[03]

199 5 0
                                    

It is Monday and as usual I have classes and basketball training. My team mates and my fans all knew about my relationship with Riley, and they all find out about the accident. What is hard for me is that they said 'okay lang yan', even though it is not okay. Can they actually feel what I felt? I mean binabangungot na ako nung aksidente na nangyari sa amin ni Riley, I couldn't really sleep comfortably when she is there unconscious.

I was really frustrated on what I am thinking and threw the ball away from me, when coach walk towards me. "Look I understand your situation. But the team needs you, malapit na ang finals so I need your focus here. Besides you want her to be proud diba. Show her through this." I just nodded at coach and kept playing with the team.

When I got home I asked for Kuya Shaun to drive me even if it is late already, nasa practice pa kasi si Pia kaya si Kuya na lang. Nakarating kami sa hospital at sabi niya mag aantay lang siya sa kotse, kaya dumeretso na ako papunta kay Riley.

"Love, alam mo nakakapagod ngayong araw sa University lalong lalo na sa training. I need you to cheer me up." Pag kwento ko sa kaniya kung ano nangyari sa araw ko at ano ang gusto ko mangyari kaso wala naman siya ma-sasagot. "Don't let anyone to talk to you ah, mag pahinga ka lang jan babalik ako next week I promise." Pag papaalam ko sa kaniya at tuluyan ng umalis ng hospital dahil ayaw ko na ma-istorbo siya.

Pagka uwi namin dumeretso na si Kuya sa kwarto niya tapos lahat ng ilaw sa bahay nakapatay na. Dumeretso na lang din ako pa punta sa kwarto ko, nakatulala lang ako sa kisame ng ko dahil kahit pagod na ako ay hindi pa rin ako makatulog. Sa totoo lang hinding hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kumatok si tatay sa kwarto ko at pinapasok ko lang siya, nakatingin lang ako na mapungay ang mga mata. "Anong oras na anak bakit hindi ka pa natutulog?" Tinignan ko lang si tatay na hindi alam ang sasabihin. "Anong sabi namin ng nanay mo?" Pag papaalala niya sa akin at hindi na kailangan isipin pa ano iyon. "Na hindi ko kasalanan ang nangyari kaya wag ko na isipin pa." Tumango si tatay at iniwan na lang ako dito na nag iisip.

Hindi ko nga ba talaga kasalanan? Alam naman natin na ako yung nag drive at responsibilidad ko yung pangyayari. Kahit na sinabi nila na mechanism failure yun ako pa rin ang nag drive. Pero bakit ko nga ba sinisisi sarili ko?

~~ Isang buwan nakalipas~~

7:30 am, April 14

It's my 22nd birthday and all I wanted to do is spend my day with her. "Mahal, namimiss na kita. Miss ko na makita yan magaganda mong mata, kahit yun lang iregalo mo sakin ngayong kaarawan ko." Mismong pag sabi ko nun ay dumilat ang mga mata niya, dahilan para yakapin ko siya at dali daling tumawag ng doctor.

Habang tinitignan siya ng doctor ay tinext ko sila Pia, kuya, nanay at tatay sa group chat namin. Nakarating din sila agad at nakangiting inaantay ang sasabihin ng doctor. "We'll run some test but as far as I can see it. She can move around but it might take a while as she was in a coma for almost 10 months already." After the doctor told us that pia, run to her. But she didn't want to be hugged. "Sino kayo? Asan sila mama at papa?"

Lumapit ako sa kaniya at umiwas lang siya ng tingin. "Riley diba wala na mga magulang mo." Pag papaliwanag ko sa kaniya na ikinagulat nito. "Better not stress her, she is recovering from a tragic accident plus the coma so it is natural that some of her memory are lost." Sabi ng doctor sa akin na pinag alala ko. "Do you mean amnesia?" Tumango ito na ikinaluha ng mga mata ko. Lumabas ako ng kwarto ni Riley para makahinga.

Nakita ko na sumunod sa akin si kuya at tinapik lang ang likod ko. Kaso bumigay na talaga mga luha ko. "Gising nga siya pero hindi naman niya kilala kung sino ako. Anong gagawin ko kuya?" Niyakap niya lang ako habang pinapatahan ang pag iyak ko. "You'll figure it out, you're a man Dave. Malalagpasan mo iyan." Pag bibigay payo niya sa akin.

Pinunasan ko ang luha ko at nagpakatatag, pumasok ulit ako sa kwarto niya at tinignan niya lang ako. "Can you leave us a minute or so to talk?" Tanong ko sa pamilya ko at pumayag sila.

Lumapit ako kay Riley at umupo sa may upuan tabi ng kama niya. "Riley, I know you're in shock on what's going on right now." Paninimula ko na tinanguan niya ako. "Don't worry we will get back your memories." Tumango lang ulit siya pero hindi nag sasalita. Pumasok ulit yung doctor tapos chineck vitals niya. "So Mr. Ildefonso, after a week she can go home na. We received the results of her medical test and they are all good, nothing to worry about. She can go back to university if she wants to but the only condition is look out of her she might get episodes of her memory na nawala." Pag papaliwanag sa akin ng doctor na tinatak ko sa utak ko. Sabay kaming lumabas at kinuasap sila nanay.

"Nay, tay. Sa bahay muna titira si Riley kung pwede lang. I need to take care of her." Sabi ko na nagtinginan naman silang dalawa. Nag aantay ako sa sagot nilang dalawa nung tumingin sa akin si nanay. "Basta kung hindi mo papabayaan pag aaral mo sige lang. Naiintindihan naman namin ng tatay mo at may tiwala kami sa iyo." Pag kasabi niya nun ay niyakap ko silang dalawa at nag pasalamat.

Tuwang tuwa naman si Pia sa mangyayari. "Omg, can she stay in my room?" Tanong niya na nakangiti sa akin. Umiling ako at magsasalita sana ng magsalita si kuya. "Baliw ka ba? Gusto mo ba na tuluyan na makalimot yung tao." Nung pagkasabi nun ni kuya sa kaniya ay binatukan niya si Pia. "Sa room ko siya mag stay." Sabi ko sa kanila pumayag naman sila tatay at nanay dahil syempre sabi nga nila mapagkakatiwalaan naman ako.

FORGET ME NOT, MY LOVE Where stories live. Discover now