Nag-cut kami ni Archer ng huling klase namin sa hapon dahil nagpumilit siya na kailangan kong magpahospital. Ang sabi ko sa kanya ay hindi na kailangan ngunit dahil mapilit nga siya dinala niya nalang ako sa clinic. Hindi naman malala ang natamo ko. Makapal kasi 'yong suot kong damit kaya hindi masyadong tumagos ang init. Ang akala ko ay sa clinic lang ako sasamahan ni Archer ngunit nagpumilit na naman itong sasamahan niya raw ako sa condo ko. Nataranta tuloy ako at nagmadaling i-text si Eden na huwag munang umuwi.

Kung anu-ano ang naiisip ko habang kami lang dalawa sa condo. Nasa sala lang naman kami pero pakiramdam ko ang sikip ng paligid. First time kong magdala ng lalaki sa condo namin tapos crush ko pa! Hindi ako makagalaw ng maayos kaya't laking pasalamat ko dahil umuwi na si Archer.

Natagpuan ko nalang talaga ang sarili ko na nahuhulog sa kanya habang lumilipas ang mga araw. Hindi naman siguro ako ganoon kasipag para bilhan ito ng breakfast kahit may practice ako. Doon ko talaga iyon nakumpirma nang pumunta kaming Echelon para uminom.

Nakita ko siyang may kausap na lalaki sa may bar. Tumatawa pa siya tapos ngumingiti. Ang saya niya ah? Akala ko ba magc-cr? Sa bagay mukha namang inidoro 'yang kausap niya na napag-alaman kong Warden pala ang pangalan. Ang baho ng pangalan, tangina.

"Don't get jealous of Warden, he's just a friend," sambit ni Archer. Nasa loob kami ng kotse dahil hinatid ko siya.

"Hindi naman ako nagseselos."

Sinungaling ka Kio.

Hindi ko inasahan ang ginawa niya. Hinalikan niya ako sa pisngi pagkatapos ay lumabas ng sasakyan at naiwan akong nakatulala. Parang nag-malfunction ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung gaano ko katagal na prinoseso ang nangyari. Nanginginig pa ang kamay ko habang nagta-type ng message. Kahit pag-uwi ko sa condo ay para akong nawala sa sarili pero maganda sa pakiramdam.

"Ilabas mo ang mga damit mo, ako ang maglalaba," sabi ko kay Eden nang makauwi ako sa condo. Hindi 'to sumama sa Echelon e pero naabutan ko rito sa condo.

Tangina, iba talaga ang epekto ni Archer sa'kin. Habang tumatagal lalo lang akong nahuhulog. Malalim, magaan sa pakiramdam. Iyong tipong gagawin ko ang lahat para sa kanya, para sa kasiyahan niya.

"I'm so awful for thinking this pero ang hirap maging anak ng mga magulang ko."

Hindi ko inasahan na ganito pala ang sitwasyon ng pamilya niya. Hindi ko inasahan dahil hindi naman niya ipinakita o hindi man lang halata sa kanya. Kung hindi niya ako tinawagan para puntahan siya ng ganitong oras hindi ko malalaman. Mas lalo lang akong humanga kay Archer. Ang tatag niya. Ang bait. Ang laki ng puso. Nahuhulog na naman ako.

Hindi ko naisip na posible palang mahulog ka ng sobra sa isang tao. 'Yong akala mo nasa ilalim ka na, mas may ilalalim pala. Ang sarap sa pakiramdam na makipag-usap sa kanya tungkol sa bagay na mga gusto ko.

"You look happy," sabi niya. Kumakain kaming dalawa ng ice cream. Katatapos lang naming magdinner. Inaya ko kasi ito pagkatapos ng match namin at nang manalo kami. Promise niya kaya 'yon.

"Masaya talaga ako," nakangiti kong sagot. Masaya ako kasi nanalo kami. Pero mas masaya ako kasi kasama ko siya ngayon. Gusto ko pa siyang makasama ng mas matagal.

Nakaplano na ang lahat. Bago kami uuwi pabalik sa Davao, pupunta muna kaming Camp sandali. Doon ko balak umamin sa kanya. Hindi ko na kasi kayang pigilan. Gusto kong iparamdam kay Archer kung gaano ko siya kamahal. Ayokong pigilan ang sarili ko.

Pero hindi nasunod ang plano dahil nagselos siya kay Eunice.

"Sorry," sambit ko. Nasa loob kami ng kwarto matapos niya akong papasukin. Ang akala ko ay maaabutan ako ng umaga kakahintay sa labas ng kwarto. Hindi ako mapakili na alam kong hindi kami maayos. Na alam kong may bumabagabag sa kanya. Gusto kong ayusin agad.

University Dump #1: To Complain (BxB)Место, где живут истории. Откройте их для себя