ko." Sabi ko sa kaniya na pinakita sa akin yung phone na binigay ko sa kaniya nung lumabas kami ng hospital kanina. "Ayaw mo ba ako umalis?" Tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya. Naglakad ako papunta sa kama kung saan siya naka upo. "What is it?" Tanong ko ulit pero pinipigilan niya sarili niya sabihin yung gusto niya.

"Love?" Pamimilit ko sa kaniya na bumitaw lang ng hininga. "Clingy kasi if I asked you." Sabi niya na hindi pa rin sinasabi ano ang gusto. Tumingin lang ako sa kaniya inaantay ano yun. "Gusto kita katabi." Maikli niyang sinabi na pabulong. Ngumiti ako dahil ang cute ng request niya. "Papatulugin muna kita bago ako umalis." Humiga ako sa may left side ng kama tas pinatong yung braso sa unan at hinila siya ng dahan dahan. "Hindi ka ba malate sa practice mo?" Tanong niya at umiling lang ako at tinapik yung braso para ihiga na niya yung ulo niya. Ginawa naman niya ito kaya niyakap ko lang siya.

Inantay ko siyang makatulog not long after she is asleep. I kissed her forehead and slowly removing my arms under her head. Dahan dahan ko kinuha yung duffle bag ko at dahan dahan din ako lumabas ng pintuan para hindi ko magising yung pinatulog ko. Bumaba ako para mag paalam na aalis na ako. "Nay, aalis na ako. Tulog na si Riley pagsabihan mo si Pia na wag mang bulabog ah. Thanks love you nay." Mabilisang kong pag sasalita at kumaripas na ng takbo palabas ng bahay papunta sa kotse.

*Riley's P.O.V.*

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko paano, napanaginipan ko yung slight part ng aksidente namin ni Dave. I was so scared when he let go of my hands during that car accident. Yun lang yung malinaw na naalala ko habang yung iba puzzle pa rin. I can't imagine what he went through while I was in a coma. Lumabas ako ng kwarto para bumaba at pumunta sa kusina. Para kumuha ng tubig at inumin yung gamot na prescribed ng doctor ko. Nakita ako ni Pia na naglalakad pababa ng hagdan. "Sis, gising ka na pala. Wala pa si kuya ma late raw siya."

"Ah, sige antayin ko na lang din siya sa sala. Iinom lang ako ng tubig." Sabi ko at tinanguan niya ako at tuluyan na umakyat papunta sa kwarto niya. Nakarating ako sa kusina at nakakuha na ng tubig. Kinuha yung lagayan ng gamot na hinda ni Dave para sa akin. Kinuha ko yung limang piraso ng tableta at sinabay sabay ko iyong ininom.

Pag tapos ko uminom nung gamot ay umupo lang ako sa sofa at nanood ng Netflix sa TV. Inaantay ko pa rin kasi si Dave dumating, 11:59 pm na malapit na mag 12 am na wala pa rin.

Nakatulog na ako sa sofa sa sobrang tagal ko nag iintay. Nang may tumapik sa braso ko at tinignan ko kung sino iyon. "Bakit ka dito natutulog love?" Tanong niya sa akin na nginitian ko. "I was waiting for you pero nakatulog ako kakaantay, what time is it?" Pabalik kong tanong kay Dave na tumingin sa relos na nasa kanan niyang palapulsuhan. "It's 1:20 am na love, sorry I'm late pinag extend kami ng time ni Coach tapos na traffic pa may nag banggaan eh." Pag papaliwanag niya ng maigi sa akin.

"Nainom mo na ba yung gamot mo?" Tumango ako sa mga sinabi niya at tumayo para pumunta sa kwarto niya. Sumunod lang siya sa akin at nilapag yung duffle bag niya sa tabi ng cabinet. Habang ako dumeretso sa kama at tinignan siya na nakatayo sa may pintuan ng cr malapit. "I miss you, I don't know why, but yeah I miss you that's why I was waiting for you." Wala sa katinuan kong sinabi. Hindi ko mabasa yung binibigay niyang expression kaya hindi ko na pinansin at humiga na lang sa pwesto ko.

Naramdaman ko naman siya na humiga sa pwesto niya. Nagulat na lang ako ng bigla niya ako binigyan ng back hug. "I miss you too, tiring day lang talaga."

Kaya hinarap ko siya para makita yung pagod pero gwapo niyang mukha. "You should sleep na, I'm here when you wake up love." Pagkasabi ko nun ay pinikit na niya ang mata niya at di katagalan mata ko naman ang pumikit.

^A/N: Paano maalagaan ng isang Dave Ildefonso? Gusto ko maranasan please lang HAHAHAHA.^

FORGET ME NOT, MY LOVE Where stories live. Discover now